Alisianna POV
"Huy! Balita ko na-late ka daw kanina ah? Pinagalitan ka ni Ma'am?" tanong sa'kin ng katrabaho ko. Naka-break kami ngayon at nandito sa pantry at nagmi-miryenda.
"Naku! Alam ko na 'yung mga ganyan, naka magkano ka dun beh?" usisa pa ng isa naming kasama.
"30k din hahaha," pagyayabang ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanila at nag-tinginan pa ang dalawa.
5,000 na kasi ang pinaka malaki sa mga ganong diskarte dito sa hotel, na ang layo sa nakuha ko kanina sa lalaking nauto ko.
"Grabe ka naman? Hindi ako naniniwala sa'yo, paano nangyari 'yun ha?" tanong niya. Napangisi ako na parang lalong yumabang sa pagkainteresado niya.
"Syempre nagpakipot. 'Yung mala-birhen ha? Malay ko bang utu-uto 'yon at magbibigay ng malaki! Tsaka hoy hoy kayo! kung ayaw niyo maniwala sige! Mag bar tayo mamaya, sagot ko!" at nagbago ang mga ekspresyon nila. Alam ko namang eto lang ang iniintay nila eh ang manlibre ako.
Para sa'kin hindi na uso ang pagmukmok sa mga ganitong bagay. Wala ka namang mapapala kundi ang maging malungkot. Minsan kailangan din nating tanggapin ang buhay na nakalaan para sa'tin.
Sa mundong puno ng gulo at pagsubok, walang magtatanggol sa'yo kundi ang sarili mo. Kung gagamitin ka man ng iba, bakit hindi mo sila gamitin? Edi may napala ka pa.
Pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa pagta-trabaho. Partime ko ang paglilinis sa mga kwarto dito sa hotel pagkatapos gamitin ang mga kwarto ng aming kliyente. Kapag off, nakakapag-tahi ako ng mga damit na ino-order sa'kin ng mga kakilala ko.
Pagkatapos ng aming trabaho ay umuwi muna kami sa kanya-kanyang bahay para makapag-palit ng damit. Napag-usapan namin na magkita nalang sa labas ng bar.
Malapit lang ang street ng tinutuluyan ko dito kaya nilalakad ko lang pauwi. Mayroon itong apat na kwarto at dalawang higaan. Pero dahil maarte akong tao at ayoko ng may ka-share, nirentahan ko ang buong kwarto. Puro babae lang ang nangungupahan dito at bawal mag-dala ng nobyo, may dagdag bayad kasi 'yon.
"Hi Miss?" napalingon ako sa nagsalita. Isang grupo ng kalalakihan ang nakasalubong ko sa kalye na dinadaanan ko. Nagtatawanan at hindi gagawa ng maganda. Nginitian ko nalang at tinanguan para hindi ako guluhin, ngunit nagkamali ako.
"Pokpok 'yan! ayaw niyo maniwala sa'kin eh," sabat ng isa. Halata ang kalasingan ng mga ito. Naririndi lang ako sa tinawag niya sa'kin. At dahil ayoko ng gulo nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pinilit nilang humarang sa dadaanan ko, pero hindi ako nagpakita ng takot sa kanila. At tinitigan sila ng masama na para bang walang kabuhay-buhay.
"Bakit papalag ka ba ha Miss! Satingin mo makakadaan ka dito ng basta-basta," pagyayabang ng lalaking nakasando.
"Bakit magkano ka ba ha? Ano sabihin mo lang at dito natin gagawain," pagyayabang ng isa.
Nang magkalapitan kami sa gitna ng kalsada ay may humipo sa aking pwetan. Napatigil ako. Nauubusan na ako ng pasensya sa mga ito. Kaya,
"Tulong! tulungan niyo ako re-reypin nila ako! Tulong," hiyaw ko habang nagtatakbo palayo sa kanila. Hindi na nila nagawang habulin ako dahil may mga tao ng naglabasan sa kanilang bahay para mag-usisa. Binilisan ko pa ang pag-takbo papasok sa isang eskenita short-cut pa labas ng aming street.
Doon ko nakita si Tony, isang adik na mahilig mag-alok ng droga. Binati ko lang siya na parang isang kakilala. Hindi naman siya na nanakit, pero kailangan pa din mag ingat dahil hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Oy Ali! ikaw pala. Gusto mo," Inaalok niya sa'kin ang yosi na hawak-hawak niya.
"Hindi na, kakatapos ko lang eh. Una na ko," sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
🅼🆈 🅰🅻🅻
RomanceAlisianna Kristen, the successor of Lopez Consolidate who left her royal life behind for her dreams. While being independent in the past 2 years, she met a guy named Lucas Simon. Alisia described him as a man full of sincerity, to the point she trus...