Epilogue

1.3K 30 3
                                    


"Ricci Paulo Uy Rivero!" Sigaw ko pag pasok ko ng bahay. Susmaryosep, jusmiyo marimar! Iyan ang unang pumasok sa isip ko pag kapasok ko ng bahay namin! Ano bang nangyari dito? Na delubyo ba 'to? Nag karoon ba dito ng rumble? Ha? Bakit hindi man lang na inform aber?

Dahan dahang bumaba ang nag iisang Ricci Rivero habang hawak-hawak ang anak namin. Nako! Nang gigil talaga ako ngayon! Sobrang init pa naman sa labas tapos ito yung maabutan ko?

"Ano bang bilin ko? Sagutin mo nga ako Rivero." Untag ko sa kanya. Niyakap niya ang anak namin at tumingin sakin.

"Ano po. Bantayan po si Isaac at panatilihing malinis ang bahay." Magalang niyang sabi. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko.

"Oh. Alam mo naman pala eh. Bakit salungat sa lahat ng bilin ko ang nakikita ng mga mata ko ngayon?" Tanong ko sa kanya habang salubong ang mga kilay ko.

"Ano, kasi mommy. Nag lalaro lang kasi ako ng NBA dito and then akala ko tahimik lang siyang nanonood din. But I didn't notice na nakikipag laro na pala siya kay Spark (Aso namin). Edi ayun, hindi ko namalayan na nag rambulan na yung mga gamit." Pag papaliwanag niya habang nag kakamot ng ulo.

Kita mo oh? Halatang peke yung explanation. Mag papalusot na nga lang, di pa ginalingan.

"Jusko naman kasi Daddy. Alam mo namang wala kasama ngayon sa bahay. Pagod ako, pagod ka rin. Yung oras na ipapahinga natin, ililigpit nalang natin kasi hindi naman pwede na ganito kagulo when Isaac is around." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Lumapit silang dalawa sakin at niyakap ako.

"Sorry na mommy. Wag mo ng pagalitan si Rivero." Ani niya habang nakanguso. Nagulat ako when Isaac did the same! "Sorry mommy." Ani niya habang nakanguso din.

Like father, like son.

"So, how can I resist both of you?" I asked them. They both stand infront of me.

"Well. You just can't resist our charm mommy." He said and winked at me.

Isaac Tan. Rivero is the name of our baby. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung Isaac but when he suggested it to me? I felt that it will fit our son. Simula nung ipinanganak ko si Isaac, everything changed in our lives.

Yung mga simpleng bagay ay nabago din. Pero masasabi ko na naging masaya ako sa bawat pag babago na nangyari sa buhay namin.

I remember pa nga nung ipinanganak ko si Isaac. Imbis na kay Isaac siya unang pumunta, ay saakin siya lumapit at hinalikan ako. Tinanong ko siya noon kung bakit niya ginawa yun. He said that he just want to express how thankful he is and how strong I am.

Isaac is 5 years old now. And I can say na he got all Ricci's feature. Even the love for basketball! My god! They are always playing in the court beside our house. Pinagawa kasi talaga yun ni Ricci para sa kanilang dalawa. He wants his son to also love the sport. But now in a way na pipilitin niya. He just want him na Isaac will love it in a natural way.

Ricci and I is in our 30's age na. Habang lumalaki ang anak namin ay siya namang pag tanda ng mga edad namin. Ngunit sa hinaba-haba ng panahon, ay tila hindi nabawasan yung pag mamahal ko sa kanya. Mas lalo pa itong dumagdag ng dumagdag sa tuwing nakikita ko siyang hawak hawak ang anak namin at nakangiti ng walang katumbas na anumang salapi.

Ricci has always been a loving and supportive dad. He never missed any event sa school ni Isaac. He wants that every single of it ay present kaming dalawa. Gusto daw niya na lumaki si Isaac sa isang masayang pamilya katulad ng ginagisnan niya. Yung maramdaman ni Isaac na nandito lang kami sa tabi niya. Kahit anong oras at panahon, lagi lang kami na nasa tabi niya para alalayan siya at suportahan siya.

Spoiled ni Ricci si Isaac. Pag lumalabas kami ay ako lagi ang taga awat sa kanya kaka swipe ng card niya. He told me na he never thought of it. Para saan pa daw yung pag ta-trabaho niya kung hindi rin lang naman gagastusin para sa amin. Napangiti ako ngunit ay dapat din tayong maging praktikal.

He built his own types of businesses. Ang dami po, sobra. Mapa sports wear, training center at kung ano-ano pa. And luckily at kasama narin ng pag sisikap niya, all of it ay kumikit ng maganda. Siguro ay dala na rin ng mga connections niya na nakuha abroad.

As for me, I'm still your Hailey Tan. Rivero. Photoshoots nalang ang tinatanggap ko ngayon dahil ayaw ni Ricci na napapagod daw ako. He wants me to focus more sa kanilang dalawa lalo na kay Isaac. Hindi pwedeng walang maiwan kay Isaac. Kung ako ay may shoot, he will work at home.

Strict ako when it comes to them. I always correct them sa tuwing may nakikita akong mali. All I wanted is for them to learn. Para rin naman sa kanila 'to eh. Mas mabuti pa na malaman na nila yung mali nila hangga't maaga. And vice versa naman.

Masaya ako sa relasyon namin ni Ricci. Tuwing gabi, bago kami matulog ay nag uusap muna kami tungkol sa mga bagay bagay. Pinaractice ko talaga yun dahil gusto ko na maging open kami sa isa't isa. Kung ano yung mga na-discover namin sa araw-araw at kung ano ano pa. Kasi sa ganitong paraan, mas mapapalalim pa namin yung pagsasama namin.

I can say na sa mga nangyari samin noon, it was all worth it. Wala akong pang hihinayang ngayon.

Alam ng diyos kung gaano ako nag papasalamat na ipinaramdam niya sa amin iyon noon dahil kung hindi, marahil ay wala kami sa ganitong sitwasyon.

Masaya, kuntento at nag mamahalan.

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon