Chapter 12

39 24 20
                                    

Alisianna's POV

Pinagmamasdan ko ang aking ina pati na ang aking kapatid, na walang tigil ang kwento kay mom. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan mula sa upuan. Hindi ko nagawang makisali sa usapan nila, dahil iba ang nasa utak ko. Satuwing pinagmamasdan ko ang aking ina, naaalala ko ang masaya naming pamilya.

Si mommy ang nagaasikaso sa'min noong mga bata pa kami ng aking kapatid. Kahit na mayroong naka-assign na katulong saming dalawa, hindi pa din kami pinababayaan ni mommy, dahil siya ang nagpe-prepare ng pagkain namin. At kung minsan, siya din ang naghahatid samin sa school.

Kilala ang pamilya ng aking ina sa mamahaling alak na produksyon nila. Kinalaunan, si mommy ang naghandle nito kaya kinailangan niyang pumasok sa opisina. Dahil doon, nagparaya si dad. Nagresign siya as CEO pero dahil siya pa din ang owner, may mga bagay pa din siyang inaasikaso pati na ang pagiging miyembro ng board.

Mahalaga kay dad ang Lopez Consolidate, pero ang sabi niya ay mas mahalaga kami at gusto niya kaming pagtuunan ng oras. Hindi naging mahirap kay dad ang pagaasikaso, dahil noon pa man marunong na siya sa mga gawaing bahay. At isa pa, kaya na namin ang aming sarili, kaya hindi na niya kami kailangang problemahin.

Hanggang sa umalis si mom papunta sa ibang bansa upang asikasuhin ang business na ipinamana sa kanya. Si dad naman, bumalik siya sa Lopez Consolidate. Lumaki ako na nakukuha ko ang mga gusto ko, kaya wala akong napansin na mali sa nangyayari.

Natigil lamang ang malalim kong pagiisip ng banggitin ni Bea ang pangalan ko, kaya napatingin ako sa kanya. "Diba Ate?" sabi niya. Tumango nalamang ako kahit hindi ko narinig ang sinabi niya.

Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Pumasok si Zam na may bitbit na pagkain. "Hi tita! Kain po muna kayo, bumili po ako ng snacks," sabi niya. Inabutan niya ako ng iced coffee at chicken sandwich.

"Kamusta, Zam?" tanong sa kanya ni mom.

"Eto po tita, habulin pa din po ng mga chicks!" biro niya. Madalas kong isama si Zam sa bahay kaya kilala na siya ni mom. At isa pa, kaibigan din niya ang dad nito. "How about you po, tita? Balita ko nasa top ang Unifasia," banggit niya. Tumango lamang siya kay Zam at ngumiti.

"Mom, mag-stay na po ba kayo dito sa pilipinas?" tanong ng aking kapatid na pumukaw din sa interes ko. Ilang segundong napaisip si mom bago sagutin ang tanong ni Bea.

"I only have two weeks here, kailangan kong magreport pagbalik," sabi niya.

"P-pero k-kailangan din po namin kayo," tugon ni Bea. Naramdaman ko ang kalungkutang bumabalot sa kanyang mga mata, kahit ako ay natuksong sabihin ang linyang iyon.

Nanatili ang katahimikan sa aking ina, na nahihirapang magpaliwanag sa kanya. Napapikit na lamang ako at hindi na inantay ang kanyang sasabihin. Hinawakan ko ang kamay ni Zam at nakayuko akong lumabas ng kwarto.

Ayokong pakinggan ang kanyang sasabihin. Ayokong malaman ang dahilan niya, dahil mas masakit kapag narinig ko pa ito mula sa kanya. Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa makalabas ng hospital. Binitiwan ko na ang kanyang kamay.

"I wish na okay ka, pero alam kong hindi," sabi niya. Hindi ko alam kung bakit, tila maiiyak ako sa mga salitang iyon kaya napayakap nalang ako sa kanya. "Okay lang yan, Krist--- kaya mo yan, strong woman ka. Kaya mo yan," tinapiktapik niya pa ang aking braso upang patahanin ako.

Nagpasya akong magpalipas ng gabi sa condo ni Zam, dahil malalim na ang gabi at baka mabulabog ko pa ang mga tao sa boarding house. Pagkapasok sa kanyang condo ay napasandal ako agad sa sofa. "Aayusin ko lang ang kwarto," sabi niya.

"Dito na ako sa sofa matutulog Zam," sabi ko.

"Huh? Sure ka? Why, wag mong sabihing naiilang ka pa sa'kin." Natatawa niyang puna. "Para namang may nagbago, noon pa man ay normal na satin matulog sa iisang kama," dugtong pa niya.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon