🌟Chapter Five🌟

567 38 8
                                    

"GOOD morning," masiglang bati ni Borj sa pamilya nang pumasok na siya sa dining area. Huling-huli niya ang paglaki ng mga mata ng mga ito.

"Come on, 'La. Didn't you miss me? Hindi ako umuwi para lang titigan ninyo," biro niya sa donya at nilapitan ito para halikan sa pisngi. Agad siyang hinampas ng kanyang lola na ikinatawa niya.

"Oh, I've missed you so much, hijo, kahit noong isang linggo lang kayo nandito," anang matanda at niyakap na siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh, I've missed you so much, hijo, kahit noong isang linggo lang kayo nandito," anang matanda at niyakap na siya.

Hinalikan din ni Borj ang kanyang mommy at si Megan, ang asawa ng kapatid niya. Niyakap niya ang stepdad at nakipagsangga ng kamao kay Benedict na kapatid niya. Lihim niyang inilibot ang paningin dahil may isa pang hinahanap ang kanyang mga mata. But she was nowhere to be seen. Nagkibit-balikat siya, siguradong nasa paligid lang ito.

"Sinorpresa mo kami, kuya. Did you made that stunt again?" ani Benedict na napailing na lang nang matawa siya. Alam na talaga ng kapatid niya ang ang nakagawian na nila. Natawa lang din si Megan.

Hindi maiwasang isipin ni Borj na kung hindi siguro naagapan ng kanyang kapatid ang nagawang pagkakamali ay tuluyan nang mawawala rito ang asawa. Mabuti na lang at napatawad naman siya ng dalawa. Katunayan ay siya ang naging best man sa kasal ng mga ito.

"Bago yata ngayon ang putahe ni Aling Toyang. The mixed rice is nice," aniya. Pati ang ibang mga nakahanda ay bago rin.

"Bago ang cook natin ngayon, hijo," sabi ng mommy niya. "Galing pang Maynila," dagdag nito.

Napataas ang isang kilay ni Borj. Walang duda na ang babaeng kanyang hinahanap ang tinutukoy ng ina.

Hindi pa sigurado alam ng mga ito ang nangyari kagabi. At wala naman siyang planong sabihin sa pamilya iyon, sa ngayon. Nang sumunod na mga sandali ay pulos na lang sila kuwentuhan at kumustahan.

"Nasaan siya?" tanong niya sa isang katulong na nasa kusina at nagliligpit ng mga kubyertos. He was waiting for the moment to see her pero nalibot na niya ang mansiyon pagkatapos ng almusal kanina pero hindi pa rin nakita ang hinahanap.

"Sino po, Senyorito?" tanong naman ng katulong.

Napasuklay si Borj sa kanyang buhok. How could he forget to ask for her name? "Ang inaanak ni Aling Medel," tanging nasabi niya.

Nagtataka naman ang anyo ng katulong pero sinagot pa rin siya. "Umuwi po muna sa kanila."

Tumango na lang siya at tinungo ang garahe. It was like he was addicted to her. And it was strange because he had never felt any sense of longing for someone in his entire life. At hindi niya maintindihan kung bakit ganoon.



KASALUKUYANG sinasamahan ni Roni si Yaya Medel sa gulayan nito sa gilid ng bahay. Nandoon lang siya sa lilim ng punong-kahoy habang nagbubungkal-bungkal ng lupa pero wala naman doon ang isip.

Iniisip niya kung paano sasabihin sa mga Jimenez ang nangyari kagabi. Pati ang kanyang yaya ay walang alam sa nangyari. Tatlo lang sila ni Clara at ng lalaking iyon ang nakakaalam, maliban na lang kung nasabi na ng lalaki sa pamilya nito ang kanyang pagkakamali.

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon