Sky POV
Andito ako ngayong sa soccer field ng school namin.
It's been two weeks since I cancel our marriage.
This is my decision but why does it hurt me so much?
2 weeks na ang nakakalipas pero nasasaktan pa din ako. I still love him. Hindi naman agad mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang sabi ko 'best decision', pero bat parang hindi naman? Halos gabi-gabi ako naiyak, hindi na din ako nakakakain ng maayos. Lagi na lang sya yung naiisip ko.
Ganito din kaya yung nararamdaman nya?
Malungkot ba sya kasi wala na ako? Tumawa na lang ako sa kalokohang naiisip ko.
Why would he feel sad? Maybe, he's out there having fun while shouting 'Yes, I am free!'
It hurts to think that he's happy without me. I wish I was enough for him to love me like he love Trisha.
Sumandal ako sa punong nasa likod ko at pinagmasdan ang kapaligiran.
Hindi masyadong mainit kaya medyo mahangin.
When will I moved on?
Yumuko ako sa tuhod ko at pilit na kinakalma ang sarili.
"Do you need a hug?" Napa-angat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan ko.
Louie. Maaasahan talaga 'tong mokong na to.
"Yes, please." I said then open my arms to welcome him.
Hinatak nya ang kamay ko para makatayo at niyakap ako.
"How are you feeling?" He ask still not letting go of me.
"Im feeling..." I paused, "...fine? I guess." Sabi ko at humiwalay na sa yakap.
Umupo ulit kami sa damuhan at tumingin sa kung saan.
"How can you be not so sure?" He ask then chuckled.
"I dont know. I just... I dont know what I am feeling right now. Im still affected. Desisyon ko naman yun, pero bakit hindi ko tanggap?" I bit my lips to prevent myself from crying.
"Because, you still love him. Hindi naman agad mawawala yun, Sky. Alam ko na yung mga ganyan. Maybe, it's not too late. Try to win him back, again." He said.
"I can't. Atleast, I should be with someone who truly loves me. I also want him to choose the woman he love. He has the freedom to choose." I sighed.
"It's up to you. Maybe one day, you get the biggest surprise in your life. Tara na, malapit na mag next class." Sabi nya tsaka tumayo at pinagpagan ang pants.
Tumayo na din ako at pinagpagan yung palda ko. Dumiretso na kami sa classroom at hinintay ang teacher na dumating.
Kakalabas ko lang ng classroom dahil uwian na namin. Gusto ko ng umuwi at mag pahinga.
Palabas na sana ako ng building ng may lumapit sa aking lalaki. Mukhang bata pa, ah.
Siguro 14 or 15 years old."Hi." Sabi nya at nilahad ang kamay.
Medyo nailang pa ako pero tinanggap ko din yung kamay nya.
"Hello." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ang ganda nyo po, ate." Sabi nya at mukhang nahiya pa.
"Aww, thank you." Sabi ko at pinisil ang pisngi nya.
Nagulat naman ako ng iabot nya sa akin yung hawak nyang rose.
"Para sayo po, ate. Pinapabigay lang po." Inabot nya sa akin yung bulaklak bago ngumiti at tumakbo paalis.
Hindi man lang ako nakapag thank you. Ngumiti na lang ako at naglakad na papunta sa parking.
Hinanap ko pa yung kotse ko dahil nakalimutan ko kung saan ko pinark. Nang mahanap ko ito ay sumakay na ako dito agad at nag-drive papuntang condo ko.
Nakaupo ako sa kama ko ng maalala ko yung bulaklak na binigay ng bata kanina.
Kinuha ko yun sa study table ko at pinagmasdan yun, napansin ko naman yung maliit na papel na nakasabit doon. Kinuha ko yun at tinignan kung ano yung nakalagay doon.
'Take care, love.'
Na-curious tuloy ako bigla kung kanino galing yung bulaklak.
Pinag-sawalang bahala ko na lang yun.
Tinabi ko na lang yung sulat sa isang jar pati yung bulaklak sa isang vase.
6:30 na pala, kailangan ko na magluto ng hapunan ko.
Pumunta ako ng kusina at dumiretso sa may ref. Tinignan ko kung ano pwede maluto.
Tinola na lang siguro. Hinanda ko na yung mga sangkap at inumpisahan magluto.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na din ako.
Habang kumakain ako ay biglang sumagi sa isip ko si Jack.
Kumain na kaya sya? Baka, nagugutom na yun.
Bakit ba hindi sya maalis sa isipan ko? Bumuntong hininga ako at kumain na lang.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na di ang pinagkainan ko.
Pagkatapos ko magligpit ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maghanda na sa pag tulog. Mag half-bath na lang ako, hinanda ko na yung susuotin ko at dumiretso na sa bathroom.
Pagkatapos kong mag half-bath ay sinuot ko na yung damit ko at ginawa ang skincare ko.
Pagkatapos ko mag skincare ay dumiretso na ako sa kama ko para makapag pahinga na.
Kinabukasan ay ganun pa din ang routine ko. Pagkatapos ko mag breakfast ay nag drive na ako papuntang school.
Papasok pa lang ako ng classroom ay nakikita ko na agad yung pulang rosas sa lamesa ko.
Now, I'm getting more curious. Chineck ko ulit kung may papel doon at meron nga. Tinignan ko kung ano yung nakasulat.
'Goodmorning, love. Have a great day! I love you.'
I love you? Is this someone I know? Maybe this is just a prank or what? But, this is the second time that I received this.
Tinabi ko na lang yung bulaklak pati yung sulat dahil dumating na yung prof namin.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na ulit namin. Nasa parking na ako papunta sa kotse ko.
Bubuksan ko na sana yung pintuan sa may driver seat kaso may bulaklak na naman akong nakita. Nakasabit yun sa may handle ng pintuan.
Tinignan ko agad kung ano yung nakasulat sa papel.
'Have a safe drive. I miss you, love.'
Wait, this is creepy. You don't know if this is dangerous or not.
Pero kahit ganoon, tinabi ko pa din yung sulat at yung bulaklak.
Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarro ko para ilagay sa vase yung dalawang rose at yung dalawang papel sa jar.
Napangiti na lang ako dahil kahit papano ay may natatanggap akong ganito sa iba.
-
A simple vote will be appreciated.
Follow Me!
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
I'll Make You Mine
FanficSky POV "No one owns me." sabi nya sa lahat ng tao dito sa canteen. Well sya lang naman yung pinagkakaguluhan ng lahat ng babae dito, but he does'nt care. They called him, "The Cold Guy". Hindi ako makakapayag. Lumapit ako sa kanya, at mukhang nagul...