🌟Chapter Four🌟

522 36 6
                                    

PALAKAD-LAKAD si Roni sa loob ng guest room habang kagat-kagat ang ibabang labi. Malaking problema ang kinasusuungan niya. Nagkabukol ang apo ni Donya Seling na napagkamalan niyang magnanakaw at hanggang ngayon, pagkalipas ng isang oras ay hindi pa rin nagigising. Natingnan na ni Roni ang parteng nahampas kanina. Mukha namang walang problema maliban sa bukol na nilagyan na niya ng cold compress. Pero kailangan pa rin patingnan iyon sa ospital dahil baka may damage sa loob.

"Ano'ng gagawin ko, Clara?" tanong na naman niya.

Para na siyang sirang plaka. Nasabi na ni Clara kanina na may pagkasuplado pa naman daw ang lalaki at mas higit ang kaalamang magagalit ito sa nangyari at makakarating iyon sa donya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya or worse kay Yaya Medel o kay Epoy.

Isa pa, may kamahalan ang vase na nabasag ni Roni. Magandang klase iyon at maganda ang pagkakagawa kaya naman nawalan talaga ng malay ang lalaki nang kanyang paluin. At ang isa pang problema ay isa pala sa mga paboritong vase ng Ma'am Kristine nila ang nabasag niya sa ulo ng anak nito.

"Hindi ko alam," ani Clara. "Umupo ka nga. Lalong sumasakit ang ulo ko sa 'yo," sabi pa nito na ginawa naman niya.

Napatingin uli si Roni sa lalaking walang malay. Napakaguwapo talaga nito. Guwapo rin si Benedict pero iba ang reaksiyon niya rito. Ang walang malay na lalaki ay ang mga uri ng kaguwapuhan na nanaisin mong titigan na lang buong maghapon at makokompleto na ang araw mo kapag namulatan sa umaga. He was more rugged, more authoritative and sexier. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang huling salita pero applicable pa rin iyon sa lalaki.

Agad na sinaway ni Roni ang sarili. Ni hindi niya naisip ang ganoon ideya sa boyfriend na si Basti na isa ring eligible bachelor at heto siya ngayon na kulang na lang ay kunan ng litrato ang nakahigang lalaki.

"Ang guwapo niya, no? Guwapo talaga ang mga Jimenez. Kung nakita mo lang ang ama niya na si Sir Monti at lalo na si Don Miyong ay mandidilat na lang ang mga mata mo sa kakatingin sa kanila." sabi pa ni Clara na nagpataas ng tingin ni Roni.

"Bakit ba kasi do'n siya dumaan? Napagkamalan ko tuloy siyang magnanakaw," tanging nasabi niya.

"Minsan nang ginawa 'yon ni Senyorito Borj. Sinosorpresa niya ang mga tao rito sa mansiyon," sabi ni Clara.

Napakagat-labi na lang uli si Roni. Wala na siyang masabi dahil nasa kanya na ang lahat ng sisi.



NAGISING si Borj na masakit ang likurang bahagi ng ulo. Pero dagli iyong nalimutan nang mamataan ang isang nilalang na natutulog habang nakaupo sa settee malapit sa kama.

I'll gladly trade anything just to be greeted by this sight everytime I woke up. God, she so beautiful... nangingiting naisip niya.

Why? Napakagandang mukha ng isang babae ang kanyang nasilayan, though there something seemed to trouble her even in her sleep. Lalo na nang matitigan niya ang mga labi nito. She had the most kissable lips he had ever seen. Her lips were seemed to hold a lot of hidden pleasures. And he bet her eyes will make him catch his breath when they were opened.

Ngunit napakunot-noo siya nang matitigang mabuti ang mukha nito. An image flashed in his mind. Ang babae sa airport!

You were here all along, sweetheart. Sa pamamahay ko pa mismo, naisip niya. Hindi siya maaaring magkamali. Masyado niyang iningatan ang imaheng iyon para makalimutan. Pinagsawa niya ang mga mata sa natutulog na babae bago pa siya magising at baka nanaginip lang.

Naramdaman siguro ng babae na may nakatingin dito kaya unti-unting nagmulat ito. Hindi nga siya nagkakamali, her eyes were beautiful just like the other features of her face. Ngayon lang siya talaga nakapag-assess ng bawat parte ng mukha ng isang babae. He simply cannot help himself.

Agad pinaseryoso ni Borj ang mukha pero hindi iniba ang posisyon na malapit ang mukha sa babae. "Who are you? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng nagigisnan ko na kasama ko sa loob ng kuwarto?" tanong niya.

Kitang-kita niya ang gulat na agad rumehistro sa magandang mukha ng babae na gusto niyang ikangiti. Napalunok pa nga ito at agad na napalayo sa kanya. "S-sir? Inaanak po ako ni Medel De Guzman," agad na sagot nito.

Si Borj naman ang napalayo ng mukha sa babae, sabay kunot ng noo. Ano ang ibig sabihin ng pagtawag sa kanya nitong "sir"?

Bago pa siya makapagtanong ay kumirot na naman ang kanyang ulo dahil siguro sa kanyang paggalaw. "Aw," aniya at napahawak doon.

Nakita niya ang guilt sa mukha ng babae. "M-masakit ba talaga?" nag-aalalang tanong nito.

Ngayon lang naalala ni Borj ang nangyari kagabi o kanina ba iyon? Ginawa niya ang nakasanayan na mula pa noong nagbibinata sila ni Benedict. Iniwan niya ang kotse sa labas ng gate dahil alam naman niyang walang delikado roon at sa likod na dumaan para walang makaalam ng kanyang pagdating. Pero nang makapasok na ay hindi niya inaasahang may papalo sa kanya at siguro ay nawalan siya ng malay dahil hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

"Ikaw ang pumalo sa akin?" nakakunot-noong tanong niya na parang alam naman na ang sagot.

Nakita niya ang muling paglunok ng babae. Agad nag-iba ang kanyang reaksiyon nang makita na binasa ng babae ang mga labi. "Hindi ko naman po sinasadya. Akala ko kasi, magnanakaw kayo," sabi nito, tila kinakabahan talaga.

"Ano ang nakatama sa 'kin?" tanong niya.

"V-vase po."

Napailing na lang si Borj. "And you're what? A new helper?" nagtatakang tanong niya pero tumango ito. Hindi niya alam kung paniniwalaan iyon. "You can surely kill a man, sweetheart," aniya na ikinagulat uli nito.

Tumayo na siya at naglakad palabas ng kuwarto habang nakatanga lang ang babae. Hindi niya alam kung makokontrol pa ang sarili kung tatagal pa roon kasama ng babaeng hindi na umalis sa isip niya. At kitang-kita rin niya na inaantok na ang babae. May bukas pa, wika nga. "And one more thing. Huwag mo akong popoin. I don't like it."

"But---"

"Goodnight, inaanak ni Medel De Guzman," aniya, napapangiting lumabas na ng kuwarto.



NAKATANGA pa rin si Roni kahit wala na siyang kasama sa loob ng kuwarto. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman. Nang mamulatan kanina ang lalaking nakakatitig sa kanya ay nablangko na agad ang kanyang isip. Her heart was pounding somewhere between her throat. She could not utter a single word!

Why? His eyes were staring at her--- they were partly puzzled and amused. Tila naaliw pa ito sa kanya. Tama ang kanyang hinala kanina. Mas maaapektuhan siya sa apo ni Donya Seling kapag nakita na ang mga mata nito. Huli na ngang sumagi sa isip ang pag-aalala na baka sampahan siya nito ng kaso dahil sa kanyang nagawa. Pero maliban sa sinabi ng lalaki na puwede siyang makapatay ay wala na itong sinabi, ni hindi nagalit.

At tinawag siya ng lalaki na "inaanak ni Medel De Guzman." Ngayon lang naalala ni Roni na iyon ang naibigay niya na pagkakakilanlan tungkol sa kanya.

Cute. At agad siyang napangiti.



🌟End of Chapter 4🌟

Please hit the 🌟

Feel free to leave some comments and reactions.

Enjoy reading...📖

Thanks..😊

😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon