Chapter 15

19 7 16
                                    

Alisianna's POV

Pagkatapos ng trabaho, nagpasya akong bumalik sa hospital para bisitahin si Bela. Hindi na ako nagpasama kay Zam, lalo't nabanggit niya na mayroon siyang aasikasuhin this week.  Tinawagan ko si Bela, upang tanungin kung anong gusto niyang kainin. Bumili din ako ng paborito niyang prutas at bulaklak.

Nabanggit niya na wala siyang ibang kasama ngayon kundi ang kanyang private nurse. Kaya lakas loob akong pumasok sa kwarto. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro.

"Ate!" hiyaw niya ng makita ako. Muli kong nasilayan ang masiyahin kong kapatid, kaya hindi ko maiwasan na mapangiti. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap at halik sa kanyang pisngi. I'm so sad and a little bit mad when I remember about what happened to her, dahil hindi ko siya nabantayan. Siguro kung nasa bahay ako, hindi mangyayari ito.

Sinenyasan niya ang katabi niyang nurse, kaya mabilis itong tumayo at lumabas ng room. Nagpasalamat naman ako rito bago siya tuluyang lumabas, sa pagaalaga sa aking kapatid.

Inabot ko sa kanya ang dala kong sunflowers. Nanlaki ang mata niya ng makita ang sliced strawberry cake na dala ko, kaya hindi ko mapigilan na matawa.

"So---" she started. Automatikong napataas kilay ako sa kanya, habang pinagbabalat siya ng mansanas.

"So?" I asked.

"Sino ang inspirasyon ng ate ko, at bakit sobrang blooming?!" She teased. Inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin habang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko, kaya napaatras ako sa pagka-ilang. Natawa na lamang ako sa ginagawa niya. "See! Iba talaga ate eh! Tell me! Tell me!," she added.

Ganun ba ka obvious! sa isip ko. Napairap nalang ako ng ilang beses at pilit iniwasan ang pangaasar niya. Ngunit hindi ko mapigilan kiligin satuwing inaasar niya ako dahil naaalala ko lang si Luke. I can't explain kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, lalo't hindi ko din maiwasan ang lungkot satuwing naaalala na "walang kami"

Kahit may nangyari samin, I'm not hoping na masusundan pa iyon o mas lalalim pa. Hindi maari. Hindi pwede. Mabuti na din siguro na nangyari iyon, sigurado akong pagkatapos ng lahat, hindi na kami muling magkikita. Although I felt hurt when I was thinking about it, because I like him and I want more. But--- we should stop, right here.

"Kailan ka babalik?" she asked.

"I dunno. Maybe, pagtapos ng trabaho ko,"

"Sa bahay," she added. I saw her smile bitterly. I know she needs me know, especially when our mother will not stay here for good. My sister needs me, and I think its time for me to think about her, not just my issue. I need to be with her.

"Don't worry, I'm coming home.... soon," I said. Kailangan ko munang tapusin ang mga plano ko this year, after that babalik na ako sa bahay para protektahan at alagaan ang kapatid ko. I want to protect her, lalo't natuklasan ko na kung paano siya naaksidente! I'll make them pay for what they've done, at dapat silang maghanda sa pagbabalik ko.

I received a message from Luke. Paulit ulit kong binasa ang mensahe niya, dahil hindi ko mapigilan ang kaba at dagungdong na nagmumula sa dibdib ko.

Let's make it official, Ally!

"What--- the--- heck--" Hindi ako makapaniwala sa message na iyon. Samo't sari ang naiisip ko at nararamdaman sa simpleng mensahe na natanggap ko mula sa kanya. Muling tumunog ang phone ko kaya dahan dahan kong binuksan ang sumunod na mensahe.

Susunduin kita bukas, free ka ba?

Nakauwi na ako sa boarding house, at kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Hanggang ngayon tinititigan ko pa din ang mga message na 'yon. Hindi ako makapaniwala. Nakailang bura na ako sa pagtatype ng reply sa kanya, dahil hindi ko alam ang sasabihin. Papayag ba ako? o magdadahilan na busy ako bukas?

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon