MAG-UUMAGA na nang makarinig si Roni ng ring ng isang cell phone. Ayaw niyang gumising pero gumalaw ang nasa kanyang tabi. Saka niya naalala na tinabihan pala siya ni Borj buong magdamag. For the first time in her life she allowed a man not related to her by blood to sleep beside her.
At naramdaman niya na tinanggal ng binata ang mga braso na nakayakap sa kanya. Nakaramdam agad siya ng kahungkagan. Pero nanatili lang siyang nakapikit at pinakiramdaman ang nangyayari.
"Hello, Lesley," sabi ni Borj, sa inaantok na tinig.
Kung hindi lang sana dahil sa sinabi nitong pangalan ay mapapangiti siya. Napakagandang pakinggan ng boses ng binata kapag bagong gising. Pero alam niya kung sino ang tumawag at sumama na ang kanyang pakiramdam.
"Good morning, sleepyhead," narinig niyang sinabi mula sa kabilang linya. Narinig pa ni Roni iyon dahil napakatahimik ng paligid at nanatiling nakahiga lang si Borj sa tabi niya habang tumatawag. "How are you, darling?"
Tumayo si Borj kaya hindi na niya narinig ang sinabi ng kabilang linya. "I'm fine. Ang aga yata ng tawag natin," anito pagkatapos ay mahinang tumawa. "Ah, I miss you, too... Natanggap mo ba?... Yes, yes mga tatlong araw pa siguro... Excited ka namang masyado... Okay, we'll talk about it when I come back... Basta pag-isipan mo na ang about sa engagement... Okay, pakikumusta na lang ako kina Tita... Mag-ingat ka, bye..." Natawa pa ito bago pinatay ang cell phone.
Naramdaman ni Roni ang paglundo ng kama at hinalikan nito ang kanyang noo. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil ayaw niya ng damdamin iyon. Tumayo na ang binata at lumabas na ng kuwarto.
Bago matulog si Roni kagabi ay magaan na ang kanyang pakiramdam. Unti-unti nang nawala ang kanyang guilt at ang pagsisisi sa sarili dahil sa nangyari sa mag-ina ng kanyang kuya. She realized that she had no control over their lives and there was no point blaming herself. She was not useless. She was not a failure. Being with Borj made her forget all the pain.
Pero ngayon ay gusto na naman niyang mapaiyak, hindi dahil sa kanyang pamilya kundi sa lalaking kanyang naging sandalan. She was sure that it was Borj's girlfriend who called. Halata naman na masaya ito sa pakikipag-usap sa babae. Parang mahal na mahal ni Borj ang babae. At nagseselos siya na hindi naman niya dapat maramdaman dahil wala siyang karapatan sa damdaming iyon. At aaminin din niya na nasasaktan siya.
Dahil ngayon ay aaminin na ni Roni na umiibig na siya kay Borj. Yes, she was in love with him. Mula pa siguro noong una niya itong makita o hindi kaya noong isang araw o kahapon. Hindi niya alam. Basta ang tiyak niya ay napakalakas ng kanyang damdamin para dito. Hindi iyon maaaring ikompara sa nararamdaman niya kay Basti. Hindi niya napigilan ang sarili na mahulog sa lalaking nakasama habang tinatakasan ang masakit na pangyayari sa kanyang buhay. At alam niya na hindi na mapipigilan iyon. Hindi niya nasunod ang paalala ni Yaya Medel pati na rin ang pagpapaalala sa sarili na hindi siya dapat mahulog sa lalaki. Tila ngayon ay nagising siya sa pagkakatulog.
Ang plano lang niya ay takasan muna sandali ang masasakit na alaala. Umubra nga ang kanyang plano na unti-unting pahilumin ang sugat ng pagkawala ng mommy niya at ni Missy. Pero ngayon ay naging komplikado na ang lahat dahil puso naman niya ang may iniinda. At imposible nang malunasan iyon. Maraming maaapektuhan. Pinag-uusapan na nina Borj at ng nobya nito ang engagement nila at siya naman ay may nobyo na naghihintay. Isa pa, oras na malaman ng binata na nagsisinungaling lang siya tungkol sa kanyang pagkatao ay alam niya na magagalit ito. At sa bandang huli, hindi pa rin mapapasakanya ang lalaking natutuhan nang mahalin.
Dumapa na lang siya at hinayaan ang unan ang sumalo ng mga luha niya. Oh, what a complicated escape!
"HINDI ka na ba talaga mapipigilan?" malungkot na tanong ni Nelia kay Roni. Nasa kuwarto siya ng mag-asawa at nagpapaalam na umalis na. Nagulat pa ang dalawa dahil pabigla-bigla naman daw ang kanyang pag-alis.
BINABASA MO ANG
The Complicated Escape
RomanceSinisi ni Roni ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Jimenez. Sa...