MABABAW lang ang tulog ni Roni kaya nang may kumatok sa pinto kinabukasan ay agad siyang nagising.
Five-forty AM. Iyon ang sabi ng alarm clock na nasa bedside table. Medyo may liwanag na rin sa labas. Wala sa loob na agad siyang bumangon at binuksan ang pinto.
"Hi," tila may-pag-aalinlangang sabi ng guwapong lalaki na napagbuksan niya. Nagulat siya kaya awtomatikong naisara ang pinto.
What the hell! pagalit na sabi ng isang tinig sa isip ni Roni. Kahit nag-iisa ay naitakip niya ang mga kamay sa mukha. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura at kitang-kita iyon ng bagong paligong amo na si Borj.
"You still look beautiful, sweetheart," anang tinig sa labas na tila naaliw pa. "Come on, open up," sabi pa nito.
She tried her best to calm herself even though she was flattered. Medyo galit pa siya kay Borj dahil sa nangyari kahapon. Nang makapasok kasi ng bahay kahapon ay agad siyang nagluto sa kusina. Nandoon din si Nelia na naghahanda na rin. Pailing-iling lang ito habang minamatyagan siyang tahimik na nagluluto. Halata kasi na kumukulo ang loob niya.
"Sabi ko sa 'yo, magagalit si Senyorito," hindi nakapagpigil na sabi ni Nelia.
"Kasalanan ko, oo. Pero kaunting oras lang naman and diperensiya, parang mamamatay na siya," nakanguso pang sabi ni Roni.
"Hindi oras ang pinag-uusapan, Roni. Sa palagay ko nagseselos ang amo natin," may panunudyo pang sabi nito.
"That's impossible," she exclaimed which earned a shrug from Nelia.
Imposible naman talaga ang sinasabi ni Nelia. Bakit naman magseselos si Borj? Umaandar lang talaga ang pagiging bossy nito. Kaya pagkatapos niyang magluto ay nagkulong na lang siya sa kuwarto.
Nagdesisyon si Roni na buksan ang pinto. Sana nga lang ay presentable pa rin ang kanyang anyo. Dahil kahit galit sa lalaki ay aaminin niya na conscious pa rin siya kapag kaharap ito. "Bakit?" walang kangiti-ngiting tanong agad niya.
"I'm sorry about yesterday. I was being unreasonable. I was rude," he said, with sincerity in his eyes.
"Mabuti at alam mo," pasupladang sabi niya, humalukipkip pa at sumandal sa pinto.
"I am really sorry. Puwede ba akong bumawi?" tanong nito. Napataas ang kanyang isang kilay. "I'll give you a tour after breakfast."
Biglang na-excite si Roni. Alam niya na may itinatago pang ganda ang lugar na iyon. Sa katunayan, kahapon pa niya gustong libutin ang lugar, kaya lang ay nahiya naman siya na yayain si Nelia. At ngayon ay niyaya siya ni Borj.
She made a face. "At sa tingin mo, mababayaran na niyon ang atraso mo sa akin?"
Borj smiled. That smile that brought warmth to her heart. "Don't try to hide it, Roni. Alam kong gusto mong sunggaban ang alok ko."
"Conceited," aniya.
BINABASA MO ANG
The Complicated Escape
RomanceSinisi ni Roni ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Jimenez. Sa...