TAHIMIK na umiinom ng gatas si Roni habang binubusog ang mga mata sa tanawin. Nasa balkonahe siya ng bahay. Napakaganda ng tanawin, papataas pa lang ang araw at may hamog pa ang kapaligiran. Hindi niya alam na napakataas pala talaga ng lugar at kitang-kita ang malawak na lupain sa ibaba at hindi rin alam kung ano ang pangalan ng lugar na iyon. Napakalamig din doon kahit naka-jacket na siya.
She felt so serene after the long, dreamless night. She close her eyes and tried hard to ease the feeling of loneliness.
"Good morning," sabi ng isang tinig na tila isang hangin lang na napadpad sa tainga ni Roni na nagpagulat sa kanya.
"Heavens, Borj! Don't you dare scare me again like that!"
He laughed quietly showing much of his amusement. "Ang mukhang 'to, it scares you? Come on, sweetheart," anito at umupo sa silya na nandoon sa balkonahe paharap sa kanya.
Napailing na lang si Roni. Nagulat naman talaga siya, lalo na at ang lapit-lapit lang ni Borj. And of course, he was right. "Scared" is not the right term. Mas nakakatakam ang anyo nito kaysa sa nakakatakot, lalo na at bagong paligo. And of course, hindi niya aaminin iyon sa lalaki.
"I'm sorry na nasira ko ang moment mo," sabi pa nito.
"Ano pa nga ba," nasabi na lang niya. "Sandali lang ipagtitimpla kita ng kape."
Pumunta na siya sa kusina para ipagtimpla ng kape si Borj. Nakita niya si Nelia doon na nagtitimpla na ng kape. Bigla naman siyang nakonsensiya at nahiya sa babae dahil sa dere-deretsong pagtulog kagabi. "Pasensiya na kagabi, Nelia. Nakakahiya ang ginawa ko. Nandito ako para tumulong sa mga gawain pero natulog lang ako."
"Naku, wala 'yon, Roni. Naiintindihan naman namin. Sabi kasi ni Senyorito, masama ang pakiramdam mo," sabi ng nakangiting si Nelia. Nagulat pa si Roni dahil pinagtakpan pa pala siya ni Borj.
"Babawi ako," aniya at pinagtimpla na si Borj.
"Para ba kay Senyorito 'yan?" Ang tinutukoy ni Nelia ay ang kapeng itinitimpla niya.
"Oo."
"Sige, lalabas muna ako. Ihahatid ko pa ito kay Bryan," paalam na ng babae.
Tumango na rin siya. Pagbalik sa itaas ay malayo ang tingin ni Borj pero napabaling agad nang maramdaman siya.
"You'll make a good wife," sabi nito na nagpasikdo sa kanyang puso.
Pinanlakihan ni Roni si Borj ng mga mata kahit naaapektuhan siya ng sinabi nito. "Tumahimik ka diyan kung gusto mong mainitan 'yang sikmura mo," aniya, inilapag sa maliit na mesa ang tasa ng kape.
"Yes, Senyorita," he said, with a little smile.
Napangiti siya nang kaunti sa sinabi ng binata na pilit naman niyang itinago. Para nga siyang mas amo ng amo niya kung makapagsalita. Umupo na rin siya at hindi na nag-aalangang gawin iyon dahil alam na hindi naman magagalit ito.
"Come to think of it. Ni hindi mo ako binigyan ng ngiti. Ngayon ko lang nasilayan 'yan," sabi ni Borj na titig na titig sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. Nakita pala nito iyon. "Mahigit beinte-kuwatro oras palang tayong magkakilala."
"But it seems like I have known you since forever," anito, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
She was shocked of course, especially with that emotion that flickered in his eyes. "Stop it, Borj. Umagang-umaga, iba na agad ang itinatakbo ng isip mo," tanging nasabi niya at ibinalik ang atensiyon sa gatas na medyo malamig na rin. Kung bakit nito sinabi iyon, hindi niya alam.
Ibinalik ni Roni ang tingin sa magandang tanawin. "Pasensiya na kagabi. At salamat na rin sa pagtatakip mo sa akin sa mag-asawa," sabi niya pagkatapos ng sandaling katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Complicated Escape
RomanceSinisi ni Roni ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Jimenez. Sa...