Chapter 30

12 2 0
                                    

Jack POV

Kakatapos ko lang panoorin yung performance nila Sky.

Ang ganda ng boses nya. Hindi ko alam kung sa akin ba sya nakatingin habang nakanta sya o baka namamalikmata lang ako.

Nagtaka ako ng makita tumulo yung luha nya.

Why is she crying?

Pagkatapos nilang magperform ay umalis na din ako sa school para makapag-handa.

Sky POV

Kakababa lang namin ng stage ni Tanner.

"Are you okay? Wala pa nga yung pasabog, naiyak ka na agad dyan." Sabi nya at umiling.

"Feel ko kasi yung kanta, pakielamero ka." Sabi ko sa kanya at inirapan sya.

"Okay, fine. Basta walang iyakan. Sige, una na ako sayo, may gagawin pa ako." Nakangiting sabi nya at umalis na.

Pumunta na din ako sa kotse ko at napansin ulit yung bulaklak na nakasabit sa handle ng car door ko. Pumasok na ako ng kotse bago binasa yung nakasulat doon at nagtaka ako bigla.

'See you later, love."

See you later? Hindi ko na lang pinansin yun at nag retouch muna ako saglit bago nag drive pauwi.

Grabe ang traffic pa, baka mamaya pa ako makapunta sa dinner. 7:25 na pala.

Tinext ko na lang si Mommy na baka ma-late ako dahil traffic pa kaya sinabi ko mauna na silang kumain, tutal nakatigil naman ako.

Sabi ni Mommy na hihintayin na lang nila ako.
Baka malipasan pa sila ng gutom kapag hindi agad ako nakauwi.

Sobrang bagal ng usad halos sardinas na yung mga sasakyan dahil ang sikip din ng daan.

8:20 na ng makarating ako sa bahay at nakapatay na ang ilaw sa labas at yung ibang ilaw sa loob ng bahay.

Baka kumain na sila kaya nagpapahinga na ngayon. Hindi naman ako galit dahil anong oras na din naman.

Pinark ko na muna ang kotse ko bago bumaba at nagtungo na sa bahay.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa nakita ko.

Puro petals ng bulaklak yung sahig namin at may kandila sa gilid. Sinundan ko yun hanggang sa mapadpad ako sa living room.

Napansin ko agad yung bouquet na roses sa lamesa.

Sa gilid nun ay may nakasulat na 'pick me' kaya kinuha ko ang bulaklak.

Bigla naman lumiwanag yung paligid kaya napansin ko din na may tao pala dito bukod sa akin.

Nakita ko si Mommy na nagpupunas ng luha nya habang si daddy ay nasa tabi nya at pinapakalma sya. Nagulat din ako ng makita yung ibang relatives namin. Andun din si Tanner at yung parents nya. Pati yung parents ni Jack andito pero sya wala.

Ano to? Naguguluhan ako? Eto ba yung sinasabi ni Tanner kanina?

Nabigla lang ako ng may magsalita sa harapan ko. Si Jack. What is this?

He's wearing a white polo and a gray slacks matching with a black shoes. Ang formal naman ata ng datingan nya. May hawak din itong mic. Mas lalo lang akong nagtataka.

"Xandra Sky Smith." Sambit nya sa pangalan ko habang nakatingin sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya hindi alam ang sasabihin.

"Noong una, akala ko imposibleng mangyari yun, pero eto ako ngayon magtatapat," Tumawa sya ng bahagya bago pinagpatuloy ang pagsasalita, "The first time I heard the news na ikakasal na ako sa babaeng hindi ko naman kilala ay parang binagsakan ako ng langit at lupa." Sabi nya at tumingin sa paligid.

Tumingin sya sa akin at tsaka nagsalita.

"Pakiramdam ko, wala na akong pag-asa. Sino ba naman gustong ikasal sa taong hindi mo naman mahal, diba?" Pagpapatuloy nya.

Sino nga ba naman ang taong may gusto ng ganun? Kasi kung ako ang tatanungin, gusto kong ikasal sa taong mahal ako at mahal ko din.

"Akala ko, isang babae lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko," He chuckled, si Trisha siguro ang tinutukoy nya, "Pero, who would have thought na baka dumating yung bago kasi sya talaga ang nakalaan para sayo? Baka, sya na talaga ang babaeng makakasama mo buong buhay." Ngumiti sya sa akin at naglakad palapit sa akin.

"At ang babaeng yun ay walang iba kundi ikaw. I am sorry kung natagalan ako. Ang tanga ko kasi hindi ko nakita yung babaeng nasa harapan ko lang, yung babaeng willing gawin lahat para lang sa taong katulad ko. Ang tanga ko. Deserving ba ako?" Tumawa sya sa sinabi nya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ako ba yung tinutukoy nya? Mahal din ba nya ako? Hindi ko alam ang iisipin ko, masyado akong nabibigla sa mga nangyayari.

"Pero, nagpapasalamat pa din ako kasi narealize ko din na kahit anong gawin mong iwas sa ibang tao ay may dadating dyan para kuhanin ang atensyon mo. Masyado akong natagalan, pero hinihiling ko na sana hindi pa huli ang lahat." Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Xandra Sky Smith, I am sorry sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko sayo. Pinapangako ko sayo na babawi ako sayo. Bigyan mo ulit ako ng chance para makasama ka. I'll promise you that I will be a good man. Hinding-hindi kita iiwan." Sabi nya at niyakap ako.

"I hope this is not too late to say but I love you so much, Sky." Sabi nya at humiwalay sa yakap.

May tumulong luha sa mata nya kaya pinunasan ko iyon.

Pinipigilan kong lumuha.

Inabot nya sa akin ang isang rosas.

Mayroong papel doon kaya kinuha ko yun at binasa.

Hindi ko alam pero bigla na lang bumuhos ang luha ko. Sobra-sobrang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. All this time, sya pala ang lalaking nagbibigay sa akin ng bulaklak.

'Will you marry me?'

Nakita kong nakaluhod na sya sa harapan ko habang nilalabas ang isang box sa bulsa nya.

Nag-palakpakan ang mga nanonood sa gilid namin.

Narinig ko pang sumigaw si Tanner.

"Sabi ko walang iyakan!" Tumatawa pa sya habang sinigaw iyon.

Napatawa din ako ng mahina at tinignan si Jack na nakaluhod sa harapan ko.

"Are you willing to spend the rest of your life with me, be the mother of our children, take care and love each other till our last breath?" He proposed.

He is proposing. He is freaking proposing.

Parang nadinig ng fairy god mother ko ang hiling na matagal ko ng gustong matupad.

Wala ng mas sasaya pa dito.

Pinunasam ko muna ang luha ko bago ngumiti sa kanya sabay tango.

"Yes, I am willing to grow old with you, be the best mother of our children and love you and take care of you till our last breathe." Sabi ko sa kanya habang lumuluha.

Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at sinuot sa daliri ko ang singsing bago ako niyakap.

"I love you." Bulong nya sa akin.

"I love you, too." Nakangiting bulong ko at niyakap din sya pabalik.

-

A simple vote will be appreciated.

Follow Me!

Thank you for reading!







I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon