Alisianna's POV
"Gusto ko lang sabihin na namiss kita, Krist," at ngumiti lang ito ng napakalawak. Dahil hindi ako natutuwa sa kanyang presensya ay inirapan ko lang siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang nakikita. Napahinto ako nang marinig ko siyang sumigaw. "I hope na magkita tayong muli!" sigaw niya. Magsasalita na sana ako dahil sa pagkairita, ng paandarin niya na ang kanyang motor paalis.
May natanggal bang turnilyo sa utak niya? Parang tanga, eh? sa isip ko.
Ang pagkakaalala ko noong huli kaming nagkita sa kwarto na 'yon, halos laitin niya ang buo kong pagkatao, kaya hindi ko maiwasan na mapaisip kung anong nangyari sa kanya 'nong napunta siya sa ibang lugar. Hindi ko nalang din inisip kung sadya ba ang pagkikita namin o nagkataon lang, dahil una sa lahat wala akong pakialam sa kanya!
Pagkaakyat ko ng hagdanan ay nakita ko ang tatlo kong kasama sa boarding house na sina; Sam, Colleen, at Maxx, na nanonood ng TV. Inilapag ko ang dala kong pagkain sa table na agad naman nilang napansin, kaya pumunta sila sa kinaroroonan ko.
"Aba himala! May pa-blow out ang donya!" puna ni Colleen.
"Magbibihis lang ako, bahala na kayong kumain dyan," sabi ko.
Pumunta ako sa kwarto upang mag bihis. Agad kong hinagis ang bag na dala ko sa aking kama at kinalas ang butones ng uniporme kong suot at sinarado ang pintuan. Pagkatanggal ko ng aking sapatos, ay hinawi ko ang tela na nakatabing sa aking sikretong dibisyon.
Pinagmamasdan ko na naman ang damit Nasasabik na akong matapos ka! sa isip ko. Isa ito sa nakapagpawi ng pagod ko araw araw, satuwing uuwi ako galing sa trabaho. Hinawakan ko ng bahagya ang tela ng gown at inimagine ang pagkapanalo. Hindi ko talaga maiwasan na mapangiti, dahil sa katotohanang naka-buo ako ng ganitong uri ng kasuotan.
Napansin ko naman ang nakababang frame sa sulok, kaya kinuha ko ito at pinagmasdan. Family picture, kung saan kitang-kita ang mga ngiti sa aking mga magulang. Bata pa dito si Beatrice pero makikita na sa kanya ang pagiging masayahing bata. Pinunasan ko ito gamit ang kamay, at unti-unting inalala ang nakaraan.
"Daddy! Daddy! Ready na po ba 'yong gift mo para kay mommy?" tanong ko.
"Of course baby! We have to suprise her, okay?" he replied. I smiled widely to express my excitement. I hugged him and whispered something.
"Dad! Do you love mom?" I asked. He nodded and I continue to ask again. "If so, will you kiss her again? W-will you kiss her forever?" I said. He smiled at me and nodded again.
"Of course baby! She's my forever --- the three of you are my everything," he said and he kiss my head.
I'm so happy that time, walang araw na hindi ko nakikita ang pagmamahalan nilang dalawa ni mommy. Araw araw may surprise si dad for her. Although busy si mommy sa kanyang work minsan, palagi siyang gumagawa ng paraan para magkasama kaming pamilya.
Hindi ko mapigilan na ngumiti ng maalala ang nakaraan. Sila ang aking lakas, ang aking saya, sila ang inspirasyon ko hanggang ngayon. At kahit ano pa siguro ang nangyari, matatanggap ko pa din sila sa kanilang desisyon. Hindi ko lang maamin dahil ayokong tanggapin at unawain.
Lumabas na ako ng kwarto upang tapusin ang kadramahan. "Ang tagal mo naman! Kanina pa kami nagugutom," sabi ni Colleen.
"Sabi ko sa inyo kumain na kayo eh," sabi ko. Inabutan ako ni Ruffa ng plato at nagkanya-kanyang kuha na kami ng pagkain. Walang tigil ang bibig ni Colleen kakasalita habang kumakain, kaya panay ang tawa naming lahat. Batid kong sinusulit niya ang mga oras niya na kasama kami.
BINABASA MO ANG
🅼🆈 🅰🅻🅻
RomanceAlisianna Kristen, the successor of Lopez Consolidate who left her royal life behind for her dreams. While being independent in the past 2 years, she met a guy named Lucas Simon. Alisia described him as a man full of sincerity, to the point she trus...