Chapter 17

17 9 0
                                    

Chapter 17 [Truth]

"Nathan, Gising na si Vien." napatayo siya sa kinauupuan niya at tumingin sakin.

"Remember the 1 wish na sinabi mo kanina?" napatango ako. Yun yung sinabi ko pag naubos niya yung pagkain niya.

"Forget about Rome."

"Hah?"

Biglang kumunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi niya. Anong forget? Nababaliw na ba siya?

"Forget about Rome! Ikaw na ang nagsabi na kapag sinabi niyang boyfriend mo siya sa harap ni Tita. Kakalimutan ka na niya."

"Nathan? Why are you being so selfish?" nagkuyom ang palad niya at hindi siya umimik sakin.

"Sa buong buhay ko ako lagi ang nagpaparaya. Hindi ba kahit isang beses lang ako maging makasarili?"

Lumabas si Haru ng kwarto at naiwan ako sa loob. Bakit parang ako na naman ang may kasalanan? Binuksan ko ang phone ko dahil  nagtext ulit si Rome sakin.

From Rome:

Euhla, Sorry.

Sorry? Tanginang Sorry yan!


~*~

"Ma'am si Sir Nathan po ba?" tanong ng maid sakin. Kanina pa kasi ako naghahanap sa floor na to' at hindi ko makita ang lalaking yun.


"Nakita mo ba yon'? Naiirita na ko." napatango naman ang maid at tinuro sakin ang daan. "Kaliwa lang po kayo Ma'am." sabi niya.

Dinretso ko lang yung daanan at saka ako nakakita ng pinto sa may sulok. Ang laki kasi ng bahay eh. Hindi ko alam na may nageexist na ganito. Hindi na ako kumatok at binuksan ko ang pinto. Naabutan ko siyang nakatalikod at bumungad sakin ang mga pictures ko sa kwarto. Ano to' Fandom?

"Haru! Ano to'?" lumaki ang mata niya ng makita niya ako at tumayo papunta sakin. May pictures kasi ako sa mga pader eh.

"What the hell are you doing here?" irita niyang sabi at napapikit siguro dahil sa inis.


"Eh? Bakit may mga pictures ko? Oy, Stalker ba kita?" pilit niya akong pinapalabas pero nag-insist akong pumasok.

"Kwarto ko nga walang pictures ko eh. Nuxx!" sabi ko at tinapik siya sa braso. "Euhla, Please lumabas ka na." mahinahong sabi niya.

Nakatingin ako sa mga pictures. Nandoon yung graduation pic ko at yung mga beautiful shots ko. San niya ba to' nakuha? Andami kong stolen shot at yung photographer ay aktong nasa harap ko mismo. Omg?

"San mo to' nakuha?"

"Ako na nagpicture lahat niyan. Every moment na kasama kita." napa-ahh nalang ako sa sinabi niya at tinignan ang buong kwarto.

"Eh bakit wala akong nakikitang latest?" may nakita akong envelope at agad ko yun kinuha. Hinablot niya naman yun sakin at tinaas kaya di ko maabot.

"Dali na, Hindi ko naman alam na fan kita eh. Please?" masyadong magkadikit ang mukha namin dahil nakatingkayad ako. Bigla ko siyang hinalikan sa cheecks kaya nakuha ko ang envelope.

"HMMM." binuksan ko ang envelope after kong lumabas sa kwarto. Nagkulong ako sa isa sa mga room para di siya makapasok.

"Euhla, Please! Wag mong tignan!"  pilit siyang nagkakalabog  sa labas ng pinto. Parang timang naman eh. Masyado ba siyang nahihiya sakin?

Kinuha ko ang mga pictures sa loob at di ko inaasahan ang mga nakita ko.

"Wait, Rome?"

A Damn Celebrity In Loved ✓ | Not EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon