Chapter 24

8 1 0
                                    

Author: So guys, yung chapter na ito ay tungkol sa past ni Sky.

-

Sky POV

Naglalakad na ako palabas ng school dahil maaga nag-dismiss ng klase yung adviser namin.

I texted my driver na sunduin na lang ako sa tapat ng coffee shop na pupuntahan ko.

Malapit lang naman din kaunti yung coffee shop
sa school kaya nilakad ko na.

Bigla kasi akong nag crave sa iced coffee kanina nung may nakita akong babaeng umiinom nun.

Pagdating ko sa coffee shop umorder na din ako agad.

Humanap muna ako ng upuan habang hinihintay mag text yung driver.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid ng coffee shop, maganda yung interior at ang relaxing ng paligid.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko ng marinig ko itong tumunog.

Si Manong Driver pala, ang sabi nya malapit na sya sa coffee shop.

Lumabas na lang ako para hindi na ako hanapin ni Manong sa loob, marami pa namang tao ang tumatambay doon.

Why do I have this weird feeling? Baka napasobrahan lang ako sa kape.

Natatanaw ko na yung kotse namin na papalapit sa akin.

Maglalakad na sana ako palapit dun sa kotse namin ng may humintong puting sasakyan sa harapan ko.

"What the f--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang may tumakip sa ilong ko.

Bago ako mawalan ng malay narinig ko pang sumigaw yung driver namin.

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa labas.

Nilibot ko ang tingin ko at napansin kong nasa lumang gusali ako.

Basag-basag na bintana, pinturang natuklap na, mabahong amoy, makalat na paligid.

Ang tanging liwanag lang na nasa bintana ang natatanaw ko.

Sisigaw sa ako ng mapansin kong naka tape ang bibig ko at nakatali ang kamay ko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki.

Siguro nasa mga 30 anyos na ito. Kalbo, may bigote at mataba ang kanyang pangangatawan.

Tumingin ito sa akin at saka ngumisi.

"Oh, pare. Gising na pala si ganda." Sabi nung kalbo.

May pumasok na dalawa pang lalaki mukhang kaedad lang din nila ang kalbong lalaki kanina.

Mapayat nga lang yung dalawa, yung isa mahaba ang buhok at lawlaw ang damit na nakasuot sa kanya, habang yung isa naman ay tama lang ang gupit, mapayat din ito at mapapansing yung mala-ginto nitong ngipin.

Lumapit sila sa akin at pinagmasdan ako.

"Paano ba yan, Miss? Mukhang mayaman ka naman kaya madami kaming makukuhang pera sayo." Sabi ng lalaking mahaba ang buhok at tumawa.

"Big time! Tinawagan namin yung magulang mo para bigyan kami ng pera kapalit ka. Sinabi ko din na wala silang isasamang pulis dahil pare-parehas kayong mamamatay. Subukan mo lang tumakas, hindi mo na ulit makikita ang sinag ng araw bukas." Banta nung golden teeth na lalaki at tinutok pa sa akin yung baril.

I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon