Chapter 22

14 0 1
                                    

S K Y POV

Nagulat ako dahil biglang kinuha nung lalaki yung tinapay at kinain ito.

"Ang sarap naman nito. Ikaw ba may gawa nito? Salamat!" sabi nya at ngumiti sa akin.

"W-walang anuman." sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya at binaling ang tingin kay Jack. Nakatingin sya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"See? Hindi talaga ako nagkamali ng akala sayo. Katulad ka rin ng iba." Sabi nya sa akin habang tinititigan ako ng nandidiri.

Sky, ano ka ba? Sanay ka na dyan diba?

"Hoy! Tara samahan mo ako bumili ng inumin. Nauuhaw na ako." Sabi ng kaninang lalaki.

Hindi na ako pumalag ng hawakan nya ang kamay ko at nung lumabas kami sa classroom.

Napagtanto ko na nakatingin pala sila lahat sa amin.

Naguluhan ako dahil hindi naman kami sa canteen pumunta. Kundi sa likod ng school.

Malinis dito at mahangin. Merong mga tumatambay pero onti lang. Kami lang andito ngayon, teka baka may binabalak sya sa akin?

"B-bakit mo a-ako dinala d-dito?" sabi ko at umatras ng konti sa kanya.

Tumawa lang sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? May pahampas-hampas pa sya sa bench na katabi nya. Chingchong ata sya, kasi singkit eh. Hindi ko na rin makita mata nya dahil kakatawa nya.

Masasabi mo talaga na may itsura sya. Yung buhok nya na black na parang sobrang tagal inayos dahil sobrang linis at maayos itong tignan, yung mata nyang kulay brown, mahaba din ang pilikmata, matangos ang ilong, at yung labi nyang medyo manipis at mapula.

"Wala akong balak gawin sayo. Inalis lang kita sa katangahan mong eksena." sabi nya ng nakangisi at umupo sa may bench.

Naalala ko na naman yung eksena kanina sa room. Bumabalik na naman yung sakit.

"Katangahan ka dyan. Mahal ko sya, at hindi yung katangahan." pagdedepensa ko sa kanya.

"Love can make you stupid, Sky. Nasaktan ka kanina, alam ko. Kahit na anong pilit mong tago, halata pa din." sabi nya at tumingin sa akin.

Kilala nya ako?

Umupo ako sa tabi nya at ngumiti ng bahagya.

"Yes, I know, but this is the only thing that I can do to make him love me back. Kailangan kong habaan ang pasensya ko, kailangan kong makipagkumbaba, kailangan ko ibaba yung pride ko. Gagawin ko lahat mahalin nya lang ako. Oo, nasasaktan ako pero okay lang yun basta masaya ko syang nakikita." sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang na may dumamping palad sa pisngi ko. Pinunasan nya pala yung luhang tumulo sa mata ko.

"Wag kang umiyak. Hindi bagay sayo." sabi nya sa akin

"Anong hindi bagay sa akin?" tanong ko.

"Ang umiyak. Hindi bagay sayo ang umiyak, lalo na ang dahilan ay ang nasasaktan ka. Dapat umiiyak lang tayo kapag masaya. Kumbaga, tears of joy. Just smile, mas bagay sayo yun." sabi nya at ngumiti sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. What if, ganyan si Jack?
Yung tipong ayaw nya akong masaktan o umiyak man lang. Napatawa na lang ako sa naisip ko. Never kasi mangyayari yun.

"Thank you. Kailangan ko lang tatagan ang loob ko." sabi ko sa kanya.

"Welcome! Kaya mo yan. Basta, pwede mo akong maging kaibigan. Andito lang ako kapag may problema. Im your one call away." sabi nya at nag salute pa.

Natawa na lang ako.

"By the way, Im Sky." i said and offer my hand to him.

"Im Louie. Louie Jones." He said then shake his hand with me.

Louie Jones. Fuck! Hell no!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at natulala sa kanya. Kaya pala familiar sya.

•○•○•○•○•○•○•○•

Thank you for reading!

A simple vote is appreciated!

Have fun!!

➡Follow Me!!!⬅

I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon