Sa mundong nating mapanakit
Maganda at gwapo ang higit
Mga Pangit naman ang gipit.Hindi malaman ang kahulugan ng maganda
Ang nakikita lang ay ang panlabas ng mukha
Mga taong magandang katawan lang ang nakikita ng mata
At di na ang tamang pakikipag kapwa.Anong silbi ng maganda mong mukha
Kung di ka marunong rumespeto sa kapwa.Anong silbi ng mahahabang pilik mata
Kung natatabuhan nito ang iyong mata
Na makita ang halaga ng ibaAnong silbi ng makinis mong balat
Kung ugali mo ay salat
At sa lipunan ay di karapat-dapatAnong silbi ng mapupula mong labi
Kung mga salitang mapang-api
ang lagi mong sinasabi,
At sa kapwa mo'y nagdudulot lang ng hapdi.Ano naman kung maganda ang iyong katawan,
Kung ang alam mo lang ay pagtawanan ang mababa sa lipunan.Sa pagiging maganda, walang silbi ang kolorete
Ang kailangan lang ay sa kapwa'y maging mabuti.Ang pagiging maganda ay di nasa hugis ng panga
O ganda ng mata at anggulo sa camera.
Kundi kong paano ka makipagkapwa.Kailangan lang na iyong malaman at pahalagahan
Ang pagkakaiba ng sangkatauhan
Sa panlabas na kaanyuan.
YOU ARE READING
Sadness In My Poems
PoetryA Compilation of my English and Filipino poems. All are ORIGINAL WORKS. Enjoy and Be Happy!😊