Kasal

11 3 0
                                    

Nararamdaman ko'y kakaiba
Sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata
At sa pagguhit ng ngiti sa iyong labi
Nagdulot sa akin ng kiliti na para bang may lihim itong mensahe.

Wag pa sanang kagatin ang ibabang labi
Baka hindi ko mapigilan at ako na ay mapatili.

At sa iyong paghakbang palapit
Ako ay taimtim na nakaabang habang nakapikit
Nawala bigla sa sarili at napunta sa munti nating kasalan. 

Suot ko ay puti
At ang paligid ay puno ng rosas na palamuti.

Tinutunaw mo ako sa iyong mga titig
Nag uumapaw ang mata ng pag-ibig.
Mahal, ako ay nasasabik na sa iyong mga bisig.

Nais kong bilisan ang aking hakbang
Sabay tayong humarap sa altar
At sa buong mundo ika'y aking ipagyayabang.

Hawak mo ang aking kamay
Habang pinapangakuan ako ng habangbuhay.
Isang ginoo na sa akin ay nagbigay ng kulay.

At sa pag angat mo ng aking belo.
Malumanay mong ibinulong ang mga katagang mahal mo ako.

Sana hindi ko nalang pinikit ang mga mata ko.
Hinintay ko sanang maglapat ang iyong labi sa mga labi ko.

Nang imulat ko aking mga mata
Ay siyang pagdaloy ng munti kong luha
Na tila ba isang bato na gumising sa aking diwa.

Hindi pala lahat totoo
Gawa gawa lamang ng isang hamak na ako.
Habang nakamasid sayo sa malayo.

Dahil ni minsan 'di ako nahagip ng titig mo
Hindi rin ako ang dahilan ng pag ngiti mo.
At alam ko ring kaylan may di ko maririnig sa labi mo
Ang mga katagang mahal mo rin ako...

Tinuring kitang mundo.
Isinama sa ginawang kong paraiso
Kahit alam kong may ibang laman na ang iyong puso.

Isang dilag na tangi mong kalawakan
At siyang binibini na pinili mong pakasalan.

Hindi ako ang may hawak ng iyong kamay
Hindi ako ang iaalay mo sa altar.
Hindi ako ang dilag na iyong pinagsisigawan.
Ako ay isa lamang sa dumalo sa magarbo mong kasalan.

Sadness In My PoemsWhere stories live. Discover now