🌟Chapter Six🌟

536 40 8
                                    

"RONI, sigurado ka ba rito sa pagsama mo kay Senyorito?" tanong ni Yaya Medel kay Roni na nagpaalam siya nang sumapit ang hapon.

"Nakapag-usap na po kami ng apo ng donya, Yaya. At nakapagpaalam na rin po kami sa mansiyon," sagot niya, habang nag-eempake ng dadalhin. Mayamaya lang ay nandoon na si Borj at pupunta na sila sa rest house ng pamilya para paglingkuran ito.

Hindi naging madali ang pagpapaalam ni Borj sa pamilya nito kanina. Maraming tanong mula sa matatanda. Pero nasagot naman iyon nang maayos ng lalaki kaya pinayagan naman sila. Habang si Benedict ay ngingiti-ngiti at pailing-iling na hindi naman niya malaman kung bakit.

"Mag-ingat ka, hija," sabi ni Yaya Medel, tila nag-aalala na naman.

Napangiti si Roni. "Opo, Yaya. At saka hindi naman siguro ako mapapahamak kasama si Mr. Jimenez."

"Ingatan mo ang puso mo."

Doon na napatingin si Roni sa yaya niya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Pero bago pa siya makasagot ay nagpatuloy ito.

"Alam ko na may posibilidad na mahulog ang loob mo sa kanya, hija. Pero may girlfriend na si Senyorito Borj at matagal na sila ni Ma'am Lesley at mabait siya. At alalahanin mo na may naghihintay rin sa 'yo."

Napatango si Roni kahit apektado sa nalamang may girlfriend si Borj. Pero ano ba ang pakialam niya? At isa pa, may sumundot sa kanyang konsensiya. Sa mahigit isang linggong pananatili sa Cebu ay ni hindi man lang niya natawagan ang nobyo. She checked herself if she was missing Basti. Yes she did. Pero hindi ganoon kagrabe iyon. Napakibit na lang siya ng mga balikat. Idinahilan na lang ni Roni sa sarili na nasanay naman sila na matagal magkalayo palagi ng nobyo.

"Tatandaan ko po, Ya. Salamat at sorry na rin po na pinag-aalala ko kayo."

"Wala 'yon, hija. Natural na sa 'kin ang mag-alala. Narinig kong maganda roon at ipinapanalangin ko na lubos nang gumaan ang pakiramdam mo kapag nandoon ka na," anito.

"Thank you, Ya," aniya, hinalikan ito sa pisngi at niyakap nang mahigpit. She was thankful for her Yaya Medel.

"Ipinagpaalam ka pala sa 'kin ni Senyorito Borj. Sinabihan ko na ingatan ka."

"H-he did?" gulat na tanong niya. "Kailan po?"

"Kanina sa labas pagdating n'yo. Ganoon naman talaga ang mga batang 'yon, pati si Senyorito Benedict. Kahit sobrang mayaman na ay nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa."

Napatango na lang si Roni at hindi na nagkomento. She had to admit that she admired Borj for what he did. Pero agad din niyang binawi iyon. Nagpaalam ito sa kanyang yaya pero sa kanya, hindi.

Eksaktong pababa na siya nang makita ang paparating na pickup ng lalaki. At ngayon lang niya tinanong ang sarili kung tama nga ba na sumama. Oras na sumakay siya ay wala nang bawian iyon.

Pero pinayapa ni Roni ang sarili. Limang araw lang naman iyon at wala na siyang magiging problema. Ipagluluto lang niya ang lalaki, iyon lang iyon.

Paglabas ni Borj ay pinigilan na niya ang sarili na mapahanga sa pisikal na anyo nito. Naiinis pa rin siya sa lalaki. Nakita niya na tinanguan nito si Yaya Medel at pinagbuksan na siya ng pinto.

"Ready?" tanong agad ni Borj nang makapasok na rin sa sasakyan.

At para pagtakpan ang nararamdaman ay ngumuso lang siya bago sumagot. "As if I have a choice."

Narinig ni Roni ang mahinang pagtawa ng lalaki na tila ang gaan-gaan ng pakiramdam na minaniobra nang bahagya ang sasakyan. Napaikot na lang niya ang mga mata at sumandal na lang sa upuan. Bahala si Borj dahil hindi niya aabalahin ang sarili na kainisan ito.

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon