Sa dagat ay nakamasid
Luha'y dumaloy sa mata ng 'di ko batid
Dama pa rin ang sakit na sa akin ay iyong hatid.
Di ko akalaing sa puso mo 'y isa lang akong sampidHindi ako, yan ang pinaramdam mo
Hindi naging ako at yun ang totoo
Gusto kong sumigaw! Gusto kong ipaglaban na ako!
Pero lagi naman akong talo,
Dahil siya at siya lang ang pinipili mo.Dumating na ang araw
Lumuluha dahil 'di na muling matatanaw
Makakauwi na ang pag-ibig mong sa akin ay naligaw.Gusto kong malaman mo na kahit hindi man ako,
Mahal kita nang totoo.
Kahit sa iba ka pa tumakbo
Nandito lang ako, tatayo at maghihintay sa pagbalik mo.
YOU ARE READING
Sadness In My Poems
PoetryA Compilation of my English and Filipino poems. All are ORIGINAL WORKS. Enjoy and Be Happy!😊