Chapter 10

69 31 24
                                    

Alisianna's POV

Nagising ako ng punong-puno ng pagtataka at tanong sa aking isipan. Nasaan ako? Anong oras na? Bakit iba ang suot kong damit? Paulit ulit sa isip ko. Natigil lamang ang aking pagtataka ng bumukas ang pintuan. Doon ko nakita si Luke.

Mukhang bagong ligo pa siya, dahil napapansin ko ang pagtulo ng tubig mula sa kinukuskos niyang buhok. Napapalunok nalang ako ng paulit ulit dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Wala siyang suot pang itaas, kaya nakakaagaw pansin ang kanyang katawan na ubod ng puti. Naku po Ally! Ano ba itong nakikita ko?! Teka! May nangyari ba sa'min?! sa isip ko.

"What---happened. Did --- we? Where are we?" Nagpuputol kong pagsasalita sa kanyang harapan. Hindi ko maiwasan na pagpantasyahan siya. Kung ganito ba naman araw araw ang makikita ko pagmulat ng aking mga mata, parang gusto ko nalang magstay sa kama ng buong magdamag, syempre kasama siya! sa isip ko.

Nangmakalapit siya sa akin ay mahina niyang pinitik ang aking noo. Ah! Tila nagising ako sa aking mga imahinasyon ng marinig ang mahina niyang pagtawa. Napapailing pa itong nakangiti sa'kin. "Kung anu-ano na naman siguro ang iniisip mo," sabi niya. "Nandito tayo sa bahay na tinutuluyan ko, at doon naman sa isa mo pang tanong," umupo siya sa tabi ko at dahan dahang lumapit sa'kin at bumulong.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kasabay pa noon ang hindi maipaliwanag na kiliti sa buong katawan ko, tila nakukuryente ako sa bawat paghinga niya malapit sa aking mukha. Napakurap pa ako ng ilang beses, at kasabay nito ang unti-unting pagalala ko sa mga nangyari kagabi.

Naramdaman ko ang pagbaba ng aking katawan sa isang malambot na higaan. Inaantok na talaga ako at hindi ko na siya magawang tignan. Nagpaikot ikot pa ako sa lawak ng kama, at feel na feel ang lamig ng kwarto. Nakakamiss talaga ang ganitong feeling! sa isip ko.

Narinig ko na naman ang kanyang boses ng umalon ang kama. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya kaya nagpasya akong humarap sa kanyang kinaroroonan. Nasalikod ko pala siya. "L-luke! Psst" nangingiti kong tawag sa kanya. Alam kong malapit lang siya, pero dahil sa pagkaantok pakiramdam ko ay napakalayo niya sa'kin. Kaya pinilit kong lumapit pa sa kanya.

Nakatapat ang aking mukha sa kanyang leeg, kaya naman napilitan akong tumingala para abutin ang labi niya. Mabuti nalang at yumuko siya ng kaunti. Mula sa pagkaantok, bigla akong nabuhayan na parang battery na nacharge sa halik na iyon. At bigla nalang akong napaibabaw sa kanya. Patuloy ako sa paghalik sa kanya, hanggang sa pinahinto niya ako gamit ang paghalik sa aking noo.

Nanatili ako sa kanyang ibabaw ng hatakin niya ako payakap sa kanya. "Lagi nalang!" naiirita kong pagmamaktol sa kanya. Narinig ko naman ang walang katapusan niyang pagtawa.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig muli siyang tumatawa habang ako ay napapangiwi ng alalahanin ang nangyari kagabi. Nakakahiya ka talaga Ally! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya, dahil hindi siya kagaya ng maraming lalaki na sex lang ang habol, o maiinis dahil ilang beses niya na akong binibitin.

Sabay kaming lumabas ng kwarto para mag-lunch. Hindi niya ako ginising dahil ang himbing daw ng tulog ko kanina kaya tanghali na ng magising ako. Naghanda siya ng pagkain habang ako ay nagaantay sa table. Iba talaga ang dating ng isang ito. Hindi pa siya nakakapagbihis ng pangitaas hanggang ngayon kaya naiilang akong kumain sa harapan niya. Napapairap nalang ako satuwing tinititigan niya ako.

Patuloy lang kami sa pagkain habang nagaasaran. Napahinto lamang siya ng mag-ring ang hawak niyang phone. Nakita ko mula sa kanyang noo ang pagkunot nito, batid kong hindi maganda ang message na nareceive niya. Pero makaraan ang ilang minuto ay bumalik din ang ngiti niya ng mapatingin sa akin.

🅼🆈 🅰🅻🅻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon