Alisianna's POV
"Sinasabi ko na nga ba umaarte ka lang kanina sa kwarto," Hinawakan niya ang kamay kong pilit kong kinakalas.
"Pinerahan mo lang ako," sabi niya. Pinerahan? Dalawa naman kaming nakinabang ah? "Pre, bitawan mo siya," sabat ng isang lalaki na pumagitna sa'ming dalawa.
Napatingala ako at lumingon sa lalaking umawat sa kanya. Shit! Isa pang malas. Nakita ko bigla ang isa pang pamilyar na lalaki si, Dexter. "Ally?" Usisa pa niya. "Kilala mo'tong babaeng ito?" tanong sa kanya ng lalaking humarang sa'kin.
"Dex, what's happening?" tanong ng isang babae na umeksena pa sa'min. Nakita ko ang pagpulupot ng kanyang kamay sa braso ni Dexter. Napa-kunot ako ng noo na humarap sa kanya.
"Huh nothing, l-lets go," sagot niya sa babae niyang kasama. Bigla nalang akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa naging sagot niya. Sinundan ko nalang sila ng tingin dahil alam ko ang kahinaan ko, ang hindi paglaban.
Malinaw sa'kin na hindi kami seryoso, pero hindi ko ma-take 'yung ginawa niya sa'kin. Sa isang iglap, kinalimutan niya ko. "Hoy, sino ba 'yon? Siguro isa din sa naloko mo noh? Grabe ka naman! Ilan ba kami sa isang araw ha?" tanong niya sa'kin. Tinitigan ko lang siya ng masama at nahalata naman niyang naiinis na ako.
"Pwede ba? Tigilin mo na ako! Hindi lang ako ang nakinabang kanina, kaya tigilan mo din pag-arte na naloko kita," Punong-puno na kasi ako sa pagtatalak niya na parang babae. Aalis na sana ako ng ayaw niya talaga akong lubayan.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at pilit kinaladkad kung saan. Sa sobrang sakit napilitan na akong lumaban sa kanya. Isinuntok ko sa kanyang likod ang braso ko na hawak niya, kaya naman napasubsob siya ng kaunti. Nakabuwelo ako para sipain ang likuran niya para lalo siyang bumagsak sa sahig.
"Sinabi ng tantanan mo na ako eh!" lumabas agad ako ng bar para tumakas. Chineck muna ng bouncer kung bayad na ang bills ko at nagulat nalang ako ng pinayagan niya na akong lumabas.
Kasalukuyan akong nag-aantay sa labas para may masakyan ng may kumausap sa'kin. "Miss are you okay?" boses ng isang lalaking hindi ko pinaglaanan na tignan. "I'm fine, I'm fine! Just leave me alone. Wala akong oras makipag-usap," sabi ko sa kanya. Naka-focus ang atensyon ko sa daanan at cellphone, dahil inaantay ko ang pinabook kong grab ride. Late ko na nalaman na cancel pala, kaya lalo akong nainis.
Kailangan ko na agad na makalayo bago pa ako maabutan nung lalaki na binugbog ko sa loob. "Do you need help," muling tanong niya. Malapit lang siya kung saan ako naka-pwesto kaya ng mapalingon ako sa kanya, nakita ko ang paglabas ng lalaking nabugbog ko. Nanlaki ang mata ko, sabay hila sa lalaking katabi ko.
Sa pagtakbo palayo ay pinatigil niya ako sa pagkalas ng braso niya na hawak ko. "Tinatanong mo kung kailangan ko ng help hindi ba? Okay fine! I need your help, can you?" at hindi siya nag-alinlangan na maglakad hawak ang kamay ko papunta sa isang lugar.
Dinala niya ako sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at tsaka siya sumakay sa driver's seat. "Bigla ka nalang sumasama sa mga hindi mo kilala?" tanong niya. Akmang bu-buksan ko na ang pintuan para lumabas ng pigilan niya ako.
"Chill, sinasabihan lang naman kita. Saan ba kita ihahatid Miss?" tanong niya. Sinabi ko sa kanya ang location ng kaibigan ko sa Falmira, building kung saan naka-locate ang condo ni Zam.
Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi pa din ako mapakali dahil hindi ko maisip kung bakit nga ba ako sumama sa taong hindi ko kakilala. Pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan naming lugar upang masigurong hindi siya magpapalit ng daan. Nag-iisip na din ako ng plano para makatakas if ever man na may gawin siya sa'kin na hindi maganda, pero bigo ako. Nakarating kami sa address na ibinigay ko sa kanya.
"Salamat," balak ko sana siyang halikan bilang pagpapasalamat o higit pa doon ngunit umiwas lang siya na ikinagulat ko. Ilang segundo pa din akong nanatiling malapit sa kanyang mukha hanggang sa ma-realize ko ang pagkapahiya.
Lumayo ako kaagad at pilit tinanggal ang nakakabit na seatbelt. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng dahan dahan niya akong hatakin paharap sa kanya. Hinalikan niya ang mga labi ko na nagbigay ng kaba sa buo kong katawan. Ikinalma ko ang sarili ko hanggang sa tumigil siya na nagpakurap sa mga mata ko.
"May I have your number?" tanong niya. Kanina lang ay wala siyang pakialam sa prisensya ko pero parang bigla siyang nagbago.
"I'm sorry, I don't usually give my number but, you can have my name instead. I'm Alisianna, and you are?" I smiled at him as I appreciate his help today. "Luke," he said. Habang tumatagal mas lalo kong iniisip na nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala.
Bumaba na ako ng sasakyan at nag paalam sa lalaking nagpakita ng malasakit ngayong gabi na hindi nanghingi ng kapalit katulad ng iba.
Wala naman akong balak makipag kita kay Zam, ayoko lang malaman ng kahit sino kung saan ako nakatira kaya ko binigay ang location niya. Inintay kong makaalis ang kanyang sasakyan bago mag-pabook ng grab pauwi.
Wala akong pasok kaya naman inasikaso ko ang pananahi sa aking kwarto. Alam ng mga kasama ko sa bahay ang ginagawa ko, pero wala akong pinapayagan na makakita nito. Palagi naka-sarado ang kwarto ko dahil ayoko ng naiistorbo.
Gusto ko ng matapos ang order sa'kin ni AteTessie para sa kanyang buyer. Tatlong pares ng Corporate Attire na pambabae na kulay itim. Si Ate Tessie ay may tindahan ng mga tela sa loob ng palengke. Kapag naghahanap ng mananahi ang mga buyer niya ay ako agad ang tinatanong niya. Sideline ko din ang paggawa ng mga basahang bilog mula sa retaso ng mga tela na nabibili ko kay Ate Tessie at sa iba ko pang kakilala ko.
Pagkatapos nito tsaka ko lang masisimulan ang damit na ipang lalaban ko sa Dress Contest. Eto na muna ang huling tanggap ko ng pagpapatahi dahil kailangan ko mag-focus doon lalo't apat na buwan ang natitirang panahon.
Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko, kaya agad akong tumayo at hinawi ang telang nagsisilbing tabing sa tahian ko. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Ruffa na agad dumungaw sa loob ng aking kwarto. "Ano 'yon?" tanong ko sa kanya. "Nagtatahi ka na naman siguro. Nga pala natapos ko na ang labahin mo," sabi niya. Ipinasok niya ang isang basket na puno ng damit ko. "350 pesos nalang kasama na ang pagtitiklop," sabi niya ulit.
Si Ruffa ang kasama namin dito sa bahay, sideline niya ang paglalaba at dahil hindi ako mahilig maglaba ay nagpapalaba ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at iniabot sa kanya ang bayad. "Malapit ng magtanghalian, may balak ka bang kumain?" tanong niya. "Mamaya na siguro kapag natapos ko na ang gianagawa ko," sagot ko. "Okay," sabi ni Ruffa. Lumabas na siya ng aking kwarto at ini-lock ko na muli ito.
Makalipas ang ilang oras ay natapos ko na ang tinatahi kong palda. Nakaramdam ako ng gutom at medyo sumasakit na din ang ulo ko. Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa table ko, 3:00 PM na at tubig at biscuit lang ang laman ng tiyan ko simula pa kaninang umaga.
Nagpasya akong lumabas ng kwarto at kumuha ng strawberry sa ref. May mga pangalan ang bawat supot ng pagkain dito sa loob ng Ref. Pero mayroon kaming tatlong luto na pinagaambagan araw-araw. Kinuha ko ang supot ng oatmeal at naglagay sa mangkok. Inilagay ko ang strawberry doon at pumunta sa lamesa para kumain.
May mga sariling buhay ang mga tao dito, iba't ibang trabaho at sideline. Naalala ko yung bagong salta palang ako dito, hindi kami magkasundo ni Colleen dahil sa pagkakaparehas ng paguugali naming dalawa na mataray. Ayoko ng pinapakialaman ako at ganon din siya, kaya nagulat sila ng isang araw nagkasundo nalang kami. At ang dahilan? Sikreto
__________________
I will really appreciate if you vote every part of it! Thank you so much.....
BINABASA MO ANG
🅼🆈 🅰🅻🅻
RomanceAlisianna Kristen, the successor of Lopez Consolidate who left her royal life behind for her dreams. While being independent in the past 2 years, she met a guy named Lucas Simon. Alisia described him as a man full of sincerity, to the point she trus...