Chapter 6

100 45 33
                                    

Alisianna POV

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinili ko nalang kumain imbes na sagutin ang katanungan niya. Hanggang sa napansin ko siyang nakatitig sa'kin, kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," sabi niya. Napangiwi ako sa kanya. Bakit mo pa inulit ang tanong jusko! sa isip ko.

"H-ha? Ah- ano, ano nga ulit?" naiilang kong tanong sa kanya. Bigla nalang siyang natawa ng hindi ko alam ang dahilan.

"Ang sabi ko, pwede ba kitang maging kaibigan," natatawa niyang paliwanag. Huli na ng marealize ko ang sinasabi niya kanina kaya naman napakunot noo akong humarap sa kanya. Bakit naman kasi girlfriend, hindi nalang kaibigan? Kung anu-ano tuloy pumasok sa isip ko. Nakakahiya!

Lalo pa akong nahiya ng punasan niya ang aking mga labi gamit ang kanyang panyo. Nagkalapit ang aming mga mukha ng sobra kaya hindi ko maiwasan mabighani sa kanyang mabangong amoy. Nakakaakit ang kanyang amoy, tila gusto kong matulog sa kanyang bisig. Naputol ang panaginip ko ng gising ng matawa siya sa itsura ko. Kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya. Jusko bakit ba napaka gwapo niya? May nobya na kaya ito? Sana ako nalang! sa isip ko.

Nagpatuloy ang aming magandang kwentuhan. Hindi ko na namalayan na dalawang oras na pala kaming nandoon. Kahit na ayoko pang putulin ang usapan dahil natutuwa ako sa pagkatao niya, may napansin ako sa aking sarili na ikinatigil ko sa pag-ngiti. Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanya dahil kinakailangan ko ng umuwi.

Sabay kaming umalis sa lugar na iyon papunta sa magkahiwalay na daan. Napahinga ako ng malalim at inalala ang bagay na itinatak ko sa aking sarili, dalawang taon na ang nakakalipas. Ang mga lalaki ay pareparehas lang. Kahit gaano man sila kabait, kahit gaano ka disente, lolokohin ka din at sasaktan. Bigla akong nalungkot sa mga oras na iyo.

"Hindi ito tama Ally! Maling mali ang magkagusto ka sa kahit na sino," napapailing kong sigaw sa aking sarili. Dahil eto ang aking pinaniniwalaan.

Hindi mo kailangan masubukan lahat ng lalaki, sapat na ang naranasan kong sakit sa kauna unahang lalaking minahal ko. Ang aking ama. At ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako masasaktan ng kahit na sinong lalaki, dibale nang ako ang manakit sa kanila.

Pag-akyat ko sa pangalawang palapag ay naabutan ko ang malungkot na si Colleen. Pumasok muna ako sa aking kwarto upang magpalit ng damit, at nang makalabas nandoon pa din siya kaya naman nagpasya akong lapitan siya.

"Huy, lalim mo ah?" panimula ko. Habang naglalakad palapit sakanya.

"Wag ka ngang magulo, may iniisip ako," masungit nyang sagot. Nagkairapan pa kaming dalawa.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga malungkot na mata. Batid kong pinagmamasdan niya ang kalangitan kaya muli akong napa-irap Napaka drama naman ng babaeng ito sa isip ko.

"Nakikita mo ba 'yon?" tanong niya, sabay turo sa isang bituwin.

"Oo, ano namang meron dyan?"

"Wala, nagugutom ako," sagot niya. Tumayo na ito sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad kung saan.

Kung minsan ay hindi ko maintindihan ang babaeng ito, kung bakit ba naman pati ang bituin ay iniisip niya. Papasok na sana ako sa aking kwarto ng may maalala ako kaya hinabol ko siya.

"May ipapakita ako sa'yo," sabi ko sa kanya. Dahan dahan ko siyang hinatak papasok ng aking kwarto. "Una, ikaw lang ang makakaalam nito. Pangalawa, wala kang pagsasabihan kundi yari ka sakin!" banta ko sa kanya.

"Oo na, bilisan mo at iniistorbo mo ako," napa-cross arm pa siya dahil sa pagkabanas. Sinarado ko ang aking pintuan bago hawiin ang isang tela na nakatabing sa kalahating parte ng aking kwarto.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon