Tapos na

8 4 2
                                    

Tahimik
Laging walang imik
Magkatabi tayo pero bakit sa pagitan ay parang may tinik.

Malamig
Parang yelo na ang dating nag aalab mong pag-ibig
Awitin natin ay tila nawawalan na ng himig.

Wala na yung kilig
Pag nariyan ka'y di na kumakabog ang dibdib
A

t hindi na ikaw ang laging bukambibig.

Mundo natin ay binabagyo
Pundasyon ng ating mga pangako
Ay unti unti ng gumuguho.

Pag-ibig mo ay nasaan?
Para na tayong latang may label pero wala namang laman.

Pagod na ako
Pagod na akong makinig sa mga pangako
Na paulit-ulit mo namang pinapako.

Nasasaktan na ako
Nasasaktan na ako sa tuwing binibigkas mo
Ang mga katagang mahal mo ko
Tapos ibang babae ang nilalambing mo sa tuwing tatalikod ako.

Tapos na ako
Tapos na akong magpakatanga sayo.
Tapos na akong maghanap ng ikaw sa 'tayo'.

Bakit kailangan pang magkaganito?
Nagkulang ba ako?

Tawag mo ba dito ay relasyon.
Kung ganon iparamdam mo ng hindi maging ilusyon.

Sa larawan nating dalawa ako ay nakatungo
Naluluha dahil ikaw ay dahan-dahang naglalaho.
Ang walang hanggan ay nagkaroon na ng dulo.

Tapos na
Tapos na ang mga gabi ng iyong panghaharana
Wala na ang kisap sa iyong mga mata

Tapos na
Tapos na ang malambing mong paghawak sa kamay
Titigil na sa paglalakbay
Bibitiw na sa masuyong mong pag-akay.

Tapos na
Ang mga mahal kita
Ay matatapos sa katagang 'ayoko na'.

Sadness In My PoemsWhere stories live. Discover now