Chapter 29

13 1 0
                                    

Sky POV

Ang bilis ng araw at last day na agad ng program and it means that we will be performing later.

Nakapag-practice din kami ni Tanner dahil sinabi ko din agad sa kanya.

Kaya halos magkasama kami buong araw, kahit ngayon nagpractice pa din kami. Nasa classroom lang kami ngayon, wala namang estudyante dito kaya solo namin.

"Kinakabahan na ako. Paano pag nagkamali ako?" Ang daming what if's sa ulo ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Think positive. Pati ako kinakabahan dahil sayo eh. Mamaya pa namang gabi yun, although 4 hours na lang bago mag-umpisa at naniniwala ako na maganda ang performance natin. At tsaka, hindi naman contest to kaya okay lang." Sabi nya.

Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Tama, kaya ko to.

Nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta akong canteen para bumili ng maiinom, tinanong ko din sya kung ano yung gusto nya sabi nya kahit ano daw.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nandun si Jack at serysong nakatingin sa akin.

Puso, kumalma ka.

"Uhm, hi? Kanina ka pa dyan?" Nag-aalanganin akong bumati sa kanya kasi parang ang seryoso nya talaga.

"Is he your boyfriend?" Diretsong tanong nya sa akin.

Nagulat naman ako kaya hindi ako nakasagot agad.

"Ha? Si Tanner ba yung tinutukoy mo? H-hindi ko sya b-boyfriend." Sabi ko.

"Good. Anyway, nagtext sa akin si Tita na umuwi ka ng maaga pagkatapos ng program sa gabi dahil may family dinner tayo." Sabi nya at umalis na.

Ano daw? Tita? Family Dinner? Tayo?

Anong pinag-sasabi nun?

Pumunta na lang ako ng canteen at bumili ng lemonade drink para sa aming dalawa ni Tanner.

Bumalik din ako kaagad sa classroom para makapag practice kami ulit kahit saglit lang.

Inabot ko sa kanya yung isang inumin at naupo na.

Bigla naman tumunog yung phone ko kaya nag-excuse muna ako saglit kay Tanner.

Tumatawag pala si mama.

"Hi, Mom. Why did you call?" Bati ko sa kanya.

Parang ang ingay pa dun sa kabilang linya.

"Dyan nyo na lang ilagay yan, para mas magandang tignan. By the way, hello honey. Tumawag ako dahil gusto kong sabihin sayo na may family dinner tayo mamaya kaya maaga kang umuwi pagkatapos ng program nyo sa gabi." Sabi ni Mom.

"Why? Tsaka may party po ba dyan?" Tanong ko.

"Sige na. I'll hang up. Goodluck sa performance nyo! I love you." Binaba na ni Mommy yung tawag kaya hindi na ako nakasagot.

Bumalik na lang ako sa upuan at nag practice na kami ulit.

Papunta na ako ngayon sa school at thirty minutes na lang bago magsimula yung performance.

I am wearing my white off shoulder dress na hanggang binti, I partnered it with my beige heels.

I put on a minimal makeup para hindi masyadong mabigat sa pakiramdam. Tinali ko din ng low bun yung buhok ko at sinuot yung kwintas na bigay ni Jack sa akin noon. Merong pendant na maliit yun sa gitna. Sinuot ko din yung maliit na hikaw ko.

Bumaba na ako sa kotse ko ng maipark ko na ito at dumiretso agad sa may backstage.

Nakita ko agad si Tanner, may kausap siguro sa phone. Nakasuot sya ng white polo na naka tuck in sa black slacks nya nilagyan nya ito ng belt at tinernuhan ng monk shoes.

I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon