Chapter 6: Pandora's Box

2 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Kamusta ka na? Sana'y mabuti at maayos pa rin ang iyong kalagayan.

Nagpaalam sa akin si Pipette, "Dad, pwede ba akong sumulat ng article tungkol kay Ma? Gusto kong magkaroon ng dahilan para makilala siya e. Bukod sa mga kwento niyo sa amin, wala kaming masyadong alam tungkol sa kanya."

Sabi ko, "Just do it. Di mo na kailangang magpaalam sa akin."

Sagot niya, "Dad, gusto ko kasing mabasa rin yung mga chat niyo, at yung mga sulat mo para kay Ma. Balak ko ring kausapin sila Tita, mga kaibigan ni Ma."

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako handang balikan ang nakaraan. Natatakot akong tignan ang ating mga larawan, basahin ang chat natin, at marinig ang mga kwento tungkol sa ating dalawa. Ayoko nang malungkot, ayokong muling tumulo ang mga luha.

Dagdag ng panganay natin, "Gusto kong magdedicate ng issue ng ating journal para kay Ma. Regalo na natin sa kanya para sa birthday niya. Malapit na rin ang April 18."

Nagbuntung-hininga ako. Pero di ako makatatanggi, "payag ako, anak. Pero hands-off ako. Ikaw na ang umupong head editor. Bibigyan kitang access sa mga larawan naming dalawa, sa mga naging usapan namin, at," napalunok ako, "sa mga korni kong tula na ginawa ko para kay Ma. Pero huwag mo na sana ipaulit sa akin ang mga kwentong paulit-ulit ko nang kinukwento sa inyong magkakapatid."

Ngumiti si Pipette, "Opo, Dad. Thank you po," at humalik sa aking pisngi. Agad din siyang nagpaalam at hinagilap ang ating mga natitirang alaala.

Pucha, bakit pa kasi kailangan nating balikan ang nakaraan? Hay, sasama lang timpla ko kung pagninilayan ko pa ito.

Hanggang dito na lang, mahal. Manonood muna ako ng America's Funniest Home Videos.

Dad.

---

Version 1.0, 21 February 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon