Chapter 5: Personal Relationship

5 0 0
                                        

Added (7 July 2022): English translation may be found below the version numbers.

Dear Dumpling,

Sorry at ngayon lang ako nakasulat sa iyo. Ang daming ganap sa mga nakaraang araw. Gusto ko ikwento sa iyo, pero alam mo na, confidential.

Sa wakas, sabay-sabay kaming kumaing mag-anak. Simula ngayon ng leave ni Pipette kaya nandito siya sa bahay.

Si Crucy naman, dito sa Maynila naka-destino. Di pa niya alam kung kelan balik niya sa spaceport.

Si Burette, maaga umuwi kasi di pumasok mga prof niya.

Si Aki, nagpipinta lang dito sa bahay. Wala pang sagot yung paborito niyang volleyball team sa application niya. Marami siyang alok sa ibang team pero ayaw niya tanggapin. Hinayaan ko na lang siya.

Halos dalawang oras kami tuloy kumain. Ang daming kwento ng mga anak natin.

"Dad, sabi sa akin sa office na wag daw muna ako mag-resign. Mag-leave lang daw muna ako," balita sa akin ni Pipette.

Don't jump the gun, ika nga.

Pero nakikita ko sa mga mata niya na di na siya masaya. Wala ang kislap sa kanyang mga mata at tila pagod ang tono ng kanyang boses.

Di ko na siya inusisa sa kanyang trabaho at baka mastress lang siya. Sabi ko na lang, "It's your call, Pipette. Just let me know if you need help deciding."

"Thanks, dad," sagot niya.

Si Crucy, nagkwentong malapit na raw makagawa sila ng uri ng bakang pwedeng mabuhay sa buwan. "Finally," sabi niya, "sawang-sawa na kasi mga astronaut natin sa preserved milk. Nagbibiro pa nga sila kung sana pwede ring katayin para gawing fresh steak!"

"'Di ba pwedeng katayin?" Usisa ko.

"Hindi po, Dad. Pang-gatas lang."

"Paano naman kayo nakabuo ng ganoong species?"

"Genetic engineering, Dad," tapos pinaliwanag niya pero hindi ko nasundan. Nahilo tuloy ako.

"Crucy, baka pwedeng mahiram ko yung notes mo para mapag-aralan ko, please?" Paalam ko sa anak natin.

"Hmm, bawal Dad e. Office policies," mahinang niyang tugon.

"Sorry kasi hindi ko masundan e." Kita ko ang dismaya sa mukha ni Crucy. Kaya agad kong dinagdag, "Pwede mo bang ipaliwanag sa akin, dahan-dahan, bukas?" Sabado kinabukasan kaya wala siyang pasok.

"Yes, Dad," umaliwalas ang mukha ni Crucy. Naalala ko ikaw, Dumpling, sa kanyang ngiti. Tanggalin mo lang salamin ng anak natin, tila kambal kayong dalawa e.

Alam mo, Dumpling, kung kasama ka namin, madali mong maiintindihan yung sinasabi niya. Napakateknikal e, pero pilit ko pa ring inuunawa. Naku, magkakasundo kayong mag-ina.

Si Aki naman, may sorpresa daw para sa akin. "Sana magustuhan niyo, Dad."

"Ano yun, anak?"

"Hmm, secret muna, Dad. Hehe," sabi niya.

Biro mo yun, binibitin pa ako. Hayyyyyy.

Sa Burette, nagkwento sa naging usapan nila ng kanyang boyfriend, "Dad, tinanong ni Gino kung willing po ako magpalit ng relihiyon bago magpakasal."

Aba, di pa nga nagpropropose, di pa nga engaged, kasal na pinag-uusapan. Excited! Alam mo naman, sagradong Kristiyano itong boyfriend ni Burette. E yung mga anak natin, 'di ko pinalaking relihiyoso.

Dugtong ng bunso natin, "Dad, pahingi naman po ng advice niyo."

Huminga ako nang malalim at mabagal na nagsalita, "Anak, religion is a personal relationship between yourself and God. Do not let someone dictate to you who you – or what – should worship. Kung sasamba ka sa isang Diyos, siguraduhin mong pinili mo siya nang boluntaryo at bukal sa iyong puso."

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon