Ang buwan ay di na liliwanag
May mga tanong na di maipapaliwanag
Luha sa mata'y hindi na mapupunasan
Lungkot ko'y di na muli pang mararamdaman.Hawak ko ay patalim
Itatarak sa dibdib ng pailalim
Habang sa diyos ay nananalangin
Na sana ako'y patawarin
Dahil buhay ko ay tuluyan ng kikitilin.Subukan ko mang pigilan
Ngunit masyado ng pagod ang katawan
Gusto ko lang din naman maramdaman
Ang matagal ko ng inaasam na kalayaan.Katawan ay tuluyan ng namanhid
Pasa sa puso ay nawalan na ng bahid
Makakalaya na sa buhay na Puno ng ganid.Mata'y dahan dahang ipipikit
Dilim ay aking yayakapin
Tuluyan ko ng iiwan lahat ng sakit.
YOU ARE READING
Sadness In My Poems
PoetryA Compilation of my English and Filipino poems. All are ORIGINAL WORKS. Enjoy and Be Happy!😊