Chapter 19

937 13 0
                                    


Lunes na, so it means may pasok na naman. Ito na naman ang stress, acads is waving at me. Ano na naman kaya ipagagawa sa amin ng mga profs namin. Naguguluhan ako eh, kung pyschology ba talaga ang inaaral ko o performing arts?

Right now, I'm currently doing my morning routine bago pumasok. Usually, tanghali na nag sisimula ang mga klase ko, pero ngayon 7 AM ang pasok ko ngayon. I chose to wake up and kumilos ng maaga. I'm not fond of Filipino time. As much as possible, I want to be early as 1 hour before the exact time. Productivity wise, it will help Filipinos. Makakaiwas ka pa sa intense traffic. I think Filipinos should consider it though.

Kakatapos ko lang mag luto, and kakain na ako. Palaging self service ako dito sa condo ko. Minsan lang ako nag pa-padeliver kung pagod na pagod talaga ako from outside. You know, it's not healthy for a human being to always eat fast food. So I cook instead, atleast I've always make sure na safe yung kakainin ko. For a peaceful mind.

Nasa gitna ako ng pag aayos ng mga gamit ko ng may tumawag sa telepono. I walk towards the table and answered it.

"Hi, Good Morning Ma'am. Is this Hailey Tan?"

"Yes, speaking."

"We just want to inform lang you po Ma'am that there's a guy waiting at you here in the lobby."

Kumunot ang noo ko. Huh? Sino naman yan? Ang aga aga.

Delivery guy ba? Pero usually iniiwan lang naman nila yung mga package ah.

"Did you ask his name?"

"He won't say it Ma'am. He said that he'll be waiting nalang daw po here downstairs."

Ay, pa-suspense si Kuya, ah. Pag ito hindi gwapo, nako.

"Oh. Okay, tell him I'll be there in a few minutes. Thanks."

"Copy, Ma'am. Thank you." She said at ibinaba na ang tawag.

Binilisan ko tuloy ang pag aayos ng mga gamit ko. I got curious now. Sino ba naman kask 'yang lalaki na yan? Wala naman akong ineexpect na pupunta ngayon. And hindi talaga ako nag papa-punta ng lalaki dito. Then nag papa suspense pa! Ayaw sabihin ni koyah mo ang pangalan niya.

I'm here at the elevator already. Waiting for me na makababa sa ground floor. At pag bukas ng pinto ng elevator... ay putek.

Gwapo nga...

Pero wait...

Anong ginagawa mo dito Rivero?

Iniluwa sakin ng mga mata ko ang nag iisang Ricci Rivero. He is patiently waiting at the lobby. Sitting while playing games in his phone. Ay! ML yan! Adik si koyah mo Ricci diyan eh.

Lumakad ako at tumapat sa harap niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Why? Tumingala siya sa'kin at ngumiti. Infairness, ang gwapo ng kuya niyo Ricci ngayon. I mean, he's gwapo naman talaga. Like, literally everyday. But he is so much handsome today, and I can't handle it.

Hays. What a great sight to start my day.

"Oh, bakit ka nandito ngayon Rivero?" Pag susungit kong tanong sa kanya. Tumayo siya at kinamot ang sintido niya. Ay, lakas ng loob mo pumunta dito tapos hihiya hiya ka ngayon?

"To pick you up po, Ma'am and let's grab some breakfast na rin," he said while making face to me. Hoy! Kung akala mo eeffective yan, oo. Effective nga, syet!

"Teka nga..." Ani ko. Nag tataka kasi talaga ako e. "Ano na ang nangyari doon sa oras at panahon? 'Yung pinag usapan natin? 'Diba?" I asked to him.

"Hmmm," sabi niya at tumingin sa relo niya. Ginagawa mo nito?

"I think... I gave you enough time and days already. You see? 24 hours have passed and 1 day is fine. Actually, no... it's not fine. Because it results of me, wanting you more than I do yesterday," he added and wink at me.

Aba! Loko 'tong lalaki na 'to! Sapat na ba yun? 'Yung totoo? Hindi ko rin minsan talaga alam kung paano nakapasa si Ricci sa La Salle and UP. Nang hula lang ba siya? Kung oo, ang galing niya ha.

Sasagot pa sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain palabas ng condo. We were HHWW! Holding hands while walking! Never in my dream na mangyayari 'to. Na, hahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at sasabayan ako sa pag lakad.

Nandito na kami sa parking at papunta na sa kotse niya. Nang makarating kami ay pinag buksan niya ako ng kotse. Ay, wow ha. Gentleman na rin ang koyah mo! Nako, mamaya ma fall lalo ako nito e, maisuko ko pa ang bataan ng wala sa oras.

Pero bago pa man ako makasakay sa sasakyan ay nag salita siya. "I know that you have a lot of questions in your mind right now because I can sense it. Your eyes and movements says it all. But... to answer everything in general,"

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at lumapit sakin. Oh, syet! Huwag dito sa parking!

"Let's just say na... I'm not going to waste anytime anymore. That, I want to grab any opportunities to make you feel how much I care and love you. So, bare with okay? There's more."















A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon