Chapter 8: Trust

3 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Nagrereklamo kanina sa akin si Crucy. Bigla daw nag-leave yung kasama niya sa project kaya siya daw naiwan sa opisina. Umabot pa siyang overtime kasi kailangan niyang mag-start over kasi di hinabilin ng kasama niya sa kanya yung bagong procedure yata yun? Basag ang boses ng anak natin at umiiyak siya habang kinakausap ko sa telepono. Halatang pagod na. At galit. Nagsabi siya sa akin na sa opisina na siya matutulog. Kawawa naman.

Pagod na pagod na siya sa kasama niyang yun. Hindi raw ito ang unang beses na iniwan siya sa ere. Tinanong ko, "may tiwala ka pa ba sa kanya?" Sagot ni Crucy na wala na. Pero di daw siya makareklamo kasi may kapit yung kasama niya. Baka siya daw ang pag-initan.

Bakit kaya may mga taong madaling sumira sa tiwalang binigay ng iba? Naalala ko tuloy ikaw. Naalala mo nung nagpartner tayo sa isang project? Bago pa naging tayo. Isang linggo, marami kang nabigay na babasahin. Pero nung sinusulat yung papel mismo, tumahimik ka. Apat na araw. Tambak na yung comments ko noon. Imposibleng di mo nakita yun at pinapadala naman sa email mo instantly yung comments ko. Nag-alala ako kasi kung ano na nangyari sa iyo.

Kung di pa ako nag-usisa sa iba, saka ka lang sasagot. Sumama loob ko sa iyo noon. Di mo kailangan magpaalam, pero sana nag-abiso ka man lang. Para di ako umasa ng sagot mo. Lalo akong naawa sa sarili ko nung malaman ko kung ano ginagawa mo ng apat na araw na yun: nag-attend ng kasal at ng Christmas party, nagpalaser ng mata (Wow! Iba na ang may kaya). Sinira mo tiwala ko sa iyo.

Pero di ko sinabi ito sa iyo. Hindi ko alam kung nalaman mo nga ito e. Bakit? Kasi una, masasaktan ka. The truth hurts. Pero pangalawa at mas mahalaga, I wanted to give you the opportunity to redeem yourself, and for me to redeem myself. Na tamang nagtiwala ako sa iyo simula't sapul. Inantay ko na sa iyo manggaling ang pakiusap na isang linggo para gawin ang parte mo. Naging firm but kind ako, cautious and guarded optimisim. Sinabi kong deadline mo yung one week. Pumayag ka naman.

Kwinento ko yan kay Crucy habang kausap ko siya sa telepono. Tinuro ko sa kanya, "It's okay to take a break from commitments. But please inform those affected in advance of your intent to do so and for how long. Don't leave people hanging." Sabi ko ituro rin niya sa kasama niya.

Sagot lang sa akin ng anak natin, "Dad, di ko gets bakit minahal at mahal mo pa rin sa Ma." Sabay paalam sa akin. Medyo naiinis na tono ng boses niya pero mabuti pinakinggan niya kwento ko. She did not drown me out or cut me off.

Sige, dumpling, tutulog na ako. Good night. Love you.


Dad

---

Version 1.0, 20 March 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon