Chapter (2nd to the last): Making New Memories

3 0 0
                                        

Dear Dumpling,

Tinitignan ko yung mga pictures mo noong nag-tour ka ng Holy Land bago pa naging tayo. Alam kong gusto mong bumalik. Sabi mo nga sa akin, "Pero sayang di namin nakita yung iba. May burial sites din doon. But 3 days of hiking to see everything. It's expensive there tho. But hopefully can return one day."

Nanghihinayang ako na hindi natin ito nagawa nung naging tayong dalawa. Pero wala rin akong masisi kasi alam mo naman -- salamat at ginalang mo ang paniniwala ko tungkol sa relihiyon.

Next best thing na lang. Binisita namin ni Crucy at ni Minah lahat ng pinuntahan mo noong nandoon ka. Maagang natapos ang seremonya para matapos na sa wakas ang gulo sa Jerusalem. Napirmahan na ang kasunduan na gumagalang sa karapatan ng lahat ng mga taong nakatira doon, anuman ang kanilang relihiyon. Human dignity is inviolable. Ginawa na itong city under United Nations administration.

Sana'y igalang ito ng lahat. Gaya nang naging paggalang sa kalayaan ng Palestine at karapatang-pantao ng mga mamamayan nito. Sana'y di na kailanganin pa ang armas. Sana'y wala nang gumamit nang bigger-army diplomacy. I realize I sound too positive, but I consider myself more of a cautious optimist. Hoping for the best but expecting the worst.

One thing is sure: I'm more scared of a relapse. Mas takot ako na pumutok ulit ang gulo, na masayang ang lahat ng ginawa tungo sa kapayapaan, kesa timbrehan ako dahil sa aking papel dito. For doing the right thing. Tinanggihan ko nga ang alok na maging mayor ng lungsod. Pero nakakatanggap pa rin ako ng mga banta sa aking buhay. Mula sa mga extremist. 'Di ba nila alam na kailangan ding mag-evolve ng relihiyon? Kailangan nitong igalang ang iba pang mga karapatan. Tao rin ang mga hindi tumatalima sa way of life nila. Kahit mga babae at LGBT plus na sumusunod sa kanilang relihiyon. Basta walang nasasaktan nang pisikal. Simple difference in beliefs, without any consequent violence, is no reason for discrimination. Again, human dignity is inviolable.

Sorry, kailangan ko lang ilabas lahat yan. Bilang negosyador, di ko masabi nang lubusan ang personal kong opinyon. Nasidetrack na naman ako. Hehe.

May extra day kami kaya nilibot namin ni Crucy lahat ng binisita mo noon, Dumpling. Oo, sa loob ng isang araw, nagawa naming lahat ng ginawa mo sa loob ng sampung araw. Hindi ito dahil sa teknolohiya, pero dahil kay Minah, yung translator naming dating katunggali at ngayo'y ka-tropa na nina Burette at Aki. She's the daughter of an Arab and a Jew, which brings me hope that these people may peacefully co-exist, without fear, without force.

Ni-recreate ni Crucy lahat ng pictures mo, Dumpling. Pareho kayong abot-langit ang ngiti habang nasa labas ng Petra at nasa Sea of Galilee. Sayang at walang siyang ibong mapakain. "It's okay, Dad. Next time siguro pag bumalik tayo. Whole family please? Pati si Sam." Nagulat ako kasi di naman relihiyoso ang pangalawang anak natin. Nagdadasal siya, pero di piniling magsimba tuwing Linggo tulad nina Burette at Aki. Ngumiti ako at tumungo, "We will, 'nak."

Di tulad nang naging biyahe mo, nakapasok kami sa lahat ng mga sambahan. Tahimik kaming nagmasid, bilang respeto sa mga nagdadasal. Napanganga si Crucy sa ganda ng mga kisame't rebulto. Pati si Minah, na binulong sa aming mag-ama, "Wow. I've read about this and seen 3D models online. But this is my first time inside. It's more beautiful to see um, face-to-face."

Gaya nang nangyari sa Korea at Crimea, may send-off sa amin sa airport. Unang pinatugtog ng unified band ang "Wind of Change" (as usual). Pero nagulat ako tinugtog din nila ang "You Only Get What You Give". Napasayaw kaming lahat, kahit na formal ang event. "Permission to break protocol," paalam sa akin ng anak natin. A song of hope, as the light shines at the end of the darkest, longest tunnel.

Nagpasalamat ako kay Minah na tinour kami, at inaya ko siyang bumisita rin sa Pilipinas. "I've been there, sir," sabi niya sa akin. Oo nga pala, ilang beses na silang mga Olympian friends ng bunso natin at bunso ko na nakapunta't nakitulog pa sa atin. Pero sabi ko, "there's surely more to see."

Sige, Dumpling, iidlip na ako. Mahaba-haba pa itong flight namin ni Crucy pauwi. Oo, magkasama kami. Pinilit ng anak natin, "Dad, we live together. We die together." Nakahilig na siya ngayon sa balikat ko.

I love you and miss you always.

Dad

---

Version 1.0, 4 April 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon