Chapter 6

1.1K 16 0
                                    


Lahat na ata ng dasal ay ginawa ko na. Ang dami ko ng messages na sinend kay Ricci pero ni isa, wala siyang sinagot! And nang dahil doon, hindi tuloy ako nakapasok dun sa huling subject ko dahil sa kanya. He can even just response and bring it back to me, but he chose not to!

Nandito lang ako sa sunken garden, nakaupo. Nag papalamig ng ulo. Sobrang init ng ulo ko ngayon, at stressed pa. Pakiramdam ko anytime ay pwede na akong sumabog kaya mas mainam na mag-pakalama nalang muna. Mahirap na baka makasakit pa ako ng tao. Oo, mainit yung ulo ko at maaari akong makasakit ng tao, pero hindi ko dapat 'yun gawing dahilan para maka-sakit ako.

Mas mabuti nang ako nalang ang masaktan... ayoko na yung ipasa sa iba. I know how it feels kaya hindi kakayanin ng presensya ko na may iba pang makaramdam nun.

Pero thinking of my reality, malaking bagay ang mawawala sakin dahil dun sa hindi ko pag pasok. May rule kasi yung prof namin na 'yun eh. I can't fail, not now, not ever. Haist, talaga naman oh.

Nakatingin lang ako ngayon dito sa kawalan. Minamasadan ang bawat pag baba ng araw mula sa langit. Sunset in sunken garden is the best. Sakto sa mga estudyanteng pinag-sukluban ng langit at lupa.

Nawala ako sa atensyon when my phone suddenly rings. Sino naman 'to? Panira ng moment! Hindi niya ba alam kung gaano kasira araw ko ngayon? Wala akong magawa kundi tignan kung sino ang natawag. Pag-tingin ko kung sino yung tumatawag... ay oh. Kapal ng mukha.

"Oh, anong kailangan mo? Happy kana? Absent ako sa isa kong subject?"

"Ba't parang kasalan ko? Ako ba yung nakaiwan sa kotse ko?"

"But I did contact you! Many times! I'm even pleasing you to bring it back to me, pero hindi mo ginawa."

"Oww, that's because nasa training ako. Malay ko bang tinadtad mo na ako ng text at tawag. And you know, I'm not used to it. "

"So ba't parang kasalanan ko?"

"Well, anyways. Kung gusto mo makuha yung bag mo. Go here now in our GYM."

Nanlaki yung mata ko! Ano? Di nga ako nag pupunta dun.

"What? No! Ang daming place to meet up. Bakit diyan pa?"

"Tsk! Why not? Ikaw 'tong humihingi ng pabor."

"K, fine. Kung hindi lang mahala sakin 'yan. Hinayaan ko na sana yan mabulok kasama mo!" And I ended the call.

Bakit naman! Jusmeyo.

Masama ang loob ko habang nag lalakad ngayon papunta ng gym nila. Nakita mo na? Gusto talaga ako nito pagurin. Ang layo ng kinalalagyan ko kanina kung nasaan siya ngayon!

Pag dating ko ng gym nila, rinig ko agad yung mga tunog ng sapatos at bagsakan ng mga bola. Ghad! Sobrang ingay. Seriously? Araw-araw nila 'tong ginagawa?

Nang may nakita akong guard sa may entrance. Ah! Palabasin ko nalang kaya siya? NAKS! May isip ka rin pala minsan Hailey!

"Kuyang guard! Pwede po pasabi kay Ricci na labas muna siya saglit? Nasa kanya po kasi gamit ko eh." Pakiusap ko kay Manong Guard. Ngumiti naman sakin si Manong Guard. "Ay, kayo ho ba yung Girlprend ni Ser Ricci?" I was stunned of what he say to me right now.

"P-po? Ay, nako, hindi po kuya. Nag-kakamali mo kayo diyan. Ahm, pwede po pasabi nalang kay Ricci na nandito si Hailey Tan?" Sabi ko kay manong guard. Tumango naman ito at nag tungo na sa loob ng court. Infairness! May pa guard sila ha.

Ilang sandali lang nakarinig ako ng sigawan sa loob. Luh, so weird.

Lumabas si kuya Manong Guard ng malaki ang ngisi. Luh, kuya! Wag mo sabihin na kakampi ka sa kanila!

"Sus, Ma'am Hailey. Sinubukan niyo pa po akong lokohin ha. Kayo daw po talaga ang jowa ni Ser Ricci. Kay pasok nalang daw po kayo sa loob. Doon niyo nalang daw ho kunin yung gamit niyo." Sabi ni kuya guard

Ah, that's why. W-wait? I sighed. Wala na. Desperada na ako kunin yung gamit ko and to cut all my connections to him. He's really driving me crazy, that punk. Ginugulo niya ang buhay ko!

Tumango ako at dumiretso na sa loob. My face is blank. But, wow. Their gym is neat and clean ha. Not bad for a guys training here. Alam niyo naman sila, MINSAN makalat... please don't get me wrong on this.

Oh My God. Why is these men's so hot? Their well formed abs and handsome faces. 'Yan ang mga nasa isip ko the moment na nakita ng mga mata ko ang lalaking nasa loob ng gym na ito. Ghad! I think I'm going to melt now. Idagdag mo pa yung sweats nila na nag papadagdag ng sex appeal nila. Syet. Parang nawala yung pag kasira ng araw ko.

Nasira yung pag da-daydreaming ko when my vision saw Ricci. I rolled my eyes. But to be fair, infairness, he's hot. He gained weight but that makes him more fit. Bagay na bagay sa kanya. Na maintained niya rin yung six packed abs niya. Asset niya siguro yun eh. To catch girls.

"Ricci!" I shouted. Uh-oh, a few second, I started to regret it. I think I shouted really loud. All their gazes are in me. Include mo na coaches and staffs. Nalintikan na. Pwede ba mag palamon na sa lupa ngayon?

"Uhm, sorry. I didn't mean to do that... I think I have to leave," I said and nag bow sa kanila. Nag lakad ako ng mabilis. But not enough kasi natawag parin ako ni Ricci.

"Wait up!" He shouted and run to my direction.

Ano bayan!?

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon