Sampung daliri
Sampung numero
Ito ay lalagyan ko ng kwentoUna, tayo'y nagkakilala
Namasdan ka ng aking mata
Ngiti mo'y puno ng siglaDalawang hingang malalim
Bago ka titigan ng palihim.Tatlong bilang
Bago ako humakbang.Apat, apat na patak ng pawis
Tanda ng may kabang na nanangis.Limang kisap mata
Para sa nakabibighani mong ganda.Sa bilang kong anim,
May damdamin na akong tinanim.
Naibaon ko sa malalim
Kaya tibok nito'y palihim.Pito, ako nga'y nalilito
Pag nariyan ka'y parang sirang hilo
Piniling manatili sa tabi mo
Kahit may ibang may-ari na ng iyong puso.Walo, bakit ba ako nagkakaganito?
Ba't pinili kong manatili sayo?
Kahit pinipili mo'y di ako.Sa bilang kong siyam.
Naiintindihan ko naman
Kung ika'y walang alam
Sa aking nararamdaman.
Sa akin ay okay lang.Maghihintay na lang kahit gaano katagal.
Pinili ko namang itago itong aking pagmamahal.Sampu, huling bilang ko na ito.
Pero nasaan pa rin ako?
Andito, sa malayo.
Nakatanaw sayo.
Nasa iyo ang puso, habang nasa iba naman ang iyo.Walang kwenta itong bilang ko.
Naitiklop ko na lahat ng daliri ko.
Hindi mo naman napapansin ang isang ako.Duwag ako.
Dahil pinili kong magmahal sa malayo.
Sa halip na ipag sigawang ika'y mahal ko.Ngunit paano ko ito ihihinto
Kung kahit ang numero ay walang dulo.
YOU ARE READING
Sadness In My Poems
PoetryA Compilation of my English and Filipino poems. All are ORIGINAL WORKS. Enjoy and Be Happy!😊