chapter seven

177 12 0
                                    


LINDSAY'S POV

"masaya ako ng nakilala kita at salamat dahil sayo naging ok ako pero pwede ba kitang maging girl friend?"

"Lili..."

'G-gusto mo kong maging girlfriend?'

'Tapos halos lahat ng tao dito gym ay nagsisigaw.'
"Sagutin mo na sya!"
"ang swerte mo girl,ikaw na"

"Lili..."

'Teka bakit ba parang may naririnig akong tumatawag sakin.
Tumingin ako kay luhan pero parang lumalabo na ang emahe nya.'

"ok let's have a break!"

'Sino ba yung nag sasalita na may mike pa asan planeta ba ko kanina pa may nag------'

"Lili----gising na!"

Nai mulat ko ang mata ko dahil sa nag salita,nakatulog pala ko buti nalang at nandito ako sa may rooftop kaya hindi ako----

Nasa rooftop ako?pano ko napunta dito?

"buti naman at gising kana,nakatulog ka ba ng maayos?"

Ibig sabihin si luhan ang nag dala sakin dito,at ito pa ang nakakahiya ginawa ko lang namang unan ang balikat nya tsaka overnight pala kami di tuloy ako nakapagpaalam.

'hai,ano ka ba naman lindsay nakakarami ka na kay luhan huh!'-sabi ng maliit na boses sa utak ko.

Wow pati pala utak nag sasalita na.Amazing!

"Ah,ok lang ako s-salamat nga pala at s-sorry narin,ayos lang ba yang balikat mo?"sabi ko sabay hawak sa balikat nya

ngumiti lang sya pero di naman mukhang masaya

"Anong salamat may bayad yun"

Sabi niya at humiga sa lap ko

"Hoy!Lulu umayos ka nga!"Sabi ko at pwersahan syang tinatayo,

ngumiti lang sya pero nakapikit parin.

"Lulu...naman eh sabi nang----"

"Lili, masama ba ko?"sabi niya kaya tumahimik na lang ako.

"May problema ba?"

kaya pala parang may mali sa kanya,di tuloy ako sanay na malungkot sya.

"Lili,bumalik na si papa"pilit syang ngumiti kahit ang totoo malungkot  sya.

"L-lulu?..."

minulat nya ang mata nya at ngumiti.

Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng mata niya yung nag s-spark,tapos ang puti ng mukha nya at makinis halatang alaga,

eh mas mukha pa syang babae sakin eh,naiigit tuloy ako>_<

"alam mo bata palang ako si mama na ang kasama ko,ni hindi ko nga kilala kung sino ang tatay ko kaya si lolo nalang ang tumayong tatay ko at ung Han kinuha yun sa surname ng lolo ko"Naramdaman kung tumulo ang luha nya pero nag takip sya para di ko mapansin.

"ayaw mo ba nun?magiging kompleto na kayo"

di sya nag salita kaya pinag patuloy ko ang kwento ko

"ang swerte mo nga eh,nakasama mo sila eh.alam mo ba bata palang ako wala na ang mga magulang ko sa tabi ko.si manang nalang ang nandyan para sakin sya narin ang tinuring kong magulang sa matagal na panahon,umuuwi naman sila mama at papa pero madalang mga two days lang sila dito at babalik ulit.nakatawa nga eh kase yung two days nayun ay para sa bussiness hindi para bisitahin kami"sabi ko ng tumatawa pero alam kong may luha nang pumapatak sa mata ko.

Umayos sya ng upo at hinawakan ang kamay ko.

"Lili...s-sorry"

sabi niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang thumbs nya.

"Ok lang di mo naman kasalanan eh!"

"basta lagi mong tatandaan nandito lang ako...Lili ----at sana rin hayaan mong  iparamdam ko sayo yun,"

Tumango lang ako at niyakap sya.

"BESTFRIEND.....LUHAN!PASALI NAMAN AKO DYAN"

Napatingin kami kay Nhica na namumugto din ang mata.kanina pa yata to nandito eh

"sige na nga halika na dito!"sabi ko.tumakbo sya palapit samin at nag group hug kami.

Masaya ako na nandito sila para sakin at salamat kay lulu dahil may tiwala akong tutuparin niya ang pangako niya pati narin kay nhica dahil alam kung tunay na kaibigan ko sya.





-meannelovesu

My HighSchool Boyfriend  exo luhan fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon