🌟Chapter Eight🌟

511 41 6
                                    

KINABUKASAN ay naisip ni Roni na sumama sa mag-asawa sa pagpapa-checkup ni Nelia. Iyon kasi ang usapan nila ng mag-asawa kahapon pero kanina lang niya naisip na sumama. Wala pa namang gagawin dahil katatapos lang nilang mananghalian kaya magpapaalam na lang siya kay Borj.

"Borj," tawag niya. "Senyorito" ang tawag niya kay Borj o hindi kaya ay "sir" kung nasa paligid lang ang mag-asawa. Pero ipinagbilin-bilinan ng lalaki na tawagin lang ito sa pangalan kung sila lang.

Lumingon si Borj sa kanya. Nasa labas kasi ito at katatapos lang makipag-usap sa cell phone. Hindi pa rin niya nakalimutan ang ideyang pumasok sa isip kahapon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nahirapan siyang patulugin ang sarili kagabi.

She cleared her throat. "Sasamahan ko muna sina Nelia sa bayan. Magpapa-checkup lang siya," aniya.

Agad nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko yata alam na may ganoon kang plano?"

"Kanina lang kasi nila ipinaalala sa 'kin," sabi niya.

Tumango ito. "Gusto mong samahan ko kayo?"

Napataas ang isa niyang kilay. "Ano naman ang gagawin mo do'n?"

Napangiti si Borj. "Okay, sweetheart. But be sure to come back before dark," anito.

"Thank you," sabi niya at tumalikod na.

"Roni," tawag nito at nilingon naman niya ang binata. There was something in his eyes again as he stared at her.

"What is it, Borj?" aniya, pinipilit ang sarili huwag bigyan ng kahulugan ang tingin na iyon.

"Nothing. Just take care," sabi ni Borj mayamaya. "Patingnan mo na rin yang kamay mo."

Tumango na lang din siya at hindi na nagkomento.

"Alam mo, Roni. Kung wala lang sigurong girlfriend si Senyorito, sasabihin ko na itinadhana kayo. Bagay na bagay kayong dalawa, Isang maganda at isang guwapo at alam kong magiging perfect ang hitsura ng magiging babies n'yo" sabi ni Nelia nang nasa daan na sila. Si Bryan ang nagmamaneho at nandoon silang dalawang babae sa likod. Napatingin naman siya kay Nelia.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo, Nelia?" napapantastikuhang tanong niya.

"Alam kong tinatawag mo lang siyang "Borj" at narinig ko rin na tinatawag ka niyang "sweetheart," sabi ni Nelia, tila nanunudyo pa. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Akala ninyo, hindi namin naririnig, ano?" sabi pa nito.

"I-it's just that..." Damn . Wala siyang mahanap na paliwanag at nahihiya siya.

"Okay lang 'yon, Roni. Kaya lang sana ay pag-isipan mo ito nang mabuti. Baka kung saan mapunta 'yan at magkasakitan kayo," sabi pa ni Nelia.

"Nels," sabad ni Bryan na tila sinasaway na ang maybahay.

"Okay lang, Bryan. Salamat sa inyong dalawa at hindi n'yo ako hinuhusgahan. Hindi ko nga rin alam kay Borj kung bakit ganoon," sabi niya, napabuntong-hininga. Binigyan naman siya ng nang-uunawang ngiti ng dalawa. "Hindi ba pumupunta ang donya rito?" tanong niya mayamaya.

"Paminsan-minsan lang kapag nandito din ang Senyorito."

"Akala ko, rest house ito ng mga Jimenez?"

"Iyon ba ang sinabi ni Senyorito?" tanong ni Nelia at tumango siya. "Nagkamali ka lang siguro ng intindi. Kay Senyorito Borj lang talaga ang bahay na iyon. Mula sa sariling bulsa."

"Ganoon ba? Ano ba ang trabaho niya?"

"Hindi mo alam?" parang napapantastikuhang sabi ni Nelia at napailing naman siya. "Siya ang namamahala ng kompanya ng pamilya. Ang Flaunt Advertising Company sa Maynila."

The Complicated EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon