Chapter 9

76 35 33
                                    

Alisianna's POV

Kasalukuyan akong nag-aantay ng masasakyan sa labas ng building ni Zam. Sa lalim ng aking iniisip, pati ang maliliit na buhangin sa sahig ay sinisipa ko ng dahan dahan. Masaya ako ng makita si dad, pero kasabay din non ang pagbalik ng nakaraan, kaya hindi ko maiwasang malungkot.

Ibinalik ko kay dad ang box na naglalaman ng; susi, cellphone at debit card, ngunit hindi niya ito tinanggap. Inasaan ko na din iyon, dahil alam kong hindi siya magpapatalo sa katigasan ng ulo ko. Kaya nagpasya akong i-park ang kotse ko sa building ni Zam, dahil wala naman akong pagdadalhan non.

"Bakit mo ako iniiwasan," Bigla akong kinabahan ng marinig ang isang pamilyar na boses. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso at dahan dahang humarap sa kanya.

"L-luke, paano---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng yakapin niya ako.

"Mabuti nalang at nakita na kita ngayon, Ally,"

Hindi ko alam kung tama pa ba ang nararamdaman ko satuwing nagkikita kami katulad ng sitwasyon ngayon. Hindi ako makapaniwala na magkikita kaming muli. Alam kong hindi maari na madugtungan ang pagkakakilala namin, ngunit para akong pinagtataksilan ng sarili kong puso.

"Pwede bang, maniwala ka sa'kin. Kapag sinabi kong gusto kita," sabi niya.

Ilang linggo ko siyang hindi pinansin pagkatapos ng aming tawagan sa cellphone. Wala namang dahilan para mag usap pa kaming muli, hanggang sa nakita ko siya ngayon. Bakit ba ayaw niya akong tigilan? sa isip ko. Akala ko ay nakalimutan niya na ako dahil ilang araw na siyang hindi tumawag, batid kong napagod na siya pero hindi ko inasahan ang aming pagkikita.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" tanong niya. Tumango lang ako at nagsimulang maglakad. Hinawakan niya ako at naglakad kami papunta kung saan naka park ang kanyang kotse. Para akong tuod na pumasok sa  kanyang sasakyan. Ano ba ang meron sa kanya at hindi ko siya malayuan?

Blanko pa din ang isipan ko sa loob ng kotse. Nakikiramdam lang ako sa kanyang sasabihin, dahil wala talaga akong masabi. Nang may pumasok sa isip ko, bigla nalang akong nagtanong. "Bakit, ginagawa mo ito?" tanong ko.

"Dahil gusto kita,"

"Pwede ba Luke, wag kang magpatawa. Ano naman ang magugustuhan mo sa'kin?"

Hindi siya kumibo ng ilang minuto, hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa isang tabi. Nakatingin lang ako sa harapan at minsan ay napapatingin sa paligid, upang malaman kung nasaan kaming lugar. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad kong naramdaman ang  malakas na hangin sa paligid. Kita ko ang liwanag ng mga bahay mula sa taas.

Inalalayan niya akong umakyat sa likod ng kanyang sasakyan at doon kami umupo. Napapatingin ako sa kanyang ginagawa, pati na ang pagbukas ng dalawang beer na binili niya kanina. Nagsimula siyang lumagok at pinagmamasdan ko lang siya.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam --- simula ng makita kita, hindi na kita maalis sa isip ko," nagsimula siyang magsalita.

"Palagi kong iniisip kung nasaan ka, kung makikita pa ba kita ---- at eto nga, nakita kita ulit," nagkangitian kaming dalawa. Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan habang nagaantay sa mga susunod na sasabihin niya. Nagsimula na din akong uminom.

"Gusto ko ding malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang," Napahinto siya sa pagsasalita at napatingin sa'kin.

"Satuwing nawawala ka ng walang pasabi, hinahanap kita, hinahanap hanap kita, Ally,"

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya kaya naman napangisi nalang ako at uminom muli. Napapatingin nalamang ako sa langit. Eto pala ang pakiramdam kapag nakatingin ka sa langit.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon