Chapter 12: Don't Waste People's Time

2 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Kamusta ka na? Lalo kitang namimiss ngayon. Lagi na kasing lumilitaw mula sa baul mga luma nating larawan para sa ginagawang research ni Pipette. Pati mga luma nating chat, na nahihiya akong basahin ngayon. Nakakacringe yung mga pagkakataong sinusubukan kong simulan ang chat para lang makausap ka, kahit hindi naman ako talaga ang nagsisimula ng chat pag kinakausap ko ibang tao. The lengths you'd go to to get the person you like to notice you. Natatawa pa rin ako sa hiya.

Ininterview kanina ng anak natin si Tita R. Kaso late siya. Ang usapan nila 9 a.m., pero 10:30 na nang dumating si Pipette sa coffee shop. Tumawag pa nga sa akin yung best friend mo, nag-aalala kung nasaan na ang panganay natin. Humingi ako ng paumanhin at sabi kong kakausapin ko ang anak natin. Huwag na daw, sabi niya. Mabuti close ang mag-tita kaya walang isyu. Pero hindi natapos ang interview, kailangan pa tuloy ng continuation. May susunod pang lakad si tita niya. Sayang sa oras at pagod.

Alam mo namang di ko gustong pinagagalitan o pinagsasabihan mga anak natin, pero di ko ito palalampasin. Kahit na walang sama ng loob si best friend mo. Inantay ko na si Pipette ang magbring-up ng nangyari.

Habang naghahapunan, nagkwento si Pipette sa akin, mga bagay na tungkol sa pagkakaibigan mo at ng best friend mo. Pero di ako makafocus, nakinig lang ako sa sinasabi ng anak natin. Inaantay ko ang tamang panahon.

"Tindi po kasi ng traffic e, buti na lang naghintay si Tita," sinabi na ni Pipette ang inaantay kong mga salita, "Buti nga po, 'di siya umalis e. Wala po kasi akong load e. Di ko alam na..."

Huminga ako nang malalim at pumikit. Nabatid ni Pipette na may sasabihin akong importante dahil tumigil siyang magsalita.

"Pipette, thought experiment tayo, isipin mong nasa posisyon ka ni Tita R mo," simula ko, mabagal, dahan-dahan, nahirapan akong ibalanse ang pagiging seryoso pero hindi galit, "alam mo ba kung ano ang pinagkakaabalahan ng tita mo?"

Humina at nabasag ang boses ng anak natin, "Oo...opo, dad, marami po siyang kliyente, mga dapat pag-aralan. Dad, yan din po ang pinasok kung trabaho...dati." Natunugan niya ang susunod na mangyayari, "Please...dad, wag niyo po akong pagalitan. Sobrang traffic po talaga e."

Tumingin ako sa maliliit na mata ni Pipette. Pareho kaming naluluha. "Di ako galit sa iyo, anak. Pinapaalala ko lang ang napagkasunduan natin. Di kita pinigil na magkaroon ng sasakyan, kahit na alam mo na ang opinion ko tungkol diyan. I cannot change your mind. But I said that you have to adjust, even if it is inconvenient for you. Di kailanman naging excuse ang mabigat na trapiko. Sana maaga ka umalis."

Tumungo si Pipette, halos pabulong niyang namutawi, "Sorry, dad. Nag-sorry rin po ako kay Tita. SInabi nga po niya na tumawag siya sa inyo. Di po ako makareply e, di kop o alam na wala na akong load."

"Anak, huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo. Paano kung ikaw naman yung pinaghintay? Kahit close kayo, kaibigan man yan o pati pamilya. Don't take for granted the people who care for you."

Pansin kong humihikbi na ang anak natin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Dad, alam kong nagkamali ako. Ganito nga ginagawa sa akin sa trabaho e. Di ko na dapat ginagaya," Nilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"This is common decency, Pipette. You deserve respect not because you're an important person, not because you're entitled to it. You deserve respect as a human being, plain and simple. Give others the same respect. Always take the moral high ground."

Dumating si Crucy mula sa opisina, di maipinta ang mukha. Malamang stressed na naman siya sa trabaho at commute. Nakita niya kaming magkayakap ng Ate niya. "Dad, Pipette, anong nangyari?"

"Late kasi ako kanina sa interview ko kay Tita R e," mahinang sagot ni Pipette at nagtama ang mata ng magkapatid.

Malakas na nagsalita si Crucy. "Hay naku, parang si Ma hindi ganyan ah, di pumupunta nang maaga kasi siya lang naman daw maaga. Ayaw pinaghihintay," binulalas ng pangalawa nating anak.

Tinignan niya ako, "Dad, di ba ginawa niya yan sa inyo? Why are you such a patient person? Why did you put up with such a terrible human being? Gahhhhh, Dad, bakit niyo minahal si Ma?" Di nakapagpigil si Crucy. Dilat na dilat at gumugulong ang almond niyang mga mata. Litaw ang kanyang ngipin at naka-clench.

Gusto kong sumagot pero inisip kong hindi ito ang tamang panahon para diyan. Nagpigil ako. Dumaan ang ilang segundo. Ramdam kong nagbibilang siya. Pati ako. Si Pipette din. Lahat kami nagbibilang.

"Hayyyy, sorry dad, sorry Ate. Bihis na ako," paalam ni Crucy matapos mahimasmasan.

I have to talk to Crucy someday, but not today. She's tired. We're all tired.

Dad

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon