🌟Chapter Twelve🌟

499 35 8
                                    

"WELCOME home, hon." Ang nakangiting si Basti na sumundo kay Roni sa NAIA airport.

"Basti!" nae-excite na wika niya at payakap na sumalubong dito. Hindi niya inaasahan na susunduin siya ng nobyo.

Isang buwan pa kasi siyang nanatili muna sa isa sa liblib na parte ng Palawan kasama ng mga katutubo roon bago tuluyang umuwi ng Maynila. Pagkagaling sa Cebu ay doon na siya dumiretso. Nagbibigay siya ng libreng konsulta sa lugar pati na rin ng mga gamot. Nawiwili naman siya kahit paano, lalo na at mababait ang mga tagaroon.

Minsan nang ginawa ni Roni iyon noong bago pa lang siya sa pagiging doktor. At dahil sa nangyari sa kanya sa pagpunta sa Cebu, bigla niyang naisip na dalawin ang mga taong naging kaibigan na rin sa Palawan. Naalala na lang niyang umuwi nang tumawag na ang kuya niya at uuwi na rin daw ito sa susunod na araw.

Everything seemed to be okay now. Isa na lang ang iniinda niya. Ang pangungulila para sa nag-iisang lalaki na hindi na umalis sa kanyang isip at puso.

Naisip ni Roni na kung ano kaya ang nangyari kung sa Palawan niya unang naisipang pumunta. Wala siya sigurong iniindang sakit dulot ng pag-ibig. Pero ni kaunting pagsisisi ay hindi niya nararamdaman. Knowing Borj and loving him in that short time and she treasured their memories. Ang masakit nga lang, hindi na niya ito maaabot pa.

"I've missed you, Roni," pukaw sa kanya ni Basti nang maghiwalay sila.

"I've missed you, too," sinserong sabi niya.

Ngumiti lang si Basti at iginiya na siya papunta sa kotse nito. Ang plano niya ay mag-taxi na pauwi. Mabuti na lang at nandito ang nobyo.

"So how are you, Roni? It's almost been two months," sabi nito nang nasa kotse na sila at binabaybay ang kahabaan ng highway.

"Yeah, sorry, Basti," she sighed. Nakokonsensiya siya dahil umiibig na sa ibang lalaki at wala pa siyang pagkakataon na sabihin iyon sa nobyo. Oo nga at tinawagan na niya ito nang nasa Palawan na siya pero alam niya na para na lang talaga sa isang kaibigan ang nararamdaman para dito. "Okay lang naman ako, ikaw?"

"I'm fine though I've missed you a lot. At kailangan mong bumawi sa akin," nakangiting sabi nito. Tiningnan niya si Basti na may nagtatanong na tingin. "Magkikita kami ng barkada mamayang gabi. Kung okay lang sa 'yo, gusto ko sanang isama ka. Besides, ni hindi ka nakasama sa 'kin tuwing lalabas kami. Tinatanong na nila kung ano raw ba ang nangyari sa girlfriend ko at hindi ko maisama-sama."

Wala namang panunumbat ang pagkakasabi ni Basti pero nakokonsensiya pa rin si Roni. Totoo ang sinabi ng nobyo. Hanggang mga pangalan lang ang alam niya sa mga kaibigan nito dahil tuwing lalabas ang mga ito ay may trabaho naman siya. Ang kilala lang niya ay sina Junjun at Tonsy. Ang iba ay duda na siya kung may natatandaan pa.

"Okay, Basti, hindi mo na ako kailangang konsensiyahin. Sasama ako," nakangiting sabi niya na ikinangiti na rin ng nobyo.

Sana ay natutuhan na lang niyang mahalin si Basti. Pero kung ang pagbabasehan ay ang gabi-gabing naaalala niya si Borj, imposible iyon. Dahil parang nakatatak na sa kanyang puso ang pag-ibig sa binata at hindi na iyon mawawala.

"Sige, susunduin kita mamayang alas-kuwatro. Is that fine with you?" anang nobyo at agad naman siyang tumango.





NAKAPASOK na sina Roni at Basti sa boundary ng Batangas. Malapit na sila sa isang resort kung saan magkikita-kita ang magkakaibigan nang mag-iba ang andar ng kotse ni Basti hanggang mamatay iyon at umusok ang unahan ng sasakyan.

"What happened?" tanong agad ni Roni.

"Just wait here," sabi ni Basti at lumabas na para tingnan iyon. "I'm sorry, Roni. Hindi ko alam ang sira. Malapit lang naman tayo, tatawag lang ako ng tulong," hinging paumanhin ng nobyo. Tumango na lang siya at hindi na nagreklamo pa. Kumuha na ito ng cell phone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan nito na tinawag na "pare" para sunduin sila.

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon