Manang

15 4 0
                                    

Damit niya'y malaki
Buhok ay nakalugay sa ere
Mukha niya'y walang kolorete
Siya'y dalagang walang palamuti.

Tinawag na Manang,
Minsan, mukha daw dalagang inanakan ng isang kaban.
Sa modernong pananamit ay wala siyang alam.
Dahil diyan Siya'y laging pinagtatawanan

Ba't daw ba nagpapakamanang?
Sagot niya naman, ito raw ay kusang nakasanayan.

Sa ina niyang malupit
Sa pananamit ay mahigpit
Ayaw  sa maiksi at masyadong hapit.
At isa pa, sa magandang damit
Siya ay medyo gipit.

Pagmapula ang labi
Mata ng ina'y sing itim agad ng gabi
Galit at tila ba may lalaki ng tumatabi.

Pag maiksi ang damit
At masyadong hapit
Ang ina'y nag uumigting sa galit
Na para bang sa lalaki siya ay lalapit.

Pinili niyang magpalait
Kaysa tawaging mababa at pagsalitaan ng masakit.

Sadness In My PoemsWhere stories live. Discover now