Chapter 3

1.6K 17 0
                                    


Hindi ako makapaniwala. Ano yung sinasabi niya? Nag momove on na ako! Tapos ito na naman? Uulit na naman kami sa dati? Pero ano? Sa bandang huli, ako lang ang mawawasak. Ako lang ang masasaktan, kasi ako lang naman ang nag mahal.

Huminto at bumusina ang isang kotse sa harap ko. Oh, its joric na. Hay, thank god. Binaba niya ang bintana at sinigawan ako. "Hoy! Hailey Tan! Sakay na! Malalate na tayo, gaga ka!" I rolled my eyes on him. Ako pa? Siya nga tong late! Bakit parang kasalanan ko?

Agad akong sumakay sa kotse niya. Habang inaayos ko yung seatbelt ko, nag salita siya. "Oh, bat parang hindi na naman maipinta 'yang mukha mo?" He asked. I pouted.

"Wala. May nasagap lang akong masamang elemento. Tska tara na nga! Sabi mo malalate na tayo!" Sagot ko sa kanya. He just rolled his eyes on me. HAHA ganito lang talaga kami. He hated each other, but we love more each other.

"Thanks, joric," I said to him. Kumunot naman ang noo niya. "Para saan naman bakla?" He asked. I smiled. "Para sa lahat. Ikaw ang taong unang tumulong sakin nung lugmok ako. When I felt like there's no one behind me, you suddenly came. And make me feel like I can be more and I am loved," sabi ko sa kanya. He smiled.

"Ganun talaga. Sa buhay, hindi mawawala yung mga ganyang bagay. Kailangan mo lang talaga lumaban. Kasi pag hindi, talo kana agad," he meaningfully said. Tumango tango naman ako. Joric has been my father, mother and sister to me. He does everything for me. And for that, I am so thankful to him.

"Teka nga! Ba't biglang nag iinarte ka diyan?" Tanong niya. Natawa naman ako. Minsan lang kasi ako mag ganito sa kanya. I've never say anything to him often.

"Ano kaba! I just don't want to have regrets in the future. That, I didn't say how thankful and sorry I am to those people around me. Mahirap kasi 'yun eh. Yung magiging siguro nalang ang lahat bandang huli," tumango tango siya bilang pag sang ayon.

Hours of talking. We reached our destination. Nanuyot na ata yung mga lalamunan namin kakadaldal habang nasa daan kasi sobrang traffic! Manila traffic is the worst! We hurry ourselves na. Tumakbo na nga kami parehas papunta dito sa shoot place. And syet. Why the hell he is here!?

The great Ricci Rivero is here!?

Agad kong hinila si joric papunta sa may CR side.

"Hoy! Teka nga, bakit mo ba ako hinila dito? Kailangan mo nang ma makeupan gaga!" He said to me. Omygush. I don't care na! I'm not ready to face him!

"Joric! Bakit nandito si ricci?" Malumanay kong tanong sa kanya. I'm still keeping my poise. Mahirap na! Mamaya mahalata niya na may something. Huh? Something? Di nga naging kayo eh!

"Oh. Sorry, I didn't got to inform you. Actually kasi, kanina lang din ako tinawagan ng manager ng brand na kung pwede isama na si ricci sa shoot. And luckily, pwede si ricci. Nag tataka nga ako, umoo agad nung sinabi ko na kasama ka sa shoot na 'to. Madalas kasi, pilitan pa 'yan kaming dalawa," malumanay niyang pag papaliwanag sakin. Oh, well. Ako ang hindi lucky sa araw na 'to!

I just nodded at him. Hindi ko na siya pabalik. Ayoko na mag tanong pa siya. Baka matameme ako. Alam niyan kung nag sisinungaling ako eh.

Pag pasok namin sa shoot agad dumapo ang tingin niya sakin. Yung mga tingin na matagal ko nang inaasam na ako naman ang titigan. Pero sa tagal ng titig niya, nasasaktan ako. Sinasaktan niya parin ako.

Agad niyang inalis ang mga tingin niya. Ay, papansin ka ghorl? Ano yun?

Habang nag mamakeup ako, parang yung utak ko umiikot na sa kawalan. Ay nako! Ewan ko ba! I can't think properly right now! Lalo ngayon na alam ko nasa iisang kwarto lang kaming dalawa! Tumingin ako sa kabilang side. He's busy scrolling his phone. Parang cool pa siya sa ganitong sitwasyon ah. Letse ka!

Our shoot started. I posted like this, like that. Wala. Sinusunod ko lang kung anong sabihin ng photograper. Hindi ako maka awra ng maayos ngayon. I felt anxious to the sense that he is watching me right now.

"Okay! Very good. Now, Ricci can you please join hailey now?

Mga salitang ayoko marinig.

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon