Chapter 16

943 13 1
                                    


Pilit ko parin akong nag pupumiglas sa pag kakapit niya sakin. Sobrang higpit ng hawak niya sakin. Namumula at nasasaktan na yung braso ko ngayon. Ganyan ba talaga ka galit?

"Let me go!" I said habang inaalis yung kamay niya. Pero instead, lalo niyang hingpit ang pagkaka hawak niya sakin. "Ricci! Ano bang problema mo? Let me go!" Pilit kong sabi sa kanya. Kung gusto niyang makipag usap. Utang na loob, wag ngayon.

"I said you're not going anywhere!" Malakas na sigaw niya sakin. Galit na nga siya. Pero anong ikinagagalit niya? Wala naman akong ginawang masama sa kanya!

"Bakit ba? Ano bang problema?" Hapong hapo kong sabi sa kanya. Hindi na ako nag pumiglas. Wala na. Napagod na ako. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, eh hindi naman niya ako bibitawan.

"Why you didn't tell me? Huh?" He asked. Galit siya, galit na galit siya. Kumunot ang noo ko. Nag kukunwari na hindi ko alam ang mga bagay bagay. "A-Anong hindi ko sinabi sayo?" I innocently asked. Malay mo, gumana diba.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw si Ailey!" Pasigaw niyang sabi sa akin. I was taken back from what he have said. Siya pa ang may ganang mag inarte sakin ng ganyan.

"Simple lang... kasi ayoko," mahinahon kong ani sa kanya. Naiiyak na ako ngayon. Bumabalik kasi lahat ng sakit. Lalo na ngayon na hinahalungkat pa niya.

"P-panong ayaw mo?" He asked. I looked at him. "Kasi nga ayoko." Sabi ko. Pumikit siya at yumuko. I'm trying my best to keep calm. Ayokong sumabog.

"Kailan pa?" He asked. Kumunot ang noo ko.

"Kailan pa alam ni Mom na ikaw yung babaeng kababata ko?" He asked.

"Since before nung nasa DLSU pa tayo." I said to him.

Napahilamos siya ng mukha. Oo alam ko frustrated kana, Ricci. Pero ako? Frustrated na rin ako! Noon pa!

"Fuck! But why mom didn't tell me!?" Nag aalboroto sa galit na tanong niya. I still stand strong.

"Because I said so." I said. He looked at me with so much anger. Bakit parang kasalanan ko pa? Ako ba? Ako ba yung hindi naka-alala?

Naiiyak ako Ricci. Nalulungkot ako na makita tayong ganito ngayon.

"You should've told me at the first place!" He shouted at me. Sa istilo namin ngayon. Puno na kami ng galit at sakit sa loob. Mga unfinished business.

"Para san pa! Sabihan mo nga? Para saan pa?" I shouted at him. Hindi ko nakaya na pigilan yung sarili ko. Siguro oras na rin para masabi ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Na there is so much pain inside for all these past few years.

"Para nasimulan na sana natin yung naudlot noon!" He said to me. Simulan? Natin? May tayo pa? Naudlot? Noon? Alin? Yung lintik na pangako na yan?

I laughed unbelievably. "M-Meron bang naudlot noon? Meron ba? Let me ask you Ricci... Sinubukan mo ba akong hanapin? Ah, no. Ni minsan ba, naisipan mo akong ipag-tanong sa iba? Kahit tanong lang, hindi na yung hanap." I said to him while crying.

Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo Ricci. Nasasaktan na tayong dalawa.

"Oo! I've tried finding you! Hinanap kita! Ilang beses akong bumalik ng isabela! Umaasa ako na sa pag balik ko na 'yon makikita na kita. Na... na mag kikita na tayo. I-I even tried ask my mom every now and then kung may balita na siya sayo. Kasi umaasa parin ako na there's a chance na mag kita pa tayo. Hinanap at hinintay kita, Hailey! Hinanap at hinintay kita, Ailey." He said while crying also. It's rare for him to cry.

"Hinanap at hinintay?" I asked him. Hindi siya sumagot ngunit hindi niya inalis sakin ang mga titig niya. Napatawa ako.

"Ako I devoted half of my life to you." I said to him. His eyes became confused. Tama lang 'yan.

"I was grade 6 nung nag sesearch ako ng pangalan mo sa facebook. And then I saw your account. I was so happy that time, kasi finally... nakita na kita. After all the years of finding you. Nakita narin kita sa wakas." I said to him habang ngumiti nang malungkot.

"That time, dream school ko ang Ateneo. Gustong-gusto ko na mag aral dun. Ever since elementary pa. Pero when I saw Tita Aby's post that you passed LSGH. Hindi ako nag dalawang isip na mag makaaawa sa parents ko na pag aralin ako dun." Sabi ko sa kanya. I was still crying. I want to say it all. Ang bigat na sa pakiramdam kung hindi ko pa ito sasabihin sa kanya.

"See? Isang tanga 'no?" Dagdag ko sabay turo sa sarili gamit ang isang kamay.

"And then after that, high school life starts. Ang daming beses tayo nag introduce yourself nun. Pag turn ko na, lagi kong nilalakasan yung pag banggit ng pangalan ko. Umaasa kasi ako na baka maalala mo ako. Na baka bumalik yung ulirat sa utak mo." I said while still looking at him. 

"Hanggang sa nawala na ako ng pag asa nun sa introduction portion. Kaya ang ginawa ko nalang, is thru your locker." Dagdag ko. Mas lalo niya akong tiningnan ng puno ng pag tataka. Ano? Naaalala mo na? O hindi parin?

"I'm always putting letters and chocolates sa locker mo. Lahat ng gusto kong sabihin sayo, isinusulat ko sa mga sulat na inilalagay ko dun. Dun ko tinatanong kung kamusta ka, ayos ka lang ba, na kung kumain kana. Dun narin ako bumabati ng happy birthday, merry christmas, happy new year and valentines. Even your siblings birthday and achievements. Laman ng mag sulat na yun kung gaano ako kasaya sa mga oras na nananalo ka sa mga laban mo sa basketball. Nandun ako sa bawat laban mo. Tinatakasan ko pa yung teacher ko, para lang mapanuod ka." Ani ko.

"You don't know how many rules I broke for you." I said to him while smiling bitterly.

"And one day, I heard you together with your friends. Your friends is asking you kung sino ba yung nag lalagay niyan sa locker mo, and then they are teasing you na baka gusto mo na yung tao na yun. And then sabi mo...

"Pathetic person. Who would to this anyway?" I said to him.

"Hindi mo alam kung gaano ako kawasak nun Ricci. Na sa lahat ng pagod ko mag isip ng mga sulat na yun, na ibuhos ko ang buong puso ko para magawa yung mga tula na katabi nun, pathetic lang ang tingin mo sakin?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Oo, I'm pathetic. Ganun kasi pag nag mahal ka. It's either you give it all or nothing. Kasi kung hindi mo ibibigay ang lahat, bakit nag mahal ka pa." Sabi ko sa kanya habang sabay ang pag agos ng luha sa aking mukha.

"Sabi ko nun, I'm done with this shit. Ayoko na... pero nung nag college tayo. Faith played with me again. Oo, sa akin lang. Ako lang naman yung nag mahal eh,"

"Destiny gave me so much chances to be with you, to be friends with you for exact. Ako naman si tanga, go! Ginawa ko lahat para lang mapalapit sayo. I've changed myself for you. Iginaya ko yung sarili ko dun sa mga babaeng nililike mo yung mga post nila sa IG. Maganda, sexy, fierce, matalino. Lahat yun inadjust ko for you." Dagdag ko. He's crying right now like there's no tomorrow. Lalo na ngayon.

"Until one day, I already had the courage to say what I really feel for you. But, it doesn't go the way I want to. You leave me hanging. You made me feel like I'm not worth it. That I'm not worthy for everything." Sumbat ko sa kanya. He downgraded me.

"It took time before I fix my self again. And nung unti-unti ko ng naayos, ito na naman. Heto na naman tayo. Nasasaktan na naman." Ani ko.

"Palagi mo nalang ako sinasaktan Ricci. Palagi nalang. Katulad nalang ngayon, diba?" Ani ko sabay tingin sa braso kong kanina pa niya hawak-hawak.

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon