"YAYA!"
Payakap na sinalubong ni Roni ang Yaya Medel niya pagkababa ng owner type jeep ng mga ito na sumundo sa kanya. Agad siyang napahagulgol pagkayakap sa matanda.
"Wala na sila, 'Ya," aniya sa pagitan ng mga luha.
Patuloy lang si Yaya Medel sa paghagod sa kanyang likod at hinayaan lang siyang umiyak. Mayamaya lang ay gumaan na ang kanyang pakiramdam at kumalas na sa matanda.
"Pasensiya na po at iniyakan kita kaagad," sabi niya habang pinapahid ang luha sa mukha. Nakita rin niyang napaluha na rin ito. "I've missed you po, 'Ya."
"Ano ka ba? Wala 'yon. At miss na miss na kitang bata ka." anito. "Mabuti naman at nakarating ka nang maayos. Pasensiya ka na rito sa bahay namin, maliit lang talaga."
"Yaya naman, parang hindi po ninyo ako kilala."
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, anak. Puwera na lang na lalo kang gumanda ngayon."
"Iyan ang gusto ko sa inyo, 'Ya, eh," ani Roni na totoo ang ngiti. Parang gumaan ang pakiramdam niya na nandito na siya. "Thanks, Epoy," aniya sa pamangkin ni Yaya Medel na sumundo sa kanya at ngayon ay pinapasok na ang kanyang mga gamit. Nakapag-usap na sila kanina at alam niyang masayahin ito at makuwento.
"Walang anuman," ani Epoy at lumabas na uli ng bahay.
Sila naman ni Yaya Medel ay dumulog na sa mesa. Malapit naman kasing dumilim at ngayon lang siya nakaramdam ng gutom.
"Ano ang plano mo, anak?" ani Yaya Medel mayamaya.
Napabuntong-hininga si Roni. "Sa ngayon po ay wala pa po. Makikitira lang po muna ako hanggang... hanggang sa tingin ko ay kaya ko na. Okay lang po ba?"
"Naku, batang 'to. Kung hanggang kailang mo gusto, walang problema. Napakasaya ko nga na nandito ka kahit alam kong masakit na karanasan ang nagdala sa 'yo rito," sabi nito na bumaba ang tinig sa huling sinabi.
"Nakikiramay ako, anak," sabi ni Yaya Medel nang hindi na siya nagsalita.Napatango na lang si Roni. Alam niya na masakit din para sa matanda ang nangyari dahil malapit ito sa kanyang mommy.
MAAGANG nagising si Roni. Mag-iisang linggo na siya sa probinsiya at nagustuhan naman niya ang pagtira doon, kahit noong unang tatlong gabi ay iyak pa rin siya ng iyak at nakatulala naman kung araw. Ngunit hindi siya pinapabayaan ng magtiya kaya naaliw pa rin siya kahit paano.
Napakapresko ng hangin sa probinsiya, lalo pa at may hamog pa sa mga oras na iyon. Iyon ang isa sa mga pinakapaborito niyang oras dahil napakatahimik at napakaginaw. And there she was at the front door, sitting on the elavated floor, welcoming the cold.
Nitong mga huling araw ay tumutulong-tulong na siya sa gulayan ni Yaya Medel at kung minsan ay sumasama sa munting lupain na sinasaka ni Epoy. Kahit sabihin ng dalawa na sa bahay na lang siya ay mapilit siya, ang dahilan ay para malibang kaya pumapayag naman ang mga ito.
May ibang mga tao na tagaroon na naiintriga sa kanya dahil anak-mayaman talaga ang gawi at hitsura niya ayon na rin sa mga ito at sa kanyang yaya ngunit nginingitian lang niya at pinasusubalian iyon. Nakokonsensiya na rin siya minsan kaya lang ay ayaw naman niyang maasiwa sa kanya ang mga tao.
Habang nagmumuni-muni ay naagaw ang atensiyon ni Roni sa kanta na pinapatugtog siguro ni Epoy sa cell phone nito. Hindi niya alam kung anong kanta iyon. But the lyrics of the song affected her somehow.
I will break these chains that bind me, happiness will find me. Leave the past behind me, today my life begins. A whole new world is waiting it's mine for the taking. I know I can make it, today my life begins.
BINABASA MO ANG
The Complicated Escape
RomanceSinisi ni Roni ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Jimenez. Sa...