Alisianna's POV
Inilabas ko ang mga drawing mula sa dala kong bag at ipinakita kay Zam. Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga disenyo at pinapili siya kung ano sa tingin niya ay maganda. Pagkatapos ay sinukatan ko na siya upang masimulan ang aking pagtatahi.
Matagal kaming nakapagkwentuhan, hanggang sa umabot na ng gabi kaya nag paalam na ako. Balak niya sana akong ihatid sa tinutuluyan ko, ngunit tumanggi ako. Hindi pa panahon para malaman niya kung saan ako nakatira.
Hinalikan ko siya at muling niyakap bago lumabas ng kwarto. Hindi na kasi ako nagpahatid kahit sa labas ng building, baka may makakita pa samin. Hiling ko na makalabas kami minsan dahil namimiss ko na ang bonding namin ni Zam ngunit ayoko siyang madamay sa drama ng buhay ko.
Naging masaya ako sa muli naming pagkikita. Tila ba walang nagbago sa pagitan namin dalawa. Napahinga ako ng maluwag dahil sa saya na naramdaman ko ngayon. Pagkalabas ko sa elevator ay nagpatuloy ang aking paglalakad ng maaninag ko ang isang pamilyar na tao sa aking buhay.
Napatigil ako sa paglalakad, at hindi maiwasan ang aking pagkurap. Gusto kong siguruhin na tama ang nakikita ko, dahil hindi ako makapaniwala. Hanggang sa mapatingin ito sa kinatatayuan ko. "Ate?" banggit nito.
Lumapit ito sa kinaroroonan ko. At ng masiguro niya kung sino ako, nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngiti at nagbabadyang luha. "Ate! Ikaw nga!" Natutuwa niyang pagbati sa'kin hanggang sa yakapin niya ako ng napakahigpit.
Tinanggap ko ang yakap na iyon. Napakatagal na ng panahon ng huli ko itong maramdaman "Beatrice" naiiyak kong banggit. Hindi ko maiwasang mapaluha ng maalala ang aking bunsong kapatid. Pinagmasdan ko siya at niyakap muli.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta, may kasama ka ba? Sino ang sadya mo dito?" Dirediretsyo kong pagtatanong sa kanya. Nagpasya kaming mag-usap sa cafe na nasa loob ng building at doon magpatuloy ng paguusap.
Tuwang tuwa kaming naguusap. Kinamusta ko siya sa kanyang pagaaral pati na din sa bahay na kanyang tinitirhan. "Kailan ka ba uuwi ate?" tanong niya. Napatigil ako sa paginom ng iced tea at pinagmasdan siyang maigi.
"Hindi pa. I'm sorry Bea, pero hindi ko pa kaya bumalik sa bahay na iyon." Napayuko ako ng maalala ko ang huling araw naming magkasama bago ako umalis ng bahay.
"Ate, si papa hinahanap ka pa rin niya. Naiintindihan kita ate, pero sana bumalik kana. Lalo't may nagbabalak pumalit ng pwesto mo sa bahay," naramdaman ko ang pagkairita ng aking kapatid. Ngunit tinawanan ko lang ito.
"Nga pala, ang sabi mo kanina, ako ang pakay mo dito? Paano mo naman nalaman na nandito ako? At isa pa saan ka natutong umalis mag-isa ng walang body guard?" tanong ko.
"Well, like I said. Hinahanap ka pa din ni dad. I heard him, kausap niya yung isa niyang employee... ang sabi nakita ka daw dito sa building ni Zam. You know him ate, close friends mo ang puntirya niya dahil sigurado siyang hindi mo matitiis si Zam. But still, 2yrs na din ate, bakit ngayon mo lang naisipan pumunta dito? Alam mo namang miss na kita," naiirita nitong paliwanag.
"At isa pa, ako dapat ang una mong pinuntahan noh! Bakit si kuya Zam?!" Dugtong pa niya.
Natigil lamang ang usapan namin ng may lumapit sa table namin. "Excuse me, Ms. Beatrice, pinapauwi na po kayo ng inyong papa," banggit nito. Nakita ko ang pagirap ng aking kapatid, kasabay ng sa'kin. Sabay kaming tumayo, at nagpaalam sa isa't isa. Paalis na ako ng muling magsalita ang lalaki.
"Ma'am Kristen, ipinapatawag po kayo ni Mr. Lopez, kailangan niyo daw pong magusap," Iniabot niya sa'kin ang isang maliit na box at sabay silang umalis ng aking kapatid.
Kristen,
Please meet me in Bailagoo Hotel
Dad
BINABASA MO ANG
🅼🆈 🅰🅻🅻
RomanceAlisianna Kristen, the successor of Lopez Consolidate who left her royal life behind for her dreams. While being independent in the past 2 years, she met a guy named Lucas Simon. Alisia described him as a man full of sincerity, to the point she trus...