Chapter 28

10 1 0
                                    

Sky POV

Halos isang buwan na ang nakakalipas simula ng may matanggap akong bulaklak galing sa anonymous person. Hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba yung nagbibigay sa akin ng bulaklak.

Hindi ko alam pero nasanay na ako sa ganoong set-up. Tuwing umaga at hapon ako nakakatanggap ng bulaklak. What if, someday matigil din to?

Nothing's forever.

Nasa school ako ngayon. Actually, there's a program in our school. Tatlong araw itong gaganapin.

May mga booths tas mga food stalls. Sa gabi laging may kantahan o sayawan.

"Sky!" Napalingon naman ako sa paligid ko para hanapin kung sino yung sumigaw ng pangalan ko.

May kumulbit sa likuran ko kaya humarap ako dun.

"Sky! I miss you, so much!" He shout kahit ang lapit nya na sa akin.

"Oh my god! Tanner! Ang tagal mong hindi nagparamdam. Akala ko hindi ka na makakaabot sa graduation natin." Sabi ko sa kanya at tumawa.

Niyakap nya ako ng sobrang higpit yung tipong hindi na ako makahinga at bali-bali na buto ko.
Just kidding!

Niyakap ko din sya pabalik.

"Anong ang tagal? Nag-uusap naman tayo online! Tsaka makakaabot ako ng graduation, no." Sabi nya at tumawa.

He is back. Nag-punta kasi sila ng parents nya sa ibang bansa dahil urgent. Excuse naman sya sa class, kaya okay lang. Nag-uusap din kami madalas sa social media.

Nagchikahan lang kami hanggang sa maghiwalay na ang landas namin.

Dumiretso ako ng cafeteria para kumain. Nang maka-order na ako ay naghanap na din ako ng vacant table.

Pumwesto ako doon malapit sa may entrance/exit ng cafeteria kaya kitang-kita ko yung mga estudyanteng pumapasok at lumalabas.

Tahimik lang akong kumakain ng may lumapit sa aking babae.

Highschool student. Sa kabilang building sya.
Since, may program sa school ay makikita mo yung mga estudyanteng taga ibat-ibang building.

For example, ako college na. Edi dun ako sa building ng mga college pero depende yun sa kinukuha mong course.

Feeling ko alam ko na kung bakit ako nilapitan nito.

"May nagpapabigay po." Nakangiting sabi nya at inabot sa aking ang isang pulang rose.

"Thank you." Sabi ko at ngumiti din sa kanya pabalik.

Nasanay na ako sa ganito. Minsan ipapaabot o kaya minsan ay ilalagay lang sa desk ko.

Akala ko ay umalis na yung batang babae, hindi pa pala. Napatingin tuloy ako ulit sa kanya.

"Ang sweet naman po ng husband nyo." Kinikilig na sambit nya.

"Wala akong asawa, ano ka ba." Napapailing na sabi ko at tumawa.

Asawa? Wala nga akong boyfriend eh, asawa pa kaya.

Maybe, I should start seeing someone. Para naman makalimot na ako sa nakaraan.

"Ayun po yung sabi sa akin ni kuyang nagpabigay nyan, eh." Sabi nya.

"Kuya? He's a guy?" Tanong ko sa kanya.

Ibig sabihin nakita nya yung itsura nung lalaki?

"Syempre po. Alangan naman pong bakla yung husband mo." Sabi nya at tumawa na parang nagbibiro ako.

Im getting more curious. Who is this guy?

"What does he look like?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin na parang di inaasahan yung tanong ko.

"Uhm. Ano, sige po una na po ako. Bawal ko pong sabihin kung sino sya." Sabi nya at umalis na.

What? He really dont want to introduce himself to me?

Tinignan ko ulit kung ano yung nakasulat sa papel.

'Eat well, my love.'

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at bigla kong naalala si Jack.

Minsan naisip ko din na baka si Jack yung nagbibigay sa akin ng bulaklak, pero sobrang imposible naman nun.

Puro na lang si Jack. This past few days, he's been acting weird. Parang halos saan ako tumingin andun din sya. I mean, hindi naman sa ayaw ko pero naiilang kasi ako kapag nandyan sya. Nandyan pa din kasi yung feelings ko para sa kanya. Maayos naman kami, nagbabatian nga kami o kaya naguusap pa minsan pero tungkol lang din sa studies.

Minsan pag may lalaki akong kausap, bigla bigla din syang susulpot para makisali. O kaya minsan ang lapit-lapit nya sa akin.

Naalala ko kahapon nung may kumausap sa akin na basketball player sa school namin. Si Josh. Tinanong nya kung pwede daw syang manligaw. Sakto naman na biglang napadaan si Jack kaya narinig nya yun. Akala ko maglalakad na sya paalis pero hindi pala.

Lumapit sya sa akin tas bigla nya akong inakbayan. Sinabi pa nya mismo sa harap ni Josh na lubayan daw ako kasi may boyfriend na ako.

See? Ang gulo nya. Haist.

He's doing good naman. Mukhang naka move on na sya sa akin. Move on sa akin? Pfft. Hindi nga ako minahal or nagustuhan lang tapos mag move on pa kaya? Baliw na talaga ako.

Tapos na akong kumain. Tumayo na ako at lalabas na sana ng makasalubong ko si Jack.

"Goodmorning." Nakangiting bati nya sa akin.

"Goodmorning." Naiilang ako hindi ko alam kung paano sya pakikitunguhan.

"Kumain kana?" Like you care.

"Ah, oo kakatapos ko lang. Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Kakain pa lang." Sabi naman nya.

May lumapit na babae sa kanya at pinulupot nito ang kamay nya sa braso ni Jack.

Napansin ata ni Jack na napatingin ako sa braso nya kaya agad nyang tinanggal yung pagkakapulupot ng kamay nung babae sa braso nya.

Tsk. Bigla tuloy akong nawala sa mood. Is that his girlfriend? Why would I care? Tsk.

"Sige, mauna na ako." I said, dryly.

Hindi ko na sya hinintay sumagot at umalis na.

Naglakad-lakad lang ako sa para tignan kung ano yung mga booths na meron this year bago pumuntang classroom.

I was about to enter our classroom, when our Mrs. Santos called my name. She is our teacher in music.

"Goodmorning, Maam." Magalang na bati ko at nag bow pa ng kaunti.

"Goodmorning, Ms. Smith. I will inform you that you will be singing in our last day of the program together with Mr. Tanner." Ano daw?

Kakanta kami? Oh god. Iniisip ko pa lang yung mga estudyanteng manonood halos kinakabahan na ako.

"You guys only have this day and tomorrow to practice. Alam kong mabilisan 'to, pero kayo agad yung naisip ko since nagperform din naman kayo dati, kaya okay lang. Inform Mr. Tanner about the performance and I will be expecting you guys to perform on stage." Sabi nya at umalis na.

Hell no.

-

A simple vote will be appreciated.

Follow Me!

Thank you for reading.


I'll Make You Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon