S K Y P O V
Kuya told us what happened to him for the last 8 years.
Sinabi nya sa amin na pagkatapos syang pahirapan ng mga lalaki na yun ay iniwan na lang sya. Akala raw nila na patay na ito at iniwan na lang sa isang liblib na lugar.
Nag panggap si kuyang patay na sya. Nang makaalis na ang mga lalaking nagpahirap sa kanya ay tsaka naman sya tumayo at tumakas.
Hindi nya alam kung saan sya puounta sa oras na yun at buti na lamang ay may nakakita sa kanyang driver ng tricycle. Tinulungan sya nito at dinala sa hospital. Tinuring syang parang isang anak ng matanda at ng asawa nito.Dun sya nagpalakas at madami din syang natutunan. Nagtrabaho sya at nag-ipon ng pera para makabalik dito sa amin. Kinwento nya lahat ng nangyari sa mag-asawa na kumupkop sa kanya kung bakit ganun ang itsura nya sa oras na iyon. Inalagaan at pinalaki sya na parang isang tunay na anak.
Nagpasalamat sya sa mga ito at nakiusap kung pwede ba syang bumalik na sa tunay nyang pamilya at ipapangako nya na bibisitahin nya ang mga ito. Pinangako nya din na susuklian nya lahat ng pag-aalaga nito sa kanya.
Pinayagan sya ng mga ito at sinabing wag na sya mag-alala. Kinabukasan ay umalis na sya doon at kailangan nya pang mag-ingat para lamang makauwi ng ligtas dito sa amin.
Hindi ko inakala na makikita pa namin si kuya ngayon. Walong taon. Walong taon syang nawala. Nagpapasalamat ako sa mga taong nag-alaga sa kanya at sa Panginoon.
Pagkatapos ng mga iyakan at kwentuhan, napagdesisyunan namin na magpahinga na at bukas na lamang ulit ipagpatuloy ang kwentuhan.
Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jack. Kailangan ko mag-explain sa kanya.
Hindi nya sinagot kaya tinawagan ko ulit sya, pero wala pa ring sagot. Tinawagan ko ulit yung number nya, baka walang signal kaya ganun. Umupo ako sa kama at hinintay ang pagsagot ni Jack sa tawag ko.
("Finally, sumagot kana din.") sabi ko sa kabilang linya habang nakangiti ng sagutin na ni Jack ang tawag ko.
(What do you want?) tanong ni Jack sa kabilang linya.
Di pa rin mawala sa labi ko ang ngiti dahil minsan lang sagutin ni Jack ang tawag ko.
("I just want to say na mali yung iniisip mo kanina. He is my brother. Nothing serious.") sabi ko sa kinakabahang boses.
("I dont care, Sky. It does'nt matter to me kung sino kasama mo. You can be with whoever you want and that's the same for me.") sabi nya sa walang ganang boses.
("Oh, sorry. Nakalimutan ko. I'm sorry. Goodnight.") i said then hung up.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko at napalitan ng lungkot.
Kailan ba ako masasanay? Tagal ko na rin syang sinusuyo. Pero wala talaga. Hindi ko ba alam, ang dami naman dyang iba pero si Jack lang talaga ang gusto ko.
Tinabi ko na ang phone ko at nahiga na ulit.
Pinikit ko na lamang ang mga mata at hinayaan lamunin ako ng kadiliman at kalungkutan.
•••••••••
Here's the another chapter of 'I Own You'
Hope you like it, guys!
Have fun reading!
A simple vote will be appreciated!
Keep on reading and just comment what you want.
BINABASA MO ANG
I'll Make You Mine
FanfictionSky POV "No one owns me." sabi nya sa lahat ng tao dito sa canteen. Well sya lang naman yung pinagkakaguluhan ng lahat ng babae dito, but he does'nt care. They called him, "The Cold Guy". Hindi ako makakapayag. Lumapit ako sa kanya, at mukhang nagul...