🌟Chapter Fourteen - FINALE🌟

928 62 15
                                    

NAKAPIKIT si Borj habang pinipilit ang sariling matulog. Doon na siya dumeretso sa kuwartong nakatalaga sa kanya pagkatapos ng tagpo kanina sa kusina. Pero duda siya na makakatulog dahil hindi maalis-alis sa kanyang isip si Roni. Ang halik na pinagsaluhan nila ay lalo lang nagpagulo sa isip niya, pati na rin ang sakit na nararamdaman sa muli nilang pagkikita na kanina pa iniinda nang sunduin ang magkasintahan.

Mapakla siyang napangiti. Magkasintahan.

Nang umalis si Roni sa kanyang bahay ay labis siyang nasaktan. He was looking forward to talking to her and to getting know everything about her. Napapagod na siya sa setup nila at gusto niyang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol dito.

Pero nagulat na lang pag-uwi ay aalis na ang dalaga. Nangyari na nga ang kanyang kinatatakutan, ang pagbalik ni Roni sa totoo nitong buhay. Ayaw naman niya na piliting manatili ito kaya hinayaan na niya kahit binibiyak ang kanyang puso. Agad siyang nagkulong sa kuwarto at inatupag ang alak.

But when he came to his senses, he ran after her with the hopes that once he found her, he would never let her go. Pero wala na si Roni. Katakot-takot na pangungumbinsi ang ginawa niya sa ninang nito na sa kalaunan ay nalaman na dati palang yaya ng dalaga. Alam na niya ang lahat pati ang dahilan ng pagtatago nito ng totoong pagkatao. Pero nang puntahan na niya si Roni sa bahay ng mga ito ay hindi na niya makita pa. At tila siya baliw na araw-araw ay pabalik-balik sa bahay ng dalaga kahit pagod na siya sa opisina dahil sa tambak na trabaho na kanyang iniwan.

At ngayon nga ay nagkita na sila. Abot-kamay na niya si Roni ngayon pero hindi naman magiging kanya dahil pag-aari na ito ng kaibigan. Nalaman niya na may nobyo na ang dalaga pero wala sa kanyang hinagap na si Basti pala iyon.

Nasasaktan si Borj tuwing makikita na sweet ang dalawa. Totoo ang kanyang sinabi na kung sabihin lang ni Roni na mahal siya ng dalaga ay ipaglalaban niya ito. Pero lalo siyang nasaktan sa rejection na nakita sa mga mata ng babae nang sinabi iyon. Isa pa ay galit ito sa kanya at ayaw nang makipag-usap.

He missed her so much. He never imagined how one glance and one week can change his life forever. Because now he was sure that he was feeling what Benedict was talking about when it came to Megan. Love. He loves Roni so much. Iyon ang kabuuan ng lahat ng mga nagrarambulang emosyon sa kanyang sistema mula pa noong makita ang dalaga. Kahit hindi pa niya alam ang lahat tungkol sa pagkatao nito ay minahal na niya si Roni. Kung ganoon lang sana kadaling traidurin ang kaibigan ay kanina pa niya itinakas si Roni palayo rito.

"Borj, darling? Can I come in? May kukunin lang ako."

Gustong mapaungol ni Borj. Hindi niya alam kung bakit nandito si Lesley. Siguro ay inimbita ito ni Tonsy na pinsan din ng dating nobya. Hindi pa kasi alam ng grupo na hiwalay na sila.

"Come in," aniya, habang nakapikit. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto at hinayaan na lang ang dating nobya na tila may ginalugad, kahit hindi alam kung bakit doon ito naghahanap sa kanyang kuwarto.

Nang maramdaman ang paglundo ng kama ay gusto niyang magprotesta pero ayaw naman na mabastos si Lesley.

Nanatili siyang nakapikit habang ang kanyang braso ay tumatakip sa kanyang mga mata. "Les, i-lock mo na lang ang pinto pagkaalis mo," sabi na lang niya.

"Sigurado ka bang gusto mo akong palabasin na lang?"

Mabilis na nagmulat si Borj ng mga mata at bumangon dahil sa tinig na kilalang-kilala niya. Hindi siya makapaniwala kung sino ngayon ang nakaupo sa kama at tila nag-aalinlangan. "Roni?!"




HINDI malaman ni Roni kung paano sisimulan ang pakikipag-usap kay Borj. She was really anxious when Lesley caught her. But to her surprised and relief, Lesley wished her luck instead.

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon