NANGHIHINANG napadausdos si Roni sa dingding ng operating room habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa OR table kung saan nakahiga ang walang buhay na katawan ng hipag at best friend na si Missy. Missy just died in her very hands!
Naaksidente ang van na sinasakyan nina Missy patungong Baguio kasama ng kanyang mommy at Kuya Yuan na siyang nagmamaneho. Halos himatayin siya nang malaman na ang isinugod sa ospital ay ang kanyang pamilya. Pero pinayapa niya ang sarili, kailangan siya ng mga ito. Dumeretso siya sa OR at inasikaso si Missy. Kahit gusto niyang siya rin ang humawak sa kuya at sa mommy niya ay hindi maaari.
Missy was Roni's best friend since time immemorial, and then she became the wife of her brother. Maligayang-maligaya siya noon, lalo na at tuluyang nagpakasal ang dalawa. They were perfect for each other.
But now, it all came to an end. She failed along the way. At patay na rin ang sanggol na nasa sinapupunan ni Missy. Napatingin siya sa kanyang kamay na may gloves na may dugo. Unti-unti ay nagsipagpatakan ang mga luha niya.
Saan siya nagkamali? She had been practicing her profession as a doctor for three years now and she had helped many people. But at this moment when she could have done something to save her love ones, she failed miserably. Napahagulgol na lang siyang itinukod ang ulo sa mga tuhod nang makita na inaayos na ang mga labi ni Missy. She failed and she was useless, iyon lang ang tumatak sa isip niya.
"Roni?"
Napaangat ang tingin ni Roni sa tinig na iyon. It was her Kuya Jerry, her cousin at kasamahang doktor na on-duty rin sa gabing iyon at siyang nakatalaga sa emergency room. Ang kanyang pinsan ang humawak sa kuya at sa mommy niya. Agad siyang napatayo. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito na lalong nagpakaba sa kanya.
"Kuya Jerry, how are they?" she asked in a broken voice.
"Ligtas si Yuan, Roni," anito, sa mahinang tinig. She can read worry in his eyes.
"Si Mommy?" kinakabahang tanong niya kahit nakahinga na nang maluwag na ligtas na ang kapatid. "Kuya Jerry, si Mommy?" ulit niya sa mas mataas na tono nang hindi na sumagot si Jerry at iniwas ang tingin sa kanya.
"I'm sorry, Roni. Masyadong malala ang mga pinsala sa ulo ni Tita. Hindi siya nakaligtas," anito, nagbaba ng tingin.
Again, hindi napigilan ni Roni ang mapaiyak. Agad naman siyang niyakap ni Jerry para suportahan. Naninikip ang kanyang dibdib at halos hindi na siya makahinga. Masaya pa silang lahat kaninang hapon bago sila naghiwalay. Bakit ngayon ay naging ganito na ang nangyari? Three lives were lost in just a blink of an eye. This could not be real.
"HIJA, Mag-ingat ka ha," anang dating tagapag-alaga ni Roni na si Yaya Medel sa kabilang linya. Sumasakay na siya nang mga oras na iyon patungong airport.
"Opo, Yaya," aniya, ang mga mata ay nakatutok sa daan.
"O, siya sige, tulad ng usapan, ipapasundo kita sa airport. Kilala ka na ni Epoy," anang yaya niya. Ang Epoy na tinutukoy ni Yaya Medel ay ang pamangkin nito na kasama sa bahay. Hindi na kasi nakapag-asawa ang kanyang yaya pagkatapos mamatay ang nobyo noong kadalagahan nito.
Naipikit ni Roni ang mga mata pagkatapos ng tawag. Ayaw niyang alalahanin ang dahilan ng pag-alis pero imposible naman iyon. Gusto niyang takasan pansamantala ang pangungulila at sakit na nararamdaman na lalong tumitindi kapag nasa bahay lang siya. Nandoon ang lahat ng alaala ng mommy niya, pati na rin ang mga pagkakataon na pumupunta roon si Missy. The loneliness was too much for her to bear.
Iyon din siguro ang dahilan ng pag-alis ng kapatid niya na hindi niya alam kung saan nagpunta. Basta-basta na lang nagpaalam ang Kuya Yuan niya pagkatapos ng libing kahapon. Ang restaurant nila na pinamamahalaan ng kapatid ay ipinagkatiwala muna sa kanang kamay nito na isang chef. Mula nang lumabas ng ospital ang kapatid ay mabibilang lamang sa mga daliri ang mga salita nito, ni hindi umiyak o nagpakita ng ano mang emosyon. But she knew that deep inside him, he was dying, too. Like her.
BINABASA MO ANG
The Complicated Escape
RomanceSinisi ni Roni ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Jimenez. Sa...