🌟Chapter Thirteen🌟

575 39 6
                                    

GABI na at nagkakasayahan ang grupo sa loob ng malapad na open cottage. Nag-iinuman ang mga lalaki habang nag-uusap ng kung ano-ano.

Napakaganda ng resort kung nasaan sina Roni. Pag-aari iyon ng pamilya ni Megan at doon daw idinaos ang kasal ng babae at ni Benedict. Inimbita rin siya ni Basti noon kaya lang ay may training siyang dinaluhan. Kung wala sanang inililihim na pag-ibig si Roni sa isa sa kalalakihang naroon na hindi niya nobyo ay siguradong sasamantalahin niya ang pagkakataong nandoon sila upang mamasyal.

Dahil sa buong araw ay ginagawa niya ang lahat para hindi makalapit kay Borj. Oo, iniiwasan niya ito para wala nang gulo. Pero dahil hindi niya mapigilan ang sarili na tingnan ang lalaki ay palagi silang nagkakahulihan ng tingin. Pero blangko lang ang ekspresyon ni Borj.

"Here she comes, pare," ang nakangiting sabi ni Tonsy.

Sumunod din ang tingin nilang lahat doon at nakita ni Roni ang isang nakangiting magandang babae papalapit sa kanila. Agad siyang napakunot-noo dahil pamilyar sa kanya ang babae.

"Hello, boys. Sorry, I'm late," anito. "Surprised?"

"Lesley." Si Junjun na unang nakabawi pagkatapos ay napatayo ang magkakaibigan pati na rin ang nobyo niya ay binati ang babae. Nakipagbeso-beso sa tatlong lalaki ang bagong dating.

Hindi agad nakapag-react si Roni. So this is Lesley. Napuno na naman ng panibugho ang kanyang puso. Napakaganda ni Lesley at halatang mabait. At kung pagbabasehan ay ang pagbati ng dalaga sa grupo ay masasabing malapit na ito sa magkaibigan.

Si Borj ang huling nilapitan ni Lesley. "Didn't you miss me, darling?" anito. Yumuko kaagad siya nang hinalikan nito si Borj. Hindi niya makakayang makita kung gaano nagmamahalan ang dalawa. Nasasaktan siya at gusto na lang niya na magkulong sa inookupang cottage at doon ilabas ang sakit na nararamdaman.

"Roni?" tawag sa kanya ng katabing si Basti. Nasa kanya na ang mga mata ng lahat. Siguro ay ipinakilala na siya ni Basti at hindi niya napansin. Agad naman siyang tumayo. "I'm sorry," aniya. "Hi," sabi niya kay Lesley.

"It's you!" sabi ni Lesley na nanlalaki ang mga mata. Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay. "The girl in front of the mirror. In the CR. At the airport," ang pagpapaalala nito sa kuwelang paraan sabay pagkumpas-kumpas ng kamay. Napatingin din ito kay Borj na tila may nais ipahiwatig at napangiti.

"Oh, yes. I'm sorry nakalimutan ko na kung hindi mo ipinaalala." Ito nga pala ang babaeng hindi nangiming bigyan siya ng advice.

"Kumusta ka na?"

"Okay na ako. Salamat," sabi ni Roni. Bigla siyang na-conscious dahil tila binabasa ni Lesley pati ang kanyang kaloob-looban na tila may alam ito sa itinatago niyang damdamin.

"Did we miss something here?" agaw ni Basti.

"Huwag kang pakialamero," si Lesley na mahinang tinapik sa pisngi si Basti. Napailing na lang siya. Sa tabi na niya naupo ang babae at nakipagkuwentuhan na sa kanya.

Nagsimula na uling magkuwentuhan ang magkakaibigan. Ang dalawang babae na ipinakilala kanina sa kanya na sina Jelai at Bea ay nakisali na rin sa inuman habang sila ni Lesley ang nag-uusap.

Pinapakiramdaman ni Roni ang babae. Kung sana ay may pagkamaldita ito ay maiinis na siya. Pero hindi, napakabait ni Lesley at palatawa. Lalo lang nadagdagan ang kanyang pagseselos. Mapapabuti si Borj kung ito ang makakatuluyan ng lalaki.

Nang mapatingin naman siya kay Borj ay malayo ang tingin nito at parang kay lalim ng iniisip. Hindi ito masyadong nagsasalita at tahimik lang na umiinom. Nandito ang girlfriend nito, pero bakit ganito si Borj sa babae? She was wondering what he was thinking.

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon