Wala na

9 3 0
                                    

Kung ang langit ay wala ng bituin
Ano pa ang aking aabutin.
Ako pa ba'y didinggin
Kung paos na ang aking hiling?

Kung ang dahon ay maubos
Kung ang halaman ay malanta
Kung ulan ay di na bumuhos
Kung maubos ang tinta.

Sandigang gumuguho
Ilaw na napupundi
Pangakong naglalaho
Ingay na nakakarindi.

Kung walang taga-pagtanggol
Umiiyak ang sanggol.
Kung wala ng ilaw
Mangangapa kahit tirik ang araw.

Kung ang himig ay tapos na
Kung may tuldok na ang talata
Ibig sabihin ba'y tapos na?
May karugtong pa ba o wala na?

Sadness In My PoemsWhere stories live. Discover now