Prologue

200 53 42
                                    

Pinagmamasdan ko ang larawan na nakita ko sa aking cellphone, larawan ng isang babaeng nakasandal sa isang lalaki. Naka-akbay ang lalaki sa kanyang balikat at nakahalik sa kanyang noo. I'm lucky to have you sweetheart, ito ang nakalagay na caption sa larawan.

Hindi ko magawang mag-scroll pababa o pataas, parang nadikit na ang aking daliri sa larawang 'yon. Ako dapat ang kasama mo at hindi ang babaeng ito. Kahit ano pa ang sabihin ko alam kong walang makakarinig at makaka-alam ng tungkol sa aming dalawa. Dahil ako at siya lang ang nakaka-alam.

Pinatay ko ang aking cellphone at inilapag sa table na nakalagay sa kanan ko, katabi ng isang basong tubig na hindi pa nababawasan. Inabot ko ang gilid ng kama na gawa sa bakal na pininturahan ng puti, kinapa ko ang pindutan na katapat ng aking tagiliran para umangat ang itaas na bahagi ng higaan.

Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan, napatingin ako kay Luke na naglalakad papasok sa aking kwarto. Nakasuot ito ng polo na pinaghalong kulay asul at puti na abot hanggang braso, napansin kong kakauwi lang niya galing sa trabaho dahil ito ang pangunahin nilang uniform na madalas kong makita tuwing binibisita niya ako. Napatingin ako sa kanyang kamay na may hawak-hawak na isang supot ng iba't-ibang prutas, sa kabilang kamay naman bitbit niya ang isang lagayan ng pagkain. "May dala akong prutas at ulam, kumain kana," sabi ni Luke.

Sinundan ko ng tingin ang paglapag niya ng prutas sa ibabaw ng table, samantala hinila niya naman ang bed table sa 'di kalayuan palapit sa gitnang bahagi ng aking kama. Ang lagayan ng pagkain na hawak niya ay nilapag niya rito, binuksan niya ang lagayan ng pagkain at unti-unting kumalat ang amoy sa paligid. "Salamat," sabi ko. Mula sa pagkakasandal, napagpasyahan kong umupo ng deretsyo.

"Mga 4:00 PM babyahe na ako pauwi, ma-traffic ngayon kaya kailangan kong umuwi agad. Mahirap na at baka magtaka pa si Nadine at magtanong," sabi niya. Nanatili akong tulala sa kabila ng kanyang pagsasalita, nararamdaman ko na naman ang impit ng aking kalamnan sa pagpigil ng emosyon. Ang pagdiin ng ngipin na nakapantay sa bawat ngipin ang naisip kong paraan para mapanatili ang nakangiti kong labi.

Napatingin ako sa pagbukas niya ng lagayan na naglalaman ng kanin at ulam na giniling na baboy. Inilabas niya ang kutsara at tinidor na ginamit sa pagkuha ng pagkain, sumandok ng kaunting kanin gamit ang kutsara na nilagyan ng giniling at inilapit sa direksyon ko. Lumapit pa ako ng kaunti upang tanggapin 'yon at namnamin ang pagkain. Ramdam ko sa pagnguya ang sabaw ng karne pati na ang lambot ng kanin na mainit pa.

Muling bumukas ang pintuan na hindi ko pinaglaan ng panahon para lingonin dahil nakatuon ang atensyon ko sa pagkain na pinapahalagahan ko. Nahulog niya ang kutsara na may lamang pagkain, na nagaantay sa pagbuka muli ng aking bibig, bumagsak ito sa sahig at nagbigay ingay sa paligid. Sinundan ko ng tingin ang kanyang mukha na ngayon ay nakaharap sa direksyon ng pintuan.

"Sweetheart!" banggit ni Luke. Napatingin ako sa pintuan na nakabukas, nandoon nakatayo ang isang babae na pamilyar sa'kin ang mukha. Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yon, dahil paulit-ulit ko itong tinititigan. Naramdaman ko ang pag pintig ng aking puso, mabilis ang pagtibok na punong-puno ng nerbyos.

Dahan-dahan kong nakita ang pagtayo ni Luke palapit sa babae. Napapakurap ng dahandahan ang aking mga mata kasabay ng pag alon ng aking dibdib. Kada segundo ay napapalunok ako, dahil pakiramdam ko ay katapusan na ng lahat. Nagsimula ng tumakbo palabas ang babae, hinabol ito ni Luke at unti-unti silang naglaho sa aking kwarto.

Dito na nagsimula ang aking luha na kanina pa nagpipigil na bumagsak, hindi matapos ang pagpatak at lalo pang lumalakas ang pag-agos. Mula sa aking mga mata, pababa sa pisngi na tumatama sa gilid ng aking labi nalasahan ko ang mapait na tubig. Napapikit ako at pilit na pinapahinto ang walang katapusang pagluha.

Ibigay mo ang para sa kanila at mag-antay ng para sa'yo, hindi mapipilit ang dalawang pares na mag-dikit ng walang parehas na ukit.
- A.A.B.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon