Chapter 21

14 0 0
                                    

S K Y P O V

Umaga na. Tapos na ako mag-almusal at tapos na rin ako mag-ayos ng sarili ko. Si Mom nasa may kusina pa kasama sila kuya at dad nag-aalmusal pa lang sila. Maaga kasi ako lagi nag-aalmusal para maiwasan ma-late sa school.

Nag paalam na ako sa kanila at sumakay na ako sa kotse. Siguro nasa school na yun si Jake.

Maaga kasi napasok yun lagi. Kahit ganun sya maaga napasok yun tapos laging matataas grades.

Ipapark ko na sana yung kotse ko, kaso biglang may nag park na iba. Bwisit! Inagawan pa ako. Siguro naman alam nya na doon ako mag papark diba?! Napalayo pa tuloy yung pag park ko sa kotse. Kaasar!

Bumaba na ako sa kotse ko at eksakto naman na bumaba din yung nakasakay dun sa umagaw ng pag-paparkingan ko.

Napatingin sya sa gawi ko at ngumiti. Ngiti ka dyan?! Supalpalin kita dyan, makita mo! Inirapan ko sya at nag simula ng maglakad.

He looks familiar. He really looks familiar. Someone from the past that I known for long.

Ugh! Bwisit! Ang aga-aga badtrip ako. Papasok na sana ako sa entrance ng may humawak sa doorknob at binuksan ito. Papasok na rin sana ako kaso bigla nyang binitawan, edi ang ending nauntog ako!

"Punyeta naman, wala na bang mas lalala dito?" bulong ko sa sarili ko at hinimas-himas ang noo ko.

Tinignan ko yung siraulong pumasok na yun para malaman ko kung sino ba yun.

Aba, kung minamalas ka nga naman. Sya din yung lalaking inagawan ako kanina sa parking.

Ngumisi sya sa akin at tinawanan pa ako. Pumasok ako sa loob at dahil sa sobrang inis ko , tinuhod ko sya sa alaga nya.

Paimpit na sigaw nya at lumuhod. Tinignan nya ako ng masama at ako naman ang tumawa sa kanya ngayon.

"Serves you right, asshole." sabi ko at nagsimula na maglakad.

Hay nako! Haggard na agad ako, umaga pa lang. Bwisit na lalaking yun, walang magawa sa buhay kaya ako ang napag-tripan.

Papasok na sana ako sa classroom ng may umakbay sa akin.

"Miss me?" sabi ng lalaki at kumindat pa ito.

Bigla na naman nag-init ang ulo ko at umirap na lang sa kawalan. Ang lalaking umakbay sa akin ay walang iba kundi ang pesteng umagaw sa parking ko kanina. Kung nasaan ako andun din sya. Hindi ko sya pinansin at inirapan lang ito.

Binuksan nya ang pinto at eksakto naman na pagpasok namin ay nakatingin sa amin ang ibang estudyante na nandoon na at kasama na don si Jack.

Biglang nawala yung inis na nararamdaman ko at bigla akong napangiti. Ang pogi talaga ni Jack.

"Baliw ka din pala, Ms." sabi sa akin ng mongging lalaki at tumawa pa ito.

Napansin ko na nakaakbay pa rin pala sya sa akin at tinanggal ko naman agad yun.

"Pwede ba kuyang monggi, lubayan mo ako. Nakaka-stress ka!" sabi ko at naglakad papunta sa tabi ni Jack.

"Hi, Jack!" masayang bati ko dito at ngumiti pa.

Tumingin lang sya sa akin at hindi ako pinansin.

"Well, sanay na ako dyan. So? Nag-almusal kana ba?" tanong ko sa kanya at nilabas ang sandwich na nasa bag ko at ibinigay yun sa kanya.

Lagi ko syang binibigyan ng sandwich kasi hindi naman sya masyadong nakain ng breakfast. Ako mismo nagawa ng mga binibigay ko sa kanyang tinapay.

"I dont want a flirty woman talking to me." sabi nya at tinignan ako ng masama. Binalik nya sa akin ang sandwich at tumingin na ulit sa may gawi ng bintana.

Flirty Woman? Tsk. Wala yan, sanay na ako sa ganyan nya. Masakit pero ayos lang. Sanayan lang to.

"Flirty Woman? Ako? Hindi ah, ikaw nga lang tinitibok ng puso ko eh." sabi ko at nginitian pa sya kahit hindi nya ako nakikita.

"Pwede ba, Sky? Tigilan mo ako. No wonder, kung bakit ang dami mong nilalandi dahil malandi ka naman talaga." nakatingin na sabi nya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ni Jack. Hindi ko akalain na masasabi nya yun.

Naramdaman kong may tumulo na luha sa mata ko at agad ko yun pinunasan. Nakatingin pa rin sya sa akin at parang wala lang sa kanya yung sinabi nya sa akin.

"Wow! Parang ang sarap nito, ah!" napatingin naman ako sa lalaki kanina na kaaway ko lang at nakita kong kinakain na nya ang sandwich na ginawa ko para kay Jack.

••••••••••

Thank you for reading!

A simple vote will be appreciated!

Enjoy!

Follow me!

I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon